K33

1178 Words
FELICITY The doctor just came in. Ngayon na ang araw ng pagkuha ng sample kay Calib at Bliss for the DNA.  Hindi ko naman maikubli ang kaba sa dibdib ko at alam ko naman na ang magiging resulta.  Napatingin ako kay Calib nang may halong pag-aalala dahil tiyak na paghihiwalayin kami ng nanay niya kapag natuklasan nito ang katotohanan. "Trust me." He smiled. Napangiti nalang din ako ganti sa kanya.  Zayne and Itchen just letf earlier at mukhang may importante silang lakad. Simula nga pala noong mapaaway si Calib sa Pentagon ay hindi pa siya lumalabas at nanatili lang siya sa tabi ko. "Good morning."  Tila biglang may kung anong masangsang na amoy ang nalanghap ko sa pagdating ni Lara.  Nang makita ko siya ay bigla nalang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. She's wearing a sleeveless night gown kaya naman kitang kita ko ang balikat nito.  Malinis at walang bahid ng anumang sugat ang balikat niya. Ibig sabihin ay hindi siya ang nagtangka sa akin kagabi dahil sa pagkakatanda ko ay nasaksak ko 'yong killer ninja sa balikat nito ng sarili niyang palaso.  "Mommy... kailan po ba ako papasok ng school?" Tanong ni Bliss matapos siyang kunan ng sample ng doktor at lumapit sa akin. "Kapag okay na ang lahat." Tugon ko. "But when? Is everything not doing good as of now?"  Bahagya akong napaisip sa tanong ni Bliss. Kailan nga ba magiging okay ang lahat? Kapag tuluyan nang babagsak ang Pentagon? Hmm... hindi ko rin alam. "Basta. Mahabang usapan anak eh." Marahan kong pinisil ang pisngi nito. "Mister Daddy, kailan po ang kasal niyo ni Mommy?" Tanong naman nito kay Calib.  Ang weird naman ang tawag ni Bliss kay Calib. Tunog ewan eh.  "Soon kiddo." Kindat naman ni Calib dito.  "Well, wala naman talagang kasiguraduhan sa bagay na 'yan bata." Sabad ni Lara. Napatingin ako kay Lara. Impaktang 'to, sabat nang sabat kahit hindi kasali sa usapan. "Alam kong bakit? Kasi ang totoo niyan ay ako at si Daddy Calib mo ang ikakasal. And your mom?" She paused at bahagyang tumingin sa akin. "She will be dumped." Dugtong niya. "You're such a bad woman. My mom is much prettier than you." Nanlaki naman ang mga nito sa sinabi ni Bliss. Gusto ko sanang tumawa ngunit ayaw ko namang kunsuntihin ang anak ko tinakpan ko na ang bibig nito. "That's enough Lara." Awat naman ni Calib. "Why? I'm just telling the truth." Saad nito tsaka lumingkis kay Calib. Sa pagkakalingkis niya kay Calib ay tila biglang nangati ang kamay ko at gusto ko siyang buhusan ng kumukulong mantika.  "Magbihis na kayong dalawa ni Bliss Felicity. We're going out." Ani Calib na halatang hindi man lang pinansin ang pang-aakit ni Lara at diretso lang siya naglakad patungo sa kwarto niya s***h kwarto namin. "Yehey!" Nagtatalon namang hiyaw ni Bliss tsaka sumunod kay Calib. Bahagya akong napangiting tagumpay dahil sa hitsura ni Lara. "Anak lang ang lamang mo sa akin Felicity. Calib is mine and I know he still loves me." Giit nito. "You're insane." Napailing nalang na sabi ko. "Calib isn't yours. Hindi naman kasi siya bagay na pwede mong iwan at balikan kung kailan mo gusto." Ganti ko. "Wala kang alam kaya manahimik ka. Our relationship is deeper than what you think Felicity. Kung tutuusin ay para ka lang isang dumi na nakakapit sa relasyon namin." Seryosong saad niya sa akin. "Maaaring wala akong alam. Ngunit kailangan ko pa bang alamin? Nakaraan ka nalang." Mariin kong sabi. "Tignan lang natin kung sino nga ba talaga ang mahal ni Calib." She grinned at tila ba masyado siyang confident sa mga sinasabi niya.  