"Ang ganda ng Frenie ko!" Masayang sabi ni Dia sakin.
Ilang araw lang ng umuwi na kami ni Patrick dito sa Manila dahil kailangan na daw. Andito kami sa bahay ng magulang ni Patrick dahil bawal daw kaming magkasama ni Patrick sa iisang bahay ngayon. Yung mga ibang bridesmaids ay nagpapa-ayos na sa kabilang room, si Faith at Dia lang ang dalawang abay na nirequest kong dito nalang magpamake up. Buti nalang ay pumayag ang ina ni Patrick.
"Mas maganda kayong dalawa" Ani ko.
Napangiti nalang ang dalawa at niyakap ako ng mahigpit.
Gusto kong umiyak pero hindi pwede dahil pwedeng masira ang make up ko.
"Ate congrats po sa inyo ni kuya Patrick. Sana hindi ka nya saktan dahil pag sinaktan ka nya. Igaganti kita." Sabi ni Faith.
Napangiti naman ako at hinalikan ko sya sa ulo.
"Opo ma'am." Pagbiburo ko.
Napatingin naman ako kay Dia na nakatingin sa wedding gown na nasa higaan.
"Okay ka lang Dia?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito. Nang nakita kong may luhang umalis sa kanyang mata ay agad akong lumapit sa kanya sa pinunasan ang kanyang pisngi.
"Pasensya ka na frenie, nagiging emosyonal ako ngayon. Ikakasal ka na kase, tas magarbo pa. Napag-iiwanan na ko." Natatawa at umiiyak nitong sabi.
"Dia, hindi ka napag-iiwanan okay? May nakalaan din para sayo. Wag kang mawalan ng pag-asa." Ani ko.
"Alam ko naman yon..." Nakangiting ani ni Dia pero kita parin ang lungkot sa mga mata nito.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko nalang sya. Ganun din ang ginawa ni Faith.
"I'm fine, I'm fine. Wag na tayong maging malungkot, dapat happy tayo kase ikakasal ka na kaya wag
mo ng isipin yung kadramahan ko okay? Sayang make up natin. Ayokong maging sayang yang make up mo. Tara nga't mag selfie!" Sabi ni Dia at kinuha ang phone nya para mag picture-picture kami.
Ilang minuto ang nakalipas ay nagpaalam na ang dalawa para isuot na ang kaming dress at ganun din ako. Medyo nahirapan akong itali yung nasa likod ko. Buti nalang ay nang pumasok si Ma'am Pisia, ang ina ni Patrick, ay tinulungan nya akong itali yon.
"Salamat po ma'am" Pagpapasalamat ko.
"Ano ka ba ija, Mom ang itawag mo sakin at huwag naman ma'am. Cge ka, magtatampo ako nyan." Ani ni ma'am Pisia.
Ngumiti naman ako at tumango. "Sige po, Mom"
Ngumiti naman si Mom bago magsalita. "See? Ang sarap pakinggan. Nako! Ang swerte talaga ni Patrick sayo. Ang ganda ganda!" Masayang sabi ni Mom.
Mahina akong natawa sa sinabi ni Mom.
"Oh sya ija, maiwan muna kita okay? Tatawagan ko lang itong kaibigan ni Patrick kung nakapag tiis itong anak kong hindi ka makita, baka kase puntahan ka. Eh bawal ang ganon." Pagpapaalam nito saka umalis.
Ako naman ay tumingin sa malaking salamin at tinignan ang sarili ko.
"BRO! Chill lang okay? Darating din ang bride mo!" Pagpapakalma sakin ni Yamel.
"Nako..... Baka hindi na dumating yan. Ganyan din ginawa ng ex-fianceé ko." Rinig kong sabi ni Kyle.
Napatingin naman ako sa kanya at inis na nagsalita. "Thanks sa pagdagdag ng kaba sakin ha" sarkastamong sabi ko.
Ngumiti ito. "Your welcome my friend"
Napailing nalang ako at tinignan lahat ng mga bisita.
"Paalis na daw ang mga bridesmaids at ang bride" Imporma ni Philip na naglalakad patungo samin.
"So iiwan na ba natin tong mokong na toh?" Tanong ni Kyle.
Umiling naman si Philip. "Mamaya na, baka kung ano pang gawin nyan." Tumingin ito sakin. "Bro, your mom called me. Pinapasabi sayong magtino ka daw dito, nakakahiya sa bride at mga bisita."
Napabuntong hininga nalang ako at ininagkuskos ang dalawang palad dahil sa kaba.
"I'm thankful that I'm single." Pagpaparinig ni Kyle sa kanya.
"Tumigil ka nga dyan Kyle. Hindi mo pa kase nakikita yung babaeng mamahalin mo kaya mo nasasabi yan." Sagot ni Yamel.
"Bakit ikaw meron na?" Tanong ni Kyle.
"Meron na syempre. Pero hindi kita inimbitahan dahil sisirain mo lang ang kasal ko noh. Kung hindi ka ba naglalasing non edi sana inimbitahan kita." Sagot ni Yamel.
Napabuntong hininga naman itong si Kyle at nagpaalam saming maglalakad-lakad muna. Dahil wala silang tiwala kay Kyle ay sumama sa kanya su Yamel.
Nang maiwan kaming dalawa ni Philip ay tinanong ko sya dahil hindi naman ito sasagot sa tanong ko kung nandito yung dalawa.
"Phil" tawag ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin.
"Stop hinding your true feelings to Dia. Sinasaktan mo yung tao." Ani ko.
Napahinto naman ito.
"Madaling sabihin pero mahirap gawin bro. Mahirap." Sagot nya.
"Mahal ka nya." Ani ko.
Nagbaba ito ng tingin. "I know..."
"You know then why would you hurt Dia's like that?" Tanong ko.
Hindi sa nangenge-alam ako pero I know Dia since she's Elena's friend. Dia is like a friend of mine. Kaya ganito nalang ako.
Hindi na nagsalita si Philip ng may sumigaw na nandito na ang bride. Lahat naman ay nag si ayusan na at yung iba ang tumakbo pa makapunta lang sa kanilang upuan at yung iba mga groomsman naman ay kanya kanyang punta na sa labas.
Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong kinabahan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ito lang kase ang magagawa ko ngayon.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang kasalan.
Nagpatugtog sila ng musika kasabay ng pagbukas ng malaking pintuan. Nagsimula ng naglakad ng ring-bearer na si Hakiel. Siya ang sinabihan kong magiging ring-bearer sa magulang ko. Dati ay ayaw nila at sinasabing si Ethan nalang daw pero ipinagpilitan kong si Hakiel ang gawin nilang ring-bearer. Buti nalang ay mas nanalo ako sa kanila. Ayokong itago nalang nila ang kapatid ko.
Isa isa ang mga flower girls na naglakad at naghahagis ng mga bulaklak ang mga iyo. Sumunod ang mga bridesmaids at groomsman at mabagal ding naglakad. Sumunod ang ibang mga guests ng magulang namin ni Elena. Huling lumabas ay si Elena.
Halo't halo ang emosyong nararamdaman ko. Gustong maiyak ng makita sya. Siguro nga dapat ay hindi ako umiyak pero hindi ko kaya. Pinunasan ko ang pingi ko.
|Giiigglesss|