K16

1169 Words
FELICITY I slowly open my eyes. I can sense that the atmosphere is different.  Nilibot ko ng tingin ang buong sulok ng kwarto at nakita kong may kung anong mga bagay ang nakakabit sa katawan ko. But what surprised me here is... Calib Jacinto is now sleeping right beside me. Nakasubsob ang mukha niya sa kama ko habang nakaupo at hawak nito ang isang kamay ko.  Anong nangyari? Bakit nandito ako sa loob ng hospital? Bakit tila binabantayan ako ni Calib? Flashback... *BANG* Napapikit ako kasabay ng pagtalsik ng sarili kong dugo sa mukha ko.  Flashback's End.  Nabaril nga pala ako ni Zayne na dapat ay kay papa 'yon ngunit sinalo ko. Akala ko katapusan ko na. Kung sabagay, masamang d**o nga pala ako. Mabuti nalang at mukhang sa balikat lang ako tinamaan ng b***l.  Pero teka... nasaan na nga pala si papa? Agad kong tinanggal 'yong nakakabit na oxygen sa akin na siyang dahilan para magising ko si Calib. Pagmulat niya ng mga mata niya ay panandalian kaming nagka-titigin. "Elay!" Sambit niya sa pangalan ko sabay yakap sa akin nang makita niyang gising na ako.  Hindi naman agad ako nakapagsalita. Parang siya ata ang may malalang tama sa utak. Bakit parang ibang Calib ang kaharap ko ngayon? Bakit niya naman ako niyayakap ng ganito? Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa akin? "Ahem!"  I cleared my throat at bahagya naman siyang kumalas sa akin mula sa pagkayakap. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito. "Ano bang tanong yan? Of course I'm your master." Sa isang iglap ay bumalik na siya sa pagiging masungit s***h nakaka-bwiset. "At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa akin?" I asked again. "Anong pinagsasabi mo dyan?" he muttered at parang bigla siyang nabalisa. "I thought you're dead... so I'm just here to collect your body." Dugtong pa niya na tila ba umiiwas siya ng tingin sa akin. See? He's really back into a monster. At talagang gusto pa niya akong mamatay ah! "Fine..." irap ko sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at mula dito ay tumambad sa paningin ko si Itchen at Zayne. "Felicity!" Halos sabay nilang sambit sa pangalan ko tsaka nagsi-lapit sa akin. "I'm so happy that you're awake now. I'm so sorry..." akap sa akin ni Zayne. Para siyang bata na nagkasala sa magulang niya. I swear. "Teka lang... hindi ako makahinga." Saad ko at kumalas naman si Zayne sa pagkayakap sa akin.  Napatingin ako kay Calib. Mukha nanaman siyang mangangain ng tao at sobrang talas ng tingin niya sa akin bigla. Ano bang problema ng taong 'to? "Good to see you again..." ani Itchen habang nakatingin sa akin at nginitian ako. Ginantihan ko lang din siya ng ngiti at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Parang hindi ako makapag-salita sa harap ni Itchen.  "That's enough. Itchen! Tawagin mo 'yong Doktor niya. And Zayne, samahan mo si Itchen." Utos ni Calib at sumunod naman 'yong dalawa.  "Anong bang ngiti yan? Tsk!" Sita sa akin ni Calib. "Ano bang pakialam mo huh? Kanina ka pa ah!" Singhal ko dito. "Okay fine. Bahala kana dyan!" Tumayo na siya at padabog na lumabas ng kwarto.  