Nang makapasok sa loob ng clinic ay nagulat siya dahil pumasok din doon si Elliot. "Good morning Doktora, I am Mr. Elliot Lennox, Madisson's husband and this cute little baby's father." Pakikipagkilala ni Elliot sa doktor kahit hindi pa man sila nakakaupo. Kita naman niyang bahagyang nalito ang doktor dahil si Gildo ang nakausap nito nang manganak siya at ito rin ang ipinakilala niyang asawa at tatay ni Mavie. "Oh, good morning din." Nakangiting sagot nito. "Hello, Mavie. Ang bilis lumaki, Mommy." Baling nito sa kan'ya. "Oo nga po, doktora. Ang lakas kasing dumede sa akin," masayang sabi niya. "Well, that is good to hear. You are lucky because you are producing gold liquid," paliwanag nito. Ilang sandali pa ay tumayo na rin ito at inayos ang higaan. "Put him here, Mommy," utos nito

