Nang halos mangudngod na siya ay buong lakas niya itong itinulak dahilan para mapaupo ito sa may sahig. Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata nito. "Guard! Guard!" Sigaw nito. Mabilis naman na may lumapit na guard at tinulungan itong makatayo. "How dare you do that to me?!" Sabay duro sa kan'ya. "Hindi ko naman iyon sinasadya! I told you I am sorry!" "Look what you've done to my dress. Babayaran mo ito o idedemanda kita?!" galit na galit na sabi nito. "Madisson, what is happening here?" Takang tanong nang kadarating na si Elliot. "Who are you?! Ikaw ba ang amo ng babaeng iyan?!" tanong nito kay Elliot. "Yes, what is the problem?" kunot-noong tanong nito. "Iyang katulong mo kasi, tignan mo ang ginawa niya sa damit ko. She ruined it! Alam mo ba kung ilang libo ang presyo nito?!

