K15

1029 Words
FELICITY Bwiset talagang Calib 'yon. Hmp! Nakakainis! Bastos talaga siya kahit kailan! Bukod sa binaboy niya 'yong labi ko ay ang ganda na sana ng lipstick ko tapos binura niya lang? Kainis talaga! Ang sarap mag-walk out! Flashback... He was glaring for a minute then suddenly kiss me intensely. I can feel his tongue inside my mouth which is also trying to play with my tongue. s**t! No! I will never response to his kisses. Nagpupumiglas ako ngunit malakas siya. He's never been gentle towards me. "How dare you to hate me." He muttered tsaka nagpunas ng labi at bumalik sa pagmamaneho. "Bwiset ka talaga!" Irap ko dito tsaka napatingin sa salamin at inayos muli ang sarili.  Hindi pa man ako nakakarating sa pupuntahan namin ay mukha na akong pauwi. Great! Flashback's End. "This guys would probably ask you to dance." Sabay lahad niya sa akin ng isang litrato. Litrato ito ng isang gwapong lalaki  na may kulay pula na buhok at tila ba isa itong modelo.  Natahimik ako ng ilang segundo habang nanatiling nakatitig sa litrato. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar siya sa akin? "Anong gagawin ko lalaking 'to? Sino ba siya?" Tanong ko kay Calib. Tama nga ang kutob ko. Hindi lang isang normal na party ang pupuntahan namin. "Siya ang tagapag-mana ng Pentagon. And tonight... we will going to kill him." Mariing sabi ni Calib. Ang pentagon ang mortal na kaaway ng Heaven's Gate.  "Paano? Anong gagawin ko?" Tanong ko ulit. "Kailangan mo siyang isayaw sa gitna ng ball. This is a masquerade party kaya mahihirapan kang kilalanin siya so you should wait for my signal. Isayaw mo siya at pasimple mong idikit 'to sa batok niya habang sinasayaw mo siya at kailangan mong mag-ingat upang hindi ka mahalata."  Napatingin ako sa maliit na bagay na inabot niya sa akin. Alam ko ito.  "Pansamantala siyang mawawalan ng malay at doon na natin siya ilalabas at papatayin. Kailangan hindi nila ito maramdaman at hindi rin pwedeng magulo ang party dahil marami silang nakapalibot sa atin." Seryoso niyang sabi. "Naintindihan ko."  Napatango ako ngunit bahagyang napigil ang paghinga ko nang magkalapit ang mga mukha namin at ramdam ko ang mainit at mabango nitong hininga. Sadyang lumapit siya sa akin at tila may kung anong bagay na nilagay sa tenga ko tsaka ako nilagyan ng maskara. "Kita nalang tayo sa loob." Saad niya at hinalikan pa ako sa labi bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan. Argh! Bwiset ka talaga Calib! "Ingat ka..." dinig ko mula doon sa bagay na kinabit niya sa tenga ko.  Lumabas na rin ako ng sasakyan at pumasok na sa loob ng venue gamit 'yong invitation na iniwan niya sa akin. Mukhang mayayaman ang mga taong nandirito at talagang nakakasilaw ang mga alahas na suot nila.  Ano bang party ito?  "Nakapasok kana?" Dinig ko ang boses ni Calib mula sa kabilang linya. "Oo..." tugon ko.  "Good. Just stay." He demanded.  Napaupo ako habang inaantay ko ang signal ni Calib ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala parin. "Pwede ba kitang maisayaw binibini?" Napatingala ako doon sa pinang-galingan ng boses.  Matangkad, matipuno, at kulay pula ang kanyang buhok. Siya na nga kaya ang target namin? "Gawin mo na..." dinig ko mula sa kabilang linya. "Sure." Nakangiting tugon ko tsaka tumayo na rin. We're now dancing at middle of the dance floor at habang isinasayaw niya ako ay bigla nalang pumasok sa isipan ko 'yong panahong sumasayaw ako sa JS promenade noong college.  Para kasing ganito din ang pakiramdam ko noon. "What's your name?" Dinig kong tanong niya sa akin. "I'm Felicity." Tugon ko. He sounds like a womanizer. Bakit nga ba ako agad ang niyaya niyang sumayaw?  "What a beautiful name. I'm Heaven..." pagpapakilala niya. Is this a joke? What a coincidence. Heaven ang pangalan ng tagapag-mana ng Pentagon while on the side, mortal nilang kaaway ang Heaven's Gate.  "Do it now..." dinig ko sa boses ni Calib.  "Well, nice to meet you." Nginitian ko siya at kasabay no'n ay dahan dahan ko siyang hinaplos sa batok. ~*~ Nasa may likuran na kami at nasa amin na ang target. Wala siyang kamalay-malay na mamatay na siya ngayon.  "Shoot him!" Utos sa akin ni Calib nang ma-kumpirma niyang siya nga ang anak ng leader ng pentagon nang tanggalin niya ang maskara nito. Wala parin itong malay. Tinutok ko sa ulo niya ang b***l na hawak ngunit parang nanginginig 'yong kamay ko at hindi ko magawa.  Ano nangyayari? Bakit hindi ko magawa? Maraming taon na akong pumapatay ng tao ngunit bakit parang nahihirapan ako ngayon?  *BANG* Napapikit ako. It wasn't me. Pagdilat ko ng mga mata ko ay may tama na si Heaven sa dibdib at mukhang patay na siya at ramdam ko ding may luhang tumulo sa pisngi ko. Bakit ako umiiyak?  Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok.  "Ang bagal mo..." sambit niya. Si Itchen... "What's wrong?" Tanong sa akin ni Calib at tila napansin niyang biglang akong natigilan.  "Wala." Napayuko ako. Mabuti nalang at may suot parin akong maskara.  "Hey. Muntik na kayong sumabit." I heard Zayne's voice. Ngunit namilog ang mga mata ko nang makita ko siyang may kasama. Hawak niya ito sa leeg tsaka niya ito itinulak dahilan para tumama ito sa pader. Pa-papa... "At sino naman siya Zayne?" Tanong ni Calib. "Hindi ko siya kilala ngunit kanina pa siya nakamasid sa inyo Master." Tugon ni Zayne. Bakit siya nandito? Ang huling pagkakatanda ko ay nakita ko rin siya noong pinatay ko si Arthur Saavedra sa may casino at ngayong may misyon nanaman ako ay nagpakita siya ulit. Hindi kaya... matagal na akong sinusundan ni Papa? "Then kill that man." Utos ulit ni Calib tsaka nakapa-mulsang tumalikod. Napalunok ako ng sarili kong laway nang tinutukan na siya ng b***l ni Zayne.  "Noooooooo!!!" Hiyaw ko. *BANG* Napapikit ako kasabay ng pagtalsik ng dugo sa mukha ko. Ramdam ko rin ang pagpatak ng mga luha ko. "Zayne! What did you do?!" Rinig na rinig ko ang galit na boses ni Calib. "Bliss..." bulong ko tsaka ako tuluyang bumagsak sa bisig ni Calib. "Elay!" Yugyog niya sa akin. Unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong kinapos ng hininga. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD