CALIB Napatingin ako sa pinanggalingan ng putok. Isa sa mga tauhan ng Pentagon ang bumaril sa akin at nagawa niya akong patamaan sa balikat. Napatayo ako at napadampot na rin ng armas at agad na ginantihan 'yong bumaril sa akin. Alam kong pauulanan din nila ako ng bala ngunit inunahan ko na sila gamit ang isa kamay ko lamang. Nang naubusan na ako ng bala ay hindi parin ako nagdalawang isip na harapin sila. Ako ang pinuno ng Heaven's Gate at hindi nila ay madadaig kahit pa ilang armas pa ang gamitin nila laban sa akin. Kailangan kong makatakas at inaantay na ako ng mag-ina ko. Hindi ako pwedeng matalo dito. Hindi nila ako pwedeng mahuli. "Kuya!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang nakikipaglaban ako sa mga tauhan ni Octavo. "Master! Kami na ang bahala rito. Umalis na kay

