Halos uupo pa lamang siya sa may kama niya nang makarinig siya ng mahihinang katok. "Madisson," dinig niyang tawag sa kan'ya ni Elliot. Marahan siyang naglakad papalapit sa may pintuan pero hindi niya ito pinagkaabalahang buksan. "What is it?" simpleng sabi niya rito. "Are you okay? I also heard your groan awhile ago," seryosong sabi nito sa kan'ya. Nag-aalala ba ito? "No, I am okay," maikling sabi niya. "Please open the door, I just want to check if you are really okay," pamimilit pa nito. "I am really okay, Elliot. I just need to go to the bathroom. Sige na," at nagkunwari siyang humakbang papaalis. Ilang sandali pa ay dinig na rin niya ang mga hakbang nito. Marahan naman siyang naglakad para maghanap ng medyas para hindi nito makita ang may kalakihang paso niya sa may paa.

