Nang maiwanan siya nina Elliot at Roxanne ay nanghihina siyang napaupo. Bakit ba nangyayari sa kan'ya ang lahat ng ito? Puro kamalasan na lamang ba ang mangyayari sa buhay niya? Ito na ba ang kapalit ng lahat ng mga ginawa niyang kalokohan noon? Kahit nanghihina ay minabuti niyang lumabas. Sakto namang kalalabas lamang ng kwarto nina Elliot at Roxanne. Pero ang akala niya ay aawayin siya nito pero dire-diretso itong lumabas ng condo ni Elliot na hindi man lamang siya nagawang tignan. Nang ganap na maisara ni Elliot ang pintuan ay nagkatinginan silang dalawa. "Uhm, Elliot, thank you for taking care of me. Ayos na ang pakiramdam ko." Ngiting sabi niya rito. Marahan lamang itong tumango at hindi nagsalita pagkatapos ay mabilis na siyang linampasan. Nagulat naman siya sa ginawa nito pe

