FELICITY
Sa wakas ay umalis na din 'yong ungas na 'yon.
Ubos na pala 'yong stock namin sa refrigerator so kailangan kong pumunta sa grocery to buy some foods na kahit hanggang bukas lang at sa makalawa ay lilipat na din naman kami sa mansion ni Calib.
Since walang mapag-iwanan kay Bliss ay isinama ko na siya sa pamimili.
"Wag kang lumayo Bliss ah." Paalala ko dito.
"Yes mommy!" Sagot naman nito.
CALIB
"Bakit parang concern ka sa bata?" Tanong ni Cib.
"Hindi naman." I answered.
"Pero kamukhang kamukha mo 'yong bata Lau. Hindi kaya anak mo siya?" Saad naman ni Matthias.
"Malabo. Hindi naman ako nagtanim sa babaeng 'yon. Ngayon ko lang siya nakilala noh." Iling ko.
"Baka naman dahil sa dami ng naikama mong babae ay nalimutan mo lang na isa pala siya do'n." Giit naman ni Jack.
"Don't me Jack. Hindi ako katulad mo bro." Tapik ko dito.
My life has been totally change when my father died. I take over everything. Everyone knows me as Laures Ibarra na member ng bandang FBOYs but behind that, I'm Laures Calib Jacinto... the current g**g Master of Heaven's Gate.
Ako ang pinuno ng isa sa pinakamalaking organization ng underground society.
Sooner or later ay malalaman din ng lahat ang totoo kung pagkatao kaya habang maaga pa ay aalis na ako ng banda bago pa man sila madamay.
Dati ay wala talaga akong pakialam sa Heaven's Gate. They gave me freedom. Kaya nga nakasali pa ako sa banda pero ngayon ay iba na. Pinatay nila ang Daddy ko at hindi ko mapapatawad kung sino man ang pumatay sa kanya.
Mata sa mata, ngipin sa ngipin.
"I have to go. Just see you there. Wag kayong talk s**t ah. Just do what I've said." Giit ko.
"Aye Master!" Sabay sabay nilang sabi.
"Mga sira-ulo!" Natatawang sabi ko.
Ako parin naman si Laures ngunit bilang pinuno ay kailangan kung tanggalin ang puso ni Laures at palitan ng puso ni Calib.
No mercy kung kinakailangan.
BLISS
I'm at the chocolate corner but sadly hindi ko maabot 'yong chocolate na gusto ko.
"Mommy!" I keep on calling my mom but she's not even answering.
"Hello, you want this? Here." Isang pamilyar na mukha ang nag-abala pang kumuha ng chocolate at binigay sa akin. I knew him.
"Mister... Calib?" I mentioned his name but he covered my mouth.
"Sssh... you're clever huh. I'm Laures. At ako ang makakasama mo bukas." He tapped my head just like he always do. I feel like he's my Dad every time he's with me.
"Why do you have to disguise yourself?" I asked.
"I'll tell you a secret but you have to promise me that no matter what happened it will remain to the two of us. Malinaw?"
"Yeah." I nodded.
FELICITY
"Bliss?" Tawag ko sa anak ko at tila kanina ko pa siyang hindi nakikita.
"Mommy!" Nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig ko ang boses niya.
"Mommy look who's here!"
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino 'yong kasama niya.
Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Laures ng FBOYs na kamukha ni Calib.
"Hi..." bati niya sa akin at nginitian ako ng matamis.
Sa unang kita ko palang sa kanya ay mukhang malayong malayo ang ugali niya kay Calib.
"He's my new friend mommy." Saad ni Bliss.
"Really? Well, that's good to know." Tugon ko naman. "Pasensya kana kung kinukulit ka ng anak ko ah." Paghingi ko ng paumanhin.
"No. It's okay." Ani nito at ngumiting muli.
Ibabagsak niya lang ang buhok niya at tanggalin ang mga kulay sa buhok nito plus bawasan ang pag-ngiti ng matamis ay kuhang kuha niya na si Calib.
"Mommy you know what, sabi po niya ay sasamahan niya daw ako bukas sa talent portion sa school."
"Naku... wag na. Pasensya kana talaga at mukhang inabala kapa ng anak ko." Giit kong muli.
"Mommy..." pinandilatan ko lang ng mga mata si Bliss.
"You don't have to say sorry coz it's my pleasure to help him." Tila natatawa pang sabi nito.
Hay naku, ang daldal talaga ni Bliss.
"Salamat kung gano'n" I smile awkwardly at nahihiya talaga ako. Hindi ko naman siya kilala kasi.
Kinabukasan...
"Mommy I'm so excited to sing with Miste-- I mean tito Laures." Kwento nito habang binibihisan ko.
"Anong kakantanhin niyo?" Tanong ko dito.
"Secret po mommy. Basta! malalaman mo din mamaya." Sabi niya sabay kindat pa sa akin.
Parang unti-unting nagagaya ni Bliss 'yong mga kalokohan ng ungas na si Calib.
And speaking of the devil. Sana nga kahit ngayon lang ay huwag na muna siyang magpakita sa akin.
"Let's go honey." Hinawakan ko na ito sa kamay at sabay kaming lumabas ng bahay.
~*~
Pagdating namin ng school ay tila may pinagkukumpulan 'yong mga tao.
"Ang pogi pala talaga nila sa personal."
"Gosh! Sana kasing pogi nila ang tatay ng anak ko."
'Yon ang ilan lang sa naririnig kung usap-usapan nila.
"Uncles!" Hiyaw ni Bliss at tila may nakita siyang kakilala.
At inaamin kong nagulat ako nang makita ko ang apat na gwapong nilalang na nakita ko kahapon sa mall. Ang FBOYs ay nandito ngayon sa harapan ko at tinatawag silang uncle ng anak ko? Ang buong akala ko ay si Laures lang ang pupunta dito? Crap!
"Hi, you must be the mother of this cutie patotie. I'm Cib." Pagpapakilala niya.
"I'm Matthias." Kaway naman nito.
"I'm Jack." Kindat naman nito.
"And I'm Laures." Pagpapakilala niya ulit.
Isang poker face lang ni Laures ay iisipin ko nang siya si Calib.
"Oh hi guys. I'm Felicity, the mother of Bliss." Pagpapakilala ko naman.
"Nasaan 'yong father ni Bliss?" Tanong ni Cib.
"Uhm... wala siyang father." Napangiti nalang ako.
"So as I support to your child. We will going to perform na kasama siya." Giit ni Jack.
"Yehey!" Natutuwang sabi naman ni Bliss.
"Well thank you so much. Grabe, hindi ko inasahan 'to. Pasensya na kayo sa abala pero maraming salamat lalo na sa'yo Laures." Napatingin ako kay Laures.
"Small thing." Nginitian niya lang ako.
"So let's go at the backstage Little Lau-- I mean Little Bliss." Nakangiti ding sabi ni Cib.
Pumunta na nga sila sa backstage habang nanatili akong nakaupo dito sa harapan at excited na din akong makita ang performance ng anak ko kasama ang FBOYs.
To be Continued...
A/N: Kung gusto mong makilala 'yong FBOYs then read their stories. Matthias at Spoiled Brat Cinderella, Cib at Boyfriend for Rent, and Jack at Harley and Joker. VOTE AND COMMENT ^^ Thanks.