"Mom, why you did not tell me?" seryosong tanong niya sa Mommy niya. "Because I am so scared to tell you the truth dahil alam kong hindi ka sanay sa hirap, Madisson. All of your life, ni hindi ka nakahawak ng sabon panlaba. Tapos sa isang iglap lang ay biglang magbabago ang lahat," malungkot na sabi nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa may sala at parehong tulala. "Kung alam ko lang, I won't shop and travel a lot. This is all my fault. How about those bags I shop with?" alalang tanong niya sa Mommy niya. "Ibabalik na lamang natin ang mga iyon dahil wala na akong kakayahang magbayad ng credit cards mo, Madisson. Walang-wala na tayo ngayon. I only have 50,000 pesos in my bank account. At ilang buwan ng hindi nagswesweldo ang mga kasambahay natin," alalang sabi pa ng Mommy niya. Mabilis n

