K34

1183 Words
FELICITY Matapos kong makita ang insidente kanina ay tila biglang tumahimik ang mundo sa pagitan namin ni Calib. Inaamin kong nasaktan ako doon sa nakita ko kahit pa alam ko namang si Lara naman talaga ang may intensyon na gawin 'yon upang sirain kaming dalawa. Pero bakit hindi niya man lang ako kinakausap? Kanina pa siya tahimik habang nagmamaneho at tila malalim ang iniisip niya. Ako na nga 'tong nasaktan ay kailangan ako pa ba maglalambing sa kanya? Hindi man lang niya ako kinamusta at mukhang wala siyang pakialam sa akin ngayon. Calib... huwag mo naman sana iparamdam sa akin na mahal mo pa 'yong babaeng 'yon. "Mommy where are we going?" Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Bliss. "I just don't know honey." Tugon ko naman at hindi nga pala sinabi ni Calib kung saan kami tutungo ngayon. Bahagya akong napabuntong hininga at napakapit kay Bliss tsaka ko ipinako ang tingin ko sa labas. Ano bang problema ni Calib? Nakakainis naman siya! Matapos ang ilang minuto na pagmamaneho niya ay naramdaman ko nalang ang paghinto ng sasakyan. "We're here." Ani Calib kaya bumaba na din kami ng kotse. Tila nasa isang malaking casino kami ngayon at mukhang pamilyar ang lugar. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Tama, nanggaling na ako dito sa lugar na ito. Dito ko lang naman isinagawa ang huling misyon ko at 'yon ay ang pagpatay kay Arthur Saavedra. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko pagbaba ni Calib. "Sumunod ka lang sa akin." Tugon niya at kinarga niya si Bliss tsaka hinawakan nito ang kamay ko. "I'm sorry." Mahinang tugon niya tsaka ako hinalikan sa noo. Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang dahil sa sinabi niya. Yan lang naman ang inaantay ko eh. Napangiti lang ako bilang ganti. "Mommy, parang kinagat po ako ng langgam." Sabad ni Bliss. "Huh?" Nagtataka ko namang sambit. "Coz the two of you are so sweet." Napangising tugon niya. Natawa nalang din kami ni Calib dahil sa kalokohan ni Bliss at pumasok na rin kami sa loob ng casino. Sa pagpasok namin ay kaagad namang nagsiyuko ang mga tao sa loob ng casino. Tanda iyon ng respeto nila sa pinuno nila. Muntik ko nang makalimutan na pinuno nga pala ng Heaven's Gate itong ungas na 'to. Sa totoo lang ay masaya na ako sa ganito. 'Yong naglalakad kaming magkahawak kamay habang karga niya si Bliss at mataas ang respeto ng mga tao sa amin. Mukha kaming masayang pamilya at ramdam ko ngayon kung gaano niya ako ipinagmamalaki sa ibang tao. Sana ganito nalang lagi. "Tito Itchen! Tito Zayne!" Hiyaw ni Bliss nang makita 'yong dalawa. "Hello little man!" Ani Itchen. Ibinaba na rin ni Calib si Bliss at nakipagkulitan naman agad ito sa dalawa na tila ba isang taon silang hindi nagkita. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan sila ngunit bigla nalang ako hinatak ni Calib papunta kung saan. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito. Napahinto siya sa paglalakad sa harap mismo ng pinto ng isang private room na sa tingin ko ay para lamang sa mga VIP ng casino. "Are you ready?" He asked. "Ready for what?" Naguguluhang tanong ko. Bahagya niyang binuksan ang pinto at dahan dahan namang tumambad sa paningin ko ang nilalaman ng buong kwarto. Napatakip ako ng bibig ko nang tumambad sa paningin ko ang hitsura ng taong matagal ko nang inaasam na makaharap. "Papa?" Sambit ko at wala na akong sinayang na sandali pa. Kusang tumakbo na ang mga paa ko at niyakap siya ng mahigpit. "Elay... anak