Parang bata naman 'tong si Calib. Dinaig pa niya si Bliss kung maka-dabog. Ang sama talaga ng ugali ng taong 'yon kahit kailan! Tsk! "Mommyyy!" Dinig kong hiyaw ni Bliss sa labas palang ng kwarto. "Honey!" Tugon ko at agad kaming nagyakapan. I missed my son so much. "Mommy... I thought you're gonna leave me." Napahikbing sabi ni Bliss. "No honey. I will not going to leave you. Mommy is always here. Strong si mommy diba?" Saad ko habang hinahagod ko ang likuran nito hanggang sa tumahan na. "Natakot lang po ako mommy kasi almost three days na po kayong tulog dito and mister Calib is also so worried about you. Siya po ang nagbantay sa'yo dito mommy. Inalagaan ka po niya." Kwento niya.  Napatango lang ako. Kaya pala mukhang wala siyang tulog. Inalagaan niya pala ako tapos kung makapagsalita siya parang wala siyang pakialam sa akin. Edi nasungitan ko din tuloy siya.  Matapos ang ilang minuto ay dumating na din 'yong doktor at sinuri ang sugat ko sa balikat at kung anu-ano pa. ~*~ Sa wakas ay pwede na daw ako lumabas. Ilang araw din pala akong in coma dahil sa nangyari.  Bitbit ni Zayne ang mga gamit ko habang karga naman ni Calib si Bliss at inaalalayan naman ako ni Itchen.  Napatingin ako kay Calib. Mukhang umiiwas pa rin siya ng tingin sa akin. Mukhang galit siya akin. Sa totoo lang para siyang bata kung mag-tampo. Sige na nga, magpapasalamat nalang ako sa kanya mamaya at kahit papaano ay may kabutihan naman pala siyang ginawa. "Sa back seat na si elay." Ani ni Calib at inalalayan naman ako ni Itchen papasok sa likod ng sasakyan habang nasa front si Bliss at Calib. Uupo na din sana sa magkabilang side ko sina Zayne at Itchen nang-- "Hoy! Kayong dalawa? Anong ginagawa niyo dito? May sasakyan kayo diba? Labas!" Taboy ni Calib sa dalawa. "Ah! Oo nga pala..." sambit nalang ni Zayne at napapakamot nalang sa ulo. "Masusunod Big bro." Saad naman ni Itchen tsaka lumabas. "Big... bro?" Namilog ang mga mata ko sa narinig ko. "He's my freaking little brother. Alam kong magkakilala na kayo ni Itchen." Giit niya. "Yeah... pero paano mo nalaman?" Tanong ko. "Sinabi niya sa akin habang nasa hospital ka and I don't f*cking care!" Masungit niyang sabi tsaka pinaandar 'yong sasakyan. Pinanliitan ko lang siya ng mga mata ko. Ang sarap niya talaga sapukin. Tsk! "Mister are you mad because tito Itchen is my mom's ex lover?" Dinig kong tanong ni Bliss kay Calib na siyang ikinagulat ko. Ang chismoso naman ng anak ko. "No. I'm not mad kiddo. I'm just super mad and sometimes I wanna eat kids." Tugon naman ni Calib habang nasa kalsada parin ang tingin na siyang dahilan para tumahimik naman si Bliss.  Loko-loko talaga siya! Tinatakot pa niya 'yong anak ko.  "Nasaan nga pala si papa?" I changed the topic at kanina ko parin talaga ito gusto itanong. "Pinapahanap ko na siya dahil bigla nalang siyang nawala." Seryosong tugon ni Calib. "Bakit ka ba niya pinagtataguan?" Pahabol niyang tanong. "Sabihin nalang natin na may malaki siyang atraso sa akin." Mahinang saad  ko dito. Talagang malaki ang atraso ni papa sa akin. At 'yon ay ang ipusta niya ang sarili niyang anak sa sugal. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana ako nagahasa noong araw na 'yon. Gano'n pa man ay matagal ko na siyang napatawad dahil kay Bliss.  Miss ko na siya ngunit patuloy niya pa rin ako tinatakasan. Tanging si papa lang ang makakasagot sa mga tanong tungkol sa ama ni Bliss. Siya ang may alam kung kanino niya ako ipinusta kaya malamang kilala niya rin kong sino man 'yong taong gumalaw sa akin anim na taon na ang nakararaan. "Mommy are you okay?" Dinig kong tanong ni Bliss. "Yes honey." I answered. Sana nga magkausap na kami ni papa. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD