Papasok na sana siya ng elevator nang may malakas na kamay ang humugot sa may isang braso niya. "Hey, what is the matter? Where are you going?" Takang tanong ni Elliot na bagya pang hinihingal. "I am going home. You don't need me here." At mabilis na hinugot ang braso niyang hawak nito. Pero napakunot-noo siya nang mabilis nitong ipinalad ang isang kamay nito. "What are you doing?" takang tanong niya. "Where is my food? You made that for me right? Then, that is mine," seryosong sabi nito kaya mabilis naman siyang natigilan. "You still want to eat this?" takang tanong niya. "Yes," mabilis na sagot nito. Mabilis naman niyang inilagay sa may kamay nito ang plastic na naglalaman ng pagkain. "Thank you, umuwi ka na." At mabilis na itong tumalikod at umalis habang siya naman ay hindi na

