CALIB
Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama pagkapasok ko ng kwarto ko.
My bed room is a complete empty. Tanging kama lang ang naririto sa loob at wala ka nang makikita pa na ibang furniture.
I took a deep breath. That woman... hindi man lang siya nagpasalamat sa akin. Instead, she just keep on smiling towards Itchen.
I don't f*cking care if they had an affair before. I don't f*cking care. She's just nothing to me.
Muli akong napadilat nang maalala kong nasa akin nga pala 'yong phone niya.
FELICITY
Pagkarating namin sa mansion ay agad na lumabas si Calib ng sasakyan at hindi man lang nag-atubiling alalayan ako. Diretso lang siya ng lakad at hindi man lang ako nilingon.
"Mommy... mister Calib is now mad at you." Saad ni Bliss.
"Hayaan mo siya." Nasabi ko nalang then I rolled my eyes.
Maya maya pa ay nakarating na rin 'yong dalawa.
"Felicity... look! I'm so sorry. I didn't mean it." Paghingi ulit ng tawad sa akin ni Zayne.
"Apology accepted. Well, it's actually fault so tama na sa paghingi ng tawag Zayne." I gave him a smile.
And probably... kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang unang beses na tinawag ko siya by his first name.
"Thanks Felix. I mean Felicity." Nginitian niya din ako. "Just see you around." Kindat pa niya bago tuluyang umalis sa harapan ko.
Naglakad na din ako patungo sa kwarto namin kasama si Bliss nang biglang may naramdaman akong kamay sa bewang ko. Agad akong napatingin sa kanya.
"Let me help you." He half smiled.
"Itchen..." banggit ko sa pangalan niya habang nakatingin sa mga mata niyang kasing lamig ng yelo.
"Ang liit ng mundo natin and worst, ang epic pa ng muling pagkikita natin. " saad niya habang inaalalayan parin ako sa paglalakad. Hindi naman ako lumpo pero hirap akong maglakad at galing ako sa coma.
"Oo nga. At ang laki na din ng pinagbago mo." Giit ko rin.
"Ikaw rin. At hindi ko inasahan na may pamilya kana."
This time napatingin ako sa kanya.
Siya kaya? May pamilya na kaya siya?
"And who's the luckiest guy?" Tanong niya.
"Wala... wala na siya." Tugon ko nalang at napailing tsaka umiwas ng tingin sa kanya.
You supposed to be the luckiest guy but you left me.
Gusto kong sambitin ang mga katagang 'yon pero wag nalang at baka isipin niya bitter parin ako hanggang ngayon.
Alam kong matagal na panahon na ang nakalipas para ungkatin pa 'yon sa kasalukuyan. But still I wanna ask him 'why?'
Bakit niya ako iniwan noon? Pinagtagpo kami noon ng tadhana at ang buong akala ko ay siya na pero hindi pa pala. Pinagtagpo lang kami ngunit hindi itinadhana.
I honestly missed the memories that we build together for three years but not the person anymore.
Marami na akong masasakit na pinag-daanan sa buhay ng wala siya kaya malamang ibang-iba na ako ngayon kumpara sa Felicity na nakilala niya noon.
"Ahem!" Pareho kaming napatingin ni Itchen sa pinanggalingan ng boses.
"Did I disturbed the two of you?" Mariing sabad ni Calib habang nakasandal sa pader na malapit sa pintuan ng kwarto namin ni Bliss. Mukhang kanina pa niya ako inaantay.
"Uhm mommy... pupunta muna ako sa kitchen." Ani naman ni Bliss na nagpalipat-lipat pa ng tingin kay Calib at Itchen tsaka umalis.
"Ibabalik ko sana 'to sa'yo." Sabay lahad ng cellphone ko.
"Paano napunta sa'yo yan?" Tanong ko dito. Akmang kukunin ko na ay bigla niyang itinaas ang kamay niya.
Tinignan ko siya ng matalas. So ano? Porket maliit ako? Hindi pa nga ako tuluyang gumagaling ay ginaganito niya na ako. Thumbs up na talaga ako sa'yo Calib with standing ovation pa. Argh!
"Amin na sabi eh!" Akmang sisikmuraan ko sana siya ngunit nasalo niya ang suntok ko.
Ugh! Isa nga pala siyang Master. I remember kung gaano niya kabilis tanggalan ng bala 'yong b***l ko.
Natigilan ako sa pagpupumilit na makuha 'yong phone ko nang lumapit sa amin si Itchen at siya na mismo ang kumuha ng phone ko mula sa kamay ni Calib tsaka inabot sa akin.
Ang bait talaga ni Itchen my ex. Habang si ungas ay kulang nalang ay patayin sa sama ng tingin 'yong kapatid niya.
"Pahinga kana." Itchen just tapped my head then walked away.
Napangiti naman ako. Parang naalala ko tuloy 'yong panahong kami pa. Lagi niyang ginugulo ang buhok ko.
"Tsk! You're so ugly!"
Agad na nabura ang ngiti ko sa labi nang dahil sa sinabi niya. Tinapunan ko lang siya ng matalas na tingin.
"Che!" Giit ko dito at agad kong sinarado 'yong pinto.
CALIB
F*CK!
I pounded my fist into the wall.
Is she flirting again with Itchen? F*ck!
Napailing nalang ako habang naglalakad pabalik ng kwarto ko.
"Do you like her kuya?" Napahinto ako sa paglalakad.
"Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?" Nilingon ko siya.
"Gusto ko lang linawin at ayokong masira tayo dahil lamang sa isang babae." Giit niya.
"Bakit? Gusto mo ba siya?" I asked.
"Mahal ko siya. Dati pa." Tugon niya.
I sighed at ipinasok sa ko sa bulsa ang mga kamay ko.
"You're such an idiot Itchen. You left her and now sasabihin mo sa akin na mahal mo pa rin siya?" Mariing sabi ko sa kanya.
"Just tell me kuya kung mahal mo siya." Pag-ulit niya.
"I don't love her..." diretsa kong sabi. "But she's mine." I gripped.
I don't know what love really mean is... but I wanna keep her. I wanna protect the two of them.
"Hindi mo siya pag-aari kuya." Saad ni Itchen.
"She's my personal slave at wala kang karapatan sa kanya." Sagot ko.
"I understand." Tumango siya.
I'm your brother Itchen. You can't fool me. I know what you're thinking.
"Magpapahinga na ako." Malumanay niyang sabi tsaka tumalikod na.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya na naglalakad palayo nang may naalala ako.
"Sandali!" Napahinto naman siya sa paglalakad at muling humarap sa akin.
"Just tell me honestly... anak mo ba si Bliss?" Seryosong tanong ko dito at tila bahagya siyang nagulat.
Magaan ang loob ko kay Bliss at tila ba hindi siya ibang tao sa akin. May relasyon sila noon ni Itchen kaya hindi malayong mangyari na siya ang ama ni Bliss.
At kung siya nga... I'll let go everything about Felicity.
To be Continued...