CALIB
Ngayon lang muli sila nagkita ni Felicity at ng papa niya kaya minabuti ko namang bigyan sila ng space para makagpag-usap ng masinsinan.
Napailing naman ako habang hawak hawak ko ang mga document na inutos ko kay Zayne.
"Burado na ang lahat ng document na mayroon si Felicity. Pakiramdam ko ay may tao sa likod nito dahil alam naman natin na matagal nang nagta-trabaho si Felicity sa underground society. Kahit ang tungkol ama ni Bliss ay wala akong makuhang impormasyon." Ani Zayne.
"Haayan mo na. Mas mabuti nang ganito para wala na ding makuhang impormasyon si mommy." Saad ko nalang.
"Yong DNA test nga pala..." he paused nang mapatingin ako sa kanya.
"What about it? Naayos mo na ba 'yon? I need it asap." Giit ko.
"Yeah, job well done. Binayaran ko na rin 'yong doctor. I'm sure, you're mom will never doubt you even a little since kamukha mo naman 'yong bata." Saad niya at napatango naman ako.
Tumayo na ako at balak ko na sanang magtungo kay Felicity nang bigla may umalingawngaw na putok ng b***l sa loob mismo ng casino.
Agad namang naalerto si Zayne at sabay na rin kaming nagtungo sa pinagmulan ng ingay.
"Madaya ka eh!" Dinig kong bulyaw ng isang lalaki habang may hawak itong b***l.
Napaupo lang ako sa couch habang pinapanood ang pagwawala nito. Nasa kabilang couch din si Itchen at tila nanonood rin ito ng marathon sa loob ng casino.
Mukhang palugi na ang taong ito kaya masyado nang mainit ang ulo at nakuha pa niyang magwala dito sa loob mismo ng casino ng Heaven's Gate.
"Iharap niyo sa akin ang may-ari ng Casino! Dinadaya niyo ako!" Giit pa nito at nagpakawala pa ulit ng dalawang magkasunod na putok at sa pagkakataong ito ay nagsihiyawan na ang mga tao dahil sa takot.
Bahagyang napakunot ang noo ko. Tumayo na din ako at naglakad palapit dito. Tinutukan niya agad ako ng b***l nang makita ako.
I just grinned at isang batalyon naman ang nakatutok sa kanya ngayon.
"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko dito.
"Ibalik niyo sa akin ang pera ko!" Tugon niya at tila hindi man lang siya natakot sa nakapalibot sa kanya.
Tinitigan ko lang siya ng mabuti. Bawat galaw ng mata niya at gestures niya.
Napalingon ako sa pintuan kung saan sina Felicity.
May mali... isa lamang itong palabas.
I snapped my finger at kaagad nilang hinuli 'yong lalaki.
Sumenyas naman ako kay Itchen at Zayne na manatili sa labas. Agad na rin ako kumaripas patungo kung saan sina Felicity at Bliss.
As I open the door ay agad na sumalubong sa akin ang isang palaso na napigilan ko din naman agad bago pa man ito tumama sa akin.
Nasa likod ng sofa sina Bliss at ang lolo nito habang nakikipaglaban si Felicity.
Isang ninja ang tumambad sa paningin ko na kasalukuyang nagpupumilit na tumakas nang makita ako at tila bigo siyang makuha si Felicity.
Mabilis siya ngunit agad ko namang nahawakan ang braso nito tsaka ko siya pinatumba sa sahig. Nilagay ko sa likod ang dalawang kamay nito tsaka nilagyan ng tali na tiyak ko namang hindi siya makakawala.
Hindi na ako nagsayang ng oras pa. Tinanggalan ko siya ng takip sa mukha at tumambad naman sa amin ang mukha ng isang babae.
"Sino ka? Bakit gusto mo akong patayin?" Tanong ni Felicity.
"Sumusunod lang ako sa utos ng pinuno ko." Tugon naman nito.
"Sino ba ang pinuno mo?" Tanong ko naman.
"Don't hurt my mom! You're so bad!" Hikbi naman ni Bliss at yumakap kay Felicity.
"At bakit ko sasabihin sa inyo? Papatayin niyo din naman ako kahit sabihin ko man o hindi." Matapang niyang sagot.