ko. Patawarin mo sana ako." Dinig kong sambit niya at marahang hinagod ang likuran ko. "Papa... bakit mo ba kasi ako pinagtataguan?" Kalas ko mula sa pagkayakap dito at nagpunas ng luha sa mga mata ko. "Babalikan nalang kita dito." Ani Calib tsaka lumabas ng kwarto at tila binibigyan niya kami ng oras ni papa para makapag-usap. Napaupo kami sa couch. Pinipigilan ko ang mga luha ko at ayoko namang masayang lang ang oras namin sa kaiiyak ko. "Hindi ko kasi alam kung paano kita haharapin anak dahil sa sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo." Tugon nito at napapailing pa. "Papa, bakit mo nga ba nagawa sa akin 'yon?" Napahikbing tanong ko. "Hindi ko sinasadya elay. Masyado akong nasaktan sa pagkawala ng mama mo kaya halos nawala na ako sa katinuan ko." "Kaya niyo ba 'yon nagawa dahil nawala kayo sa katinuan? O dahil... hindi niyo naman talaga ako tunay na anak?" Inasahan kong magugulat si papa sa sinabi ko ngunit nanatili siyang kalmado. Mukhang alam niya nang natuklasan ko na ang katotohanan. "Maaaring hindi kita tunay na ako Felicity ngunit minahal kita na parang totoo kong anak. Patawarin mo sana ako sa pagkakamali ko." Napayokong saad niya. "Matagal na kitang napatawad papa. Sa ngayon, gusto ko sanang malaman ang buong katotohanan pa. Mula sa totoo kong pagkatao hanggang sa anak ko." Giit ko. Ngayong nagkaharap na kami ni papa ay ito na rin ang tamang panahon upang itanong ko sa kanya ang mga bagay na matagal ko nang gustong malaman at tanging siya lang ang makakasagot. "Alam kong alam mo na ang katotohanan. Isa kang Guevara, anak ka ng g**g Master ng Pentagon. Tauhan ako dati ng Pentagon ngunit nasa alituntunin nila na tanging lalaking anak lamang ang magmamana sa pamumuno ng Pentagon kaya naman noong ipinagbuntis ka ng iyong ina ay ninais ng iyong tunay na ama na ipaglaglag ka. Labag 'yon sa loob ng iyong ina kaya naman tinulungan ko siyang tumakas upang mabuhay ka. Ngunit walang sino man ang makakatakas ng habang buhay sa kapangyarihan ng Pentagon." Pagtatapat ni papa na may halong lungkot ang boses nito. Tila nanumbalik ang mga ala-ala ko sa nakaraan dahil sa mga sinabi niya. Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa isipan ko at nais ko itong pagtagpi-tagpiin. "Yong nangyari sa pamilya natin... hindi 'yon aksidente tama ba ako?" I gripped at tila nanumbalik lahat ng sakit sa akin nang maalala ko kung paano nawala sa akin ang pamilya ko . Bahagyang umiling si papa. "Ang Pentagon ba ang may gawa no'n papa?" Tanong kong muli. "Hindi ko alam anak." Iling niyang muli. Tila nabuhayan nanaman ako ng loob ngayon upang ipaghiganti ang nawalang pamilya sa akin. "Mommy?" Kapwa kaming napalingon ni papa sa pinto. Agad naman lumapit sa akin si Bliss at tila nagtataka ito nang makita si papa dahil hindi niya ito kilala. "Sino siya mommy?" Tanong ni Bliss. I took a deep breath. "Siya ang lolo mo anak. Siya ang papa ko." Pagpapakilala ko. Bakas naman sa mukha ni papa nang makita si Bliss. "Hello po Lolo." Kaway ni Bliss kay papa. "Hello apo ko. Miss na miss ka na ni Lolo." Halik ni papa sa noo nito. Batid kong kilala na ni papa si Bliss at matagal niya naman na kaming sinusundan. "Mommy, nahanap mo na po ang Daddy mo. Ibig sabihin ay makikita na rin po ba natin ang Daddy ko?" Ani Bliss. Bahagya kaming nagkatinginan ni papa. Ito na siguro ang tamang panahon... To be Continued... A/N: Maibubunyag na nga ba ang katotohanan? VOTE AND COMMENT ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD