"No, Mom. You are just joking right? Ginagawa mo lang ito para umuwi ako because you already miss me, come on Mom, umuwi na tayo," at pilit siyang ngumingiti. Mabilis naman din na ngumiti ang Mommy niya. "Madisson, makinig ka sa akin okay? Kakayanin natin itong lahat ng pagsubok. Ayaw pa kitang iwanan kaya lalaban ako, para sa iyo, Anak." Sabay himas nito ng buhok niya. Matagal niya itong tinitigan at tinatantiya kung nagbibiro lang ito pero nang makita kung gaano kalungkot ang mga mata nito ay doon na siya nagsimulang humagulgol. Kaya ba ang laki ng ipinayat nito nitong nakalipas na mga buwan? Kaya ba palagi itong maputla? Bakit ba hindi niya ito kaagad napansin? "You are not going to die, gagawin ko ang lahat para sa iyo," seryosong sabi niya rito. "Pero may malaki tayong problema An

