"I am sorry, Tim. Pero busy kasi ako. I don't have time for that event," seryosong sabi niya rito. "Pero sayang naman Madi, ngayon lang ulit magkikita-kita and besides, ano bang ikinahihiya mo? You are super rich now, I mean dapat nga ay maging proud ka pa kasi I know na nalamangan mo ang iba nating mga schoolmates sa bagay na iyan." "You know what, Tim? That's not important to me right now." "Elliot and Roxanne are coming. Hahayaan mo na lamang bang pagtawanan ka ng iba at isipin na naduduwag ka? Are you afraid of seeing them both together? Bali-balita that those two are dating," paliwanag pa nito. Mabilis naman siyang natigilan pagkatapos ay tipid na ngumiti. "I'll just check my schedule. Sige na Tim, I have to go." At mabilis na niya itong tinalikuran. Mabilis siyang sumakay ng s

