Pagkaraan ng halos kalahating oras ay muli niyang sinilip si Elliot pero napataas ang kilay niya nang makitang wala na ito roon. Hindi pala aalis ah, taas kilay na sabi niya sa sarili. Pero halos matawa siya nang makita ito sa may ibang pwesto nakahiga, sa ilalim ng puno ng mangga. Iyon naman pala gusto pa roon sa hindi mainit. "Sinong sinisilip mo riyan?" Halos mapabalikwas siya sa gulat nang magsalita si Gildo mula sa may likuran niya at nakikisilip din habang buhat-buhat nito sa Mavie. "He is here," seryosong sabi niya rito. "I already expected that. Alam kong hindi ito titigil hangga't hindi nito nakikita ang anak mo," sabi nito at kita niya ang lungkot sa mga mata nito kahit hindi nito sabihin. Mabilis naman siyang umalis mula sa pagkakasilip sa may bintana at tinitigan si Gild