Nginitian ko nalang siya bilang ganti at upang mas lalo pa siyang maasar. Sumunod na rin ako kay Calib nang hawakan niya ang kamay ngunit agad din naman akong nakakilos at sinadya kong patamaan siya sa balikat. "Ouch! What's wrong with you?" Pag-iinarte niya. Hindi siya marunong ng martial arts at hindi niya man lang napigilan ang ginawa ko sa kanya.  Mali ako ng hinala. Hindi siya 'yon at isa pa, wala siyang sugat sa balikat. "Wag mo kasi akong hahawakan kung ayaw mong malumpo." Giit ko rito at tuluyan nang umalis. Pagpasok ko ng kwarto ay bigla akong nagulat nang bumulaga sa akin si Calib at agad akong kinulong sa bisig nito. "Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong dito at mukha siyang asong baliw.  Napatingin ako sa paligid at hinahanap ko si Bliss ngunit mukhang nasa banyo siya. "I love you." Saad nito at hindi na ako nakasagot pa dahil inangkin niya na ang mga labi ko.  He's kissing me softly. Dahan dahan naman akong napapikit at ninamnam ang mga halik niya sa akin.  "Mommy!" Bahagya ko naman siyang naitulak nang marinig ko ang boses ni Bliss na nanggagaling sa banyo. "Let's just do it next time." Natatawang saad ko dito at natawa nalang din siya.  LARA Arghh! Bwiset! Pagbukas ko ng shower ay kasabay no'n ay dumaloy ang kulay dugong tubig na nagmumula sa akin. Bahagya akong napatingin sa balikat ko.  I must kill that woman as soon as possible. I can't just let her marry my Calib.  I gave up my love for Calib because I have to follow my mission or else someone's gonna die. Someone's important to me will gonna die. And now, I have to succeed in this mission. I have to kill that woman.  I gripped as the blood run down from my body. I will succeed. Malayo na ang narating mo Lara, Calib will be yours soon. Mababalik rin sa dati ang lahat Lara. For now, si Felicity muna ang iisipin ko sapagkat isa siyang malaking hadlang sa mga plano ko.  CALIB "Zayne, gawin mo ang lahat to cover up Felicity. Wag mong hayaan na malaman ni mommy o ng iba ang tungkol sa totoong pagkatao niya. We will secure the two of them." Saad ko kay Zayne over the phone habang nagbibihis pa 'yong dalawa. "Masusunod Master." Tugon ni Zayne. "Blocked all the information na maaring makuha ni mommy." Giit kong muli. "Noted." "Nga pala, ano nang nangyari sa lakad niyo ni Itchen? Nahanap niyo na ba siya?" Tanong nang maalala kong may inutos nga pala ako sa kanilang dalawa. "Yup. We're just waiting for you."  "Good."  Ibinaba ko na 'yong tawag nang mapansin kong palabas na sila.  The DNA test will be released tomorrow ngunit ngayon palang ay nasa plano ko na ang lahat. And today, we'll going meet someone. Someone's important to Felicity. Alam kong magiging masaya siya sa gagawin kong ito.  "Calib..." napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Felicity ngunit bahagya akong napaatras nang biglang tumambad sa paningin ko si Lara at mabilis na lumapat ang labi niya sa akin. The warmth of her lips makes me remind the memories that we have six year ago. Tila biglang nanumbalik ang mga ala-ala namin sa isipan ko habang magkadikit ang mga labi namin. But why? We're happy but she suddenly left me hanging on? To be Continued... A/N: Feel free to drop your opinion and emotional reactions hahahah. VOTE AND COMMENT ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD