LARA Napalukot ako ng papel nang mabasa ko ang resulta. This would be a nice game. Kung may panlaban man si Felicity pwes may alas din ako. Sa ngayon ay aalis muna ako sa mansion na ito ngunit babalik din ako. "Do you need some help?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Zayne. Bakit ba parang lagi siyang nasa likuran ko? Siguro inutusan siya ni Calib na manmanan ako. Tsk! Hanggang kailan naman kaya siya magiginh utusan ni Calib? "No." Iling ko at nagpatuloy lang sa pag-impake. Pasimple ko na ding itinapon sa basurahan ang papel na hawak ko bago pa man magduda si Zayne. "Okay." Dinig kong tugon nito at umalis na. ZAYNE Sobrang suspicious ang kinikilos ngayon ni Lara mula noong bumalik siya. Alam ko namang napapansin din 'yon n

