ANG SIMULA

3123 Words
CHAPTER 17 Isang oras pa lamang silang namimili ay nagpatawag na si Timothy ng service mula sa hotel upang maipakarga ang ibang naipamili tulad ng mga appliances para sa raffle draw. Dagdag lamang ito dahil marami na silang nasolicit mula sa mga masusugid nilang supplier. Ipinagamit narin niya ang isang sasakyan upang makatulong sa bultuhan na naipamili at kanilang naipahanda na. Ang perang ginamit nila dito ay nakalaan talaga para sa mga employees. Ngunit dinagdagan ito ng mag asawang Timothy. Panay ang punas ni Timothy sa mukha ng kanyang asawa at panay ang palit nito ng towel sa likuran niya. "Ala eyyyy napakasweet ni mister...... Nabawe nabawe......" si Kim na hindi na makatiis ay nagsalita na. Napalingon naman si Timothy sa kinaroroonan ng lalaki at ngayon lamang niya napansin ito. "Your Drey right?" si Timothy na tuloy parin sa pagpunas sa asawa. Kasalukuyan sila ngayon nasa isang foodcourt. "Hai sus Ginoo Mr. Green, mas hamak naman na gwapo ako dun! Kim hoh ang pangalan ko at your service. " sagot nito namay kasama pang pag bow. Kinaalma naman ito ng tinig mula sa kabilang linya, ang kanyang kasamahan at tawanan naman sa iba pa. "f**k you part! Mas gwapo ako sayo! " tinig ni Drey sa earpeace. "By the way where is Rex? " si Timothy na napalinga linga. "Naku pooooohhh si Rex nanaman..... Masanay na po kayo Mister Green na ako na ang magbabantay sa misis nyo. May bago hong tinatrabaho yun ngayon. "agad nitong sagot. Tumahimik nalang si Timothy at napangiti. Sa loob loob nito'y nabawasan siya ng kaagaw sa asawa. "Sweetie are sure dito tayo kakanin? " muling baling niya kay Jewel. "Yeahhhhh dito tayo magdadate ngayon..... Kaya mag order ka na. Japan meal ako, ikaw po manang? " "Ganun narin hija. " si manang fe na kusang nagpupunas ng pawis sa sarili. "Miss Jewel , kasama kami sa date nyo ni mister? Ayahayyyy sarap ng feeling!!! Libre meal hehehehe hindi mababawasan ang allowance ko hehe " singit naman nito "tsk tsk! Ikaw na ang omorder Drey. " si Timothy muli. "Kim hoh Mr. Green, be yen! Kim Solis hoh pangalan ko. Hayaan nyo at magpapalagay na ko ng placard sa dibdib mo. Makakalimutin eh" Tawanan naman ang lahat. "Hindi ho ako pwedeng lumayo sa misis nyo... kayo na.....hehehehe Japan meal din ako Sir pogeh! Wag kayong mag alala at di makakadikit sa misis nyo yang mga asungot sa paligid. " dagdag pa nito na ininguso ang mga kalalakihan na nakatingin sa asawa. Natatawa naman si Jewel sa inaasta ng bago niyang guard. "Ang lakas nga ng loob, nasupalpal ang asawa ko dun ah" bulong ng kanyang isip. Tumayo na si Timothy na napailing, ngunit bago niya iniwan ang asawa ay hinalikan niya ito ng mariin na aabot ng limang segundo. "Nakuuuuu! " si Kim na tumayo at parang may tinatapak tapakan sa ilalim ng mesang kanyang kinatatayuan kung kayat napatingin sila sa ilalim. "Ano ba yun Hijo? " si Manang Fe na pilit inaalam kung anung pinapatay. Si Timothy at Jewel naman ay nakamasid lamang sa ilalim ng mesa. "Manang ang daming lamgam,....." "Wala naman ahhhh! " si manang Fe muli "Eyyyy wala na ho at tumigil na yung dalawa. Pogeng sir omurder na ho kayo at mahaba na ang pila. " Napahalakhak na si Jewel sa pagkakataong ito. "Samahan na kita Tim.....baka lapitan ka pa ng mga chicks dyan, madaya yun, ako may bantay, ikaw'y wala. " na agad ay tumayo narin. Napangisi naman si Timothy. Naiwan si manang Fe sa mesa. Si Kim naman ay natatawa nalang. "Miss Jewel ako na pala ang asungot nyo ngayon ehhh, ganito pala ang pakiramdam ni Rex pag magkasama kayo. Halay minuminuto, oras oras, napakasweet ninyo EH! Tsk tsk!" Sinuklian lamang ng mag asawa si Kim ng masarap na ngiti. Kasalukuyang nakaakbay si Timothy sa asawa at si Jewel naman ay nakahawak sa beywang nito habang nakapila. Maraming inorder ang mag asawa. Tuwang tuwa naman si Kim at talagang nabusog siya. "Sarap pala ng buhay ni Rex!!!! Abay tataba ako dito!!! Hehehe! " nasabi ni Kim matapos kumain. "Ang lakas mong kumain Kim, mabuti naman at magana kang kumain pero hindi man lang halata