Mukhang napasubo yata siya kay Madisson dahil hindi niya alam kung paano siya makakakuha ng pinaggamitang damit ni Elliot na hindi siya nito pagdududahan. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa may isang mall at nagpunta sa isang panlalaking boutique at mabilis na bumili ng isang longsleeve polo para kay Elliot. Nahihiya man ay ipinagsawalang bahala niya iyon dahil gusto niyang maging masaya si Madisson. Matapos makapag-park sa may labas ng hotel ni Elliot ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan at saktong-sakto naman na nakasabay niya si Roxanne. "Oh Gil, what are you doing here?" takang tanong nito nang makita siya. "H-Ha? Uhm, meron lang kasi akong kailangan kay Elliot," seryosong sabi niya dahilan para mapataas ang isang kilay nito. "Huwag mong sabihing pinapunta ka rito ni Madisson?

