"Now, ibalik mo na lahat ng gamit mo dahil walang aalis. Hihintayin kita sa may sala pagkatapos at ipapa-check natin iyang paa mo," seryosong sabi nito sa kan'ya. "There is no need for you to do that, ayoko ng madagdagan pa ang utang na loob ko sa iyo," mariing sabi niya rito. "Wala kang utang na loob sa akin Madisson, lahat ng nakukuha mo ay pinagtatrabahuhan mo. Now, just do what I say," seryoso pa rin na sabi nito. Akmang tatalikod na ito nang magsalita siya. "What about Roxanne? Hindi ka ba natatakot na mag-away kayo because of me?" "Roxanne already knows our set-up since the beginning." "How about our deal? Papayag ba ito sa ganitong set-up? Elliot, you already have a girlfriend and I don't think that it is still okay with her," paliwanag niya rito. "I don't need to answer that

