LARA "Nasaan sabi si Felicity?!" Nagngitngit ang paningin nito tsaka ako sinakal ni Calib at inangat mula sa kinatatayuan ko. I really can't believe he's doing this to me. Bigla nalang nagdilim ang paningin niya sa akin matapos makausap si Zayne. Hindi kaya may alam na siya sa pagkasangkot ko sa underground society? "Hindi... ako makahinga!" Tugon ko at ramdam ko ang paghigpit ng hawak nito sa leeg ko at unti unti na akong kinakapos ng hininga. "Tama na yan kuya." Awat ni Itchen at mukha namang nakinig din si Calib at agad akong binitawan. "Ano bang problema mo? Bakit sa akin mo siya hinahanap?" Patay malisya ko ngunit nanlilisik pa rin ang mga mata niya sa akin. Tila ngayon ko lang siya nakitang ganyan sa akin. "Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo Lar

