Mainit. Ramdam na ramdam ang summer. Hindi ko na nga ata nakasanayan ang ganitong klima. Oo nandito ako ngayon sa Pilipinas. Nakatapak ang mga paa ko sa semento ng Pilipinas. Naisip ko ulit si Jonas. Pareho nanaman kami ng lupang tinatapakan at ng hanging nilalasap. Umiling ako ng bahagya bakit ko ba iniisip ito. Bakit ko nanaman ba siya iniisip Naisip ko wala nakong kilala dito sa San Fernando, wala padin akong bahay dito dahil hindi ko na inisip na babalik pa ko dito. Umiiling ako. "CLAIR!" Narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napangiti ako nang nasilayan ko kung sino iyon "Tiya!" Kaway ko sakanya, habang papalapit kami sa isa't isa. Niyakap niya ako ng mahigpit. Namiss ko siya, siguro naman may rason na ako nga

