"Elliot, ako na!" Akmang kukunin niya ang hawak nitong maruming plato nang mabilis nito iyong iniiwas sa kan'ya. "No, let me. Just rest ako na ang bahala rito." Nakangiting sabi nito dahilan para matulala siya. Bakit ba tila ang gwapong-gwapo siya ngayon sa itsura nito? "I know nagwagwapuhan ka sa akin pero huwag mo naman masyadong ipahalata." Sabay kindat nito sa kan'ya dahilan para matauhan siya. "Ha? Of course not! Kapal ng mukha!" At mabilis na niya itong tinalikuran. Nagpunta siya sa may sala at doon umupo. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya makapaniwala na nandito si Elliot sa bahay niya at naghuhugas ng plato. Ilang sandali pa ay dumating na ito at may dalang isang baso ng tubig at marahang inilapag sa center table na kaharap niya pagkatapos ay iniabot sa kan'ya ang mali