Kinasa ko naman ang b***l ko at tinutok sa ulo nito.
"Sasabihin mo o mamamatay ka?" Banta ko ngunit tumawa lang ito.
*BANG*
Bumulagta sa sahig ang katawan niyang wala ng buhay.
"Are you afraid kiddo?" Tanong ko naman kay Bliss na kasalukuyang nakatingin sa bangkay habang nakatakip pa ng tenga.
"No!" Iling nito.
"Good." Ganti ko. "Zayne, clean this mess." Utos ko.
FELICITY
Nasa byahe na kami pabalik ng mansion ng Heaven's Gate. Ewan ko ba, tuwing nasa labas nalang ako ay lagi kaming nalalagay sa piligro.
'Yong babaeng 'yon... siya kaya 'yong umatake sa akin sa mansion? Naka-ninja rin siya ngunit ibang iba ang galaw niya kumpara sa nakakalaban ko noong gabing iyon.
Sino ba talaga ang gusto pumaslang sa akin?
Napatingin ko sa backseat kung saan naroon si papa at si Bliss. Napangiti lang ako sa kanila. Tama, makakasama ko na ngayon ang papa ko. Sana nga ay hindi na kami magkahiwalay pa at talagang siya nalang natitirang pamilya sa akin maliban kay Bliss.
Na-miss ko na rin ang magkaroon ng isang ama. At tungkol nga pala sa ama ni Bliss...
Bahagya akong napabuntong hininga.
Flashback...
"Papa, kanino mo nga ba ako ipinusta noong araw na 'yon? Please... sabihin mo sa akin ang totoo papa dahil hindi ko alam kung sino 'yong gumahasa sa akin sa gabing 'yon." Pagmamakaawa ko.
Dinig ko ang buntong hininga ni papa bago niya sagutin ang tanong ko.
"Ipinusta kita sa isang may-ari ng casino. Hindi ko naman inasahan na matatalo ako anak." Malumanay na tugon nito.
"Sino 'yong may-ari? Anong casino 'yon?" Usisa ko.
"Matagal na panahon na 'yon kaya hindi ko na matandaan kung anong pangalan niya ngunit kung hindi ako nagkakamali ay tila Royal Casino ata ang pinagsugalan ko noong gabing iyon."
Royal Casino...
Flashback's End.
Kailangan kung hanapin ang Royal Casino. Aalamin ko kung sino man ang may-ari ng pasugalang iyon dahil batid kong doon ko makikita ang ama ni Bliss. Hindi man siya mabuting ama ngunit ayokong maging madamot sa anak ko.
Mabubuo lamang ang pagkatao ni Bliss kapag nakilala niya ang tunay niyang ama. Sapat na siguro ang magkakilala sila.
Mahahanap din kitang hayop ka. Mag-antay ka lang sa akin Royal Casino dahil hindi kita titigilan.
Ang dami kong iniisip ngayon sa totoo lang. Una, ang tungkol sa taong gustong pumatay sa akin. Pangalawa, ang tungkol sa ama ni Bliss. Pangatlo, ay ang tungkol sa pumaslang sa pamilya ko.
~*~
Pagkarating namin ng mansion ay isang asungot este bumungad agad sa amin ang pagmumukha ng ina ni Calib.
"Where's the DNA test?" Pagtaas pa nito ng kilay sa akin.
Bigla naman akong kinabahan. Katapusan ko na ba? Paano ang kasal namin ni Calib.
Napatingin ako kay Calib at hindi ko man lang masagot ang tanong ng nanay niya.
Bahagya niya namang hinawakan ang kamay ko na siyang dahilan upang kumalma ang loob ko.
"Here's the DNA test result madam." Saad naman ni Zayne.
We're totally in silence habang binubuksan ng nanay ni Calib ang envelope na may lamang resulta ng DNA.
Saktong dumating din si Lara at Itchen. We're all here. Kinakabahan ako...
To be Continued...
A/N: Fake or Legit? Abangan hahaha. Pasensya sa late ups guys. Super busy ko po. OJT plus academics. Don't worry tatapusin ko pa rin naman 'to.