sa katawan mo. " sagot naman ni manang Fe. "Naku manang nag e-exercise ho ako dati....pero parang ngayon ay di ko na magagawa. Lage na akong bubuntot sa amo ko. Baka hihiwalayan ako ng girlfriend ko nito..... Di ko man lang naisip yun ay tsk tsk!!!! " Natatawa nanaman ang mag asawa kay Kim. Matapos magpahinga ng ilang saglit ay muli silang namili. May bilang siya ng mga bata at range ng kanilang edad ganun din sa sizes kaya naman mabilis siyang makapag isip ng mga bibilhin. Mga damit, sapatos, at stuff toys. Bumili narin siya ng mga supot para dito. Gabi na ng matapos sila sa Divisoria. Sa malapit na Sm mall naman sila dumeretcho upang bumili ng mga regalo para sa mga head niyang employees. Branded na perfume sa kababaihan at mga branded na damit naman sa kalalakihan. Muli silang kumain sa loob ngunit sa high class restaurant na kung saan di na nila kailangan pang pumila. Humiwalay na ng table ang mag asawa ngunit di naman kalayuan ito sa puwesto ng kanyang personal guard. Di mapapansing umaalerto ang mata Kim sa paligid. Bagamat tuwang tuwa nanaman siya. Although may allowance ang mga ito sa pagkain pero minsan talaga ay hindi sapat kapag pumapasok ang mga ito sa high class resto. "Tomorrow Tim labas ulit tayo please..... Bili tayo ng isusuot natin sa party." lambing ni Jewel sa asawa. "Sure. Di ka ba napapagod? " "Wala naman kasi akong ginagawa.... Sa mga susunod na araw at magbabalot ako ng mga pinamili natin.... Don't worry magpapatulong ako sa dalawa o tatlong nagbabantay sa akin. Di ako lalabas ng bahay..... ." "Okay. " tanging naisagot na lamang niya sa asawa. Dumating na ang pagkain na kanilang inorder gayun din ang sa kabilang table. Tuwang tuwa naman si Kim sa kanyang kakainin ng biglang nagsalita sa Drey sa kabilang linya. Ito ngayon ay nasa kabilang side, nasa harapang bahagi ng resto at nakamasid sa di kalayuan kasama at ang tatlo di niya mapansin kung nasaan . May bago sa grupo. Alan ang pangalan. "Tang-*na ka part! Nagpapakasaya ka ah!!!! " "Magtake out ka naman ha! " "Hoi part alerto ka, may kanina pa akong napapansin na sumusunod sa inyo." boses ni Ethan. "I know...... Chill ka lang part, nasa unahan ko naman tong ungas na toh eh... Palit puwesto. Dating gawi. " "Yeaaahhhh! " sagot ng iba. Nagtataka man si Manang Fe kung anung pinaguusapan nila ay alam na niya kung sinu ang kinakausap ng kanyang kaharap. Nakita ni Manang Fe na tumayo na ito kahit hindi pa siya tapos kumain. "Manang pabalot mo na, sa bahay ko na uupakan. Akin lang po yan manang ha " agad na nagtawag si manang Fe ng waiter. "Pabalot mo narin yung kina sir." habol nito. Pinuntahan naman ni Kim ang mesa ng mag asawa na nagloloving loving pa at waring ayaw pang kumain. "Sir poge sa bahay nyo na ituloy yan. Kailangan ko ng ilayo dito si Miss Jewel. Hehe! Huwag na muna kayong magtanung. At chill lang ho kayo. " Agad namang kumilos ang mag asawa habang hawak na ni manang ang supot at nakuha pang uminom ni Jewel ng simple lamang at agad naman silang sinalubong ng dalawa pa nitong kasama sa intrance ng resto. Nakaramdam na si Timothy ng kakaiba. Agad silang lumabas ng mall. Nawala naman sa tabi niya si Kim at pinalitan ni Drey at Ethan. Samantalang nagkaroon na ng habulan sa loob ng mall na nahagip pa ng mata ni Timothy si Kim na may hinahabol. Maya maya ay may putukan ng nagaganap mula sa mga sumusunod sa kanila. Agad ng bumilis ang kilos ng mag asawa at sumakay sa sasakyang tumigil sa harapan ng mall. Si Alan ang may dala. Tumawag ng back up si Drey at agad na nagpalagay ng tauhan sa harap ng bahay sa Sta. Cruz . At maging sa kanila. Kasunod nito ay may mga bumubuntot na sa kanilang police mobile ganun din na mabilis na rumisponde ang mga tauhan ng Cannor Family. Tahimik lamang si Jewel sa kanyang kinauupuan. Namumutla naman si Timothy at si Manang Fe na nagdarasal. Pagkarating sa bahay ay agad na ipinaliwanag ni Drey ang sitwasyon kay Timothy. Makikita sa mukha niya ang kaba. Si Jewel naman ay parang wala lang. "Are you okay sweetie...? " si Timothy habang hawