FELICITY
Out of curiosity ay sinundan ko si Zayne. Hindi ko pa gano'n kakilala si Zayne ngunit siya ang pinagkakatiwalaan ni Calib kaya malamang hindi naman yan aalis sa mansion ng Heaven's Gate kung hindi importante.
Sinusundan ko lang siya ngunit sa isang iglap lang ay bigla siyang nawala sa paningin ko.
"Ha? Saan na 'yon nagpunta?" I muttered.
Nagpalinga-linga ako sa paligid nang may biglang humatak sa akin at tinakpan ang bibig ko.
Agad din naman akong kumilos at siniko sa siya sa tagiliran sabay angat ng paa ko at saktong tumama sa treasure niya.
"Ahhhhh!" Hiyaw niya at bahagya siyang namilipit sa sakit.
Nagulat ako nang makita ko ang mukha niya. Si Zayne pala. Alam niya palang sinusundan ko siya.
Ngunit tila mas nagulat pa siya sa akin nang makita ako.
"Sorry..." giit ko tsaka tumakbo na palayo bago pa man niya ako mahuli.
Bumalik na ako sa school ni Bliss ngunit tila nahuli na ako ng dating at nagsi-uwian na daw ang mga bata.
"Where's my son?" Tanong ko doon sa guro niya.
"Ah sinundo na po ng Daddy niya." Napakunot noo ako sa sinabi nito.
"Si-sinong Daddy?" I asked.
" 'yong kasama niyo po dito sa meeting."
"Salamat." Sabi ko at agad na bumalik ng kotse.
Bwiset na Calib na 'yon. Saan niya kaya tinangay 'yong anak ko? Nalingat lang ako, umepal na siya.
Pagkarating ko ng bahay ay bukas 'yong pinto.
Paspasok ko ay nandoo nga 'yong dalawa. Mahimbing na natutulog si Calib sa sofa habang tulog na tulog din sa ibabaw nito sa Bliss.
Parang may kumurot sa puso ko nang makita ko sila sa gano'n. Siguro kaya malapit si Bliss kay Calib 'yon ay dahil sa naghahanap talaga ng isang ama si Bliss.
Para silang mag-ama kung titignan mo. Parang sa isang iglap ay nabura lahat ng inis ko kanina nang malaman kong tinangay ni Calib si Bliss.
Napaupo ako habang nanatiling nakatitig sa kanila. Nang may bigla akong naalala.
Kamukhang kamukha nga ni Laures Ibarra si Calib. Hindi kaya magkadugo sila? O magkapatid?
Dinukot ko 'yong phone sa bulsa ko at hindi ko mapigilan na hindi sila kuhanan ng litrato dahil ang cute nilang tignan. I mean... si Bliss lang pala 'yong cute.
"Am I too handsome para nakawan mo ng litrato?" Dinig ko sabi nito tsaka ito dumilat.
Gising na pala siya.
"Wag kang assuming! Bakit mo naman sinundo 'yong anak ko ng walang pasabi. Ikaw ba 'yong tatay huh?" Sermon ko sa kanya.
"Pssshh... Don't be so noisy." Giit niya at dahan dahan nitong binuhat si Bliss at inakyat sa kwarto nito na siyang sinundan ko naman.
"Dahil iniwan mo lang siya doon. What if hindi ako 'yong nakakuha kay Bliss?" Saad niya ulit.
"Basta! Wag mo siyang kukunin ng walang permiso ko at hindi mo siya anak." Mariing sabi ko.
"Fine." Pagkibit balikat niya tsaka tumingin sa akin.
Uh-oh~ parang hindi ko gusto ang ganyang tingin niya.
"Tulog na si Bliss. Now... ikaw naman ang patulugin ko." Bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal tsaka dinala sa kwarto ko at ibinagsak sa kama.
"Ano nanaman ang binabalak mo?" Nababahalang tanong ko ngunit hindi siya sumagot at basta nalang humiga sa tabi ko.
Tatayo pa sana ako ngunit bigla niya akong niyakap.
Nakatalikod ako sa kanya at nanatili siya nakayakap sa akin.
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nanatili parin siya nakayakap sa akin.
"Just let me hug you." He whispered.
Nanatili akong tahimik at isang himala ata ang sumapi sa lalaking ito at parang ang bait niya ngayon.
Ilang saglit lang din ay bigla akong nakaramdam ng antok.
~*~
Pagmula ko nang mata ko ay wala na siya sa tabi ko. Hay, salamat naman kung gano'n.
Teka, anong oras naba? Crap! 8 o'clock na pala ng gabi. Baka nagutom na 'yong anak ko.
Nagmadali naman akong bumaba upang maghanda sana ng hapunan ngunit nagulat nalang ako sa nadatnan ko.
"Mommy!" Nakangiting bungad sa akin ni Bliss.
Nasa kitchen silang dalawa at parehong nakasuot ng apron ngunit pareho ding walang suot na t-shirt.
Bakit tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama ay biglang nawawala lahat ng bad vibes sa katawan ko.
"Akala ko umalis kana." Sabi ko habang nanatiling nakatingin sa niluluto nila.
"Bakit? Na-miss mo ba agad ako?"
"Yuck!" Nasabi ko nalang.
Marunong pala siya magluto.
"Mommy nagluto po kami ng favorite mo. Beef steak with love and more." Nakangising sabi ni Bliss.
Bahagya naman akong natawa.
"Ikaw talagang bata ka." Pingot ko sa ilong nito.
"I love you mommy!"
"I love you too honey." I replied.
"What about me?" Sabad ni ungas.
"I hate you." I faked smile.
"I don't care." Tugon niya naman.
"Mommy nag-aaway po kayo?" Tanong ni Bliss.
"Of course not honey." Sagot ko naman.
"Tell mommy to kiss me." Dinig kong bulong niya sa anak ko dahilan para manlisik ang mga mata ko sa kanya.
"Mommy can you--"
"No!" I cut it out bago pa man matapos ni Bliss ang sasabihin nito.
"She refused." Dinig ko ding bulong ni Bliss kay Calib.
Aba 'tong dalawang 'to mukhang pinagkaisahan pa ako.
Nang matapos na ang sabwatan ay kumain na din kami ngunit hanggang dito na naman ay magkasundong magkasundo ang dalawa.
Pakiramdam ko tuloy na out of place na ako sa dalawang 'to.
Pero sa napapansin ko lang, halos magkapareho kumain 'tong dalawa. Ayaw kumain ng gulay, ang hilig sa sabaw, dapat laging may juice kapag kumakain regardless of the time. At pareho nilang favorite ang pritong leeg ng manok.
Bakit parang ang bait niya kay Bliss? Parang kailan lang ay inutos niyang patayin 'yong anak ko.
Teka, anong araw na nga pala bukas?
"Oh my!" Bahagya kong nabitawan 'yong tinidor na hawak ko nang maalala kong friday na nga pala bukas.
"What's wrong mommy?" Tanong ni Bliss na huminto din sa pagkain.
"Friday na pala bukas. May event pala kayo sa school and yet wala pa akong naiisip for the talent portion." Giit ko.
"Mister are you going to join us tomorrow?" Tanong ni Bliss kay Calib.
"No." Sagot nito.
Tama lang na huwag siyang sumama.
"Pero may makakasama ka." Kindat nito kay Bliss.
Ano nanaman kayang pinag-uusapan nitong dalawa at may pakindat kindat pa? Jusme naman! Ang hirap maging support mother dear. Kailangan kong mag-isip at ayokong magmukhang kawawa ang baby ko tomorrow.
To be Continued...