"What did she say Clair? I mean it should be so important right? She disturb me awhile ago. I am talking to my boyfriend" Bungad sa akin ni Jojo pairap irap pa pagkapasok ko sa opisina ko dito sa hospital. Kita mo to. Bigla bigla nalang sumusulpot. Nakita niya atang nagulat ako kaya tumawa ang loka. Nurse siya dito and siya lagi ang nag-aasssist sa akin sa mga pasyente ko. Bumuntong hininga ako at pilit iniiwasan ang ideyang gusto nila akong ipadala sa Pilipinas hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko dito sa ideyang ito. Handa ka na ba Clair? Kaya mo na ba? Hindi ba gusto mo ito? Pangarap mong tumulong hindi ba? Bakit ngayon ay tila aatras kana dahil sa narinig mong Pilipinas? Impossibleng hindi ka pa nakakamove on! Ilang taon na diba? Gumising ka sa katotohanan! Na makalibot s

