Natawa siya ng pagak pagkatapos ay napatingin kay Gildo. "Gil, what is he talking about?" may kaba sa ngiting sabi niya rito. "Mads," alalang sabi nito. "I am sorry Madisson, naduwag akong sabihin sa iyo ang totoo dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan," seryosong sabi nito. "Alam mo Tito Thomas, ibang klase ka rin palang magpalusot. Pero infairness, ayos iyang joke niyo." Ngiting sabi niya pero naguumpisa nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. "A-Anak—" "Huwag mo akong tawaging anak dahil wala akong tatay. My Mom told me that my Dad left us and he is living in the states for another woman. Kailangan bang magsinugaling ka ng gan'yan para lang may maidahilan ka sa biglaan mong pagkawala?!" galit na sabi niya rito. "Madisson, hindi ko rin alam na nagkaanak kami ni Margareth. I

