"I don't know, Gil," at bigla na naman siyang nangamba. Kapag sinabi niya kay Elliot ay malaki ang chance na hindi na naman ito maniwala sa kan'ya. Pero paano naman ang anak nila? Deserve naman siguro nitong makilala ng tatay nito? "I am sorry Mads, hindi ko na dapat itinanong iyon," kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Gildo na tila nakitang bigla siyang naguluhan. "It's fine Gil, alam kong hindi rin naman natin maiiwasang hindi pag-usapan iyon. Pero ang gusto ko muna sana ay wala munang ibang makakaalam," seryosong sabi niya rito. "I will respect your decision Mads, dahil alam kong hindi magiging madali sa iyo ang lahat," sinserong sabi nito. "Gusto ko muna kasi sanang matapos ang kaguluhan sa kumpanya pagkatapos ay tiyaka ko na iisipin muna ang mga dapat naming gawin ng anak ko." "

