CALIB Napabuntong hininga ako bago ko tuluyang binuksan ang pintuan. Tumambad sa paningin ko ang pinuno ng Pentagon na ama ni Felicity at ang mga tauhan nito. Lahat sila ay nakatutok sa akin ang mga hawak nilang armas. "Nasaan ang anak ko?" Napailing lang ako at mabilis na binunot ang b***l sa may tagiliran ko at bago pa man nila ako mapaulanan ng bala ay naunahan ko na sila. Tumumba lahat ng mga tauhan ni Octavo na nakapalibot sa akin habang nanatili naman siyahg nakatayo at nakatingin sa akin. "Magaling ka bata..." napakunot noo ako sa sinabi niya. "Ngunit nagsisimula ka palang ay pabalik na ako." Giit niya at tila ba sa isang iglap ay bigla nalang siyang naglahi sa paningin ko. Paglingon ko ay saktong tumama ang sipa niya sa mukha ko dahilan upang matumba ako at tumilapon ang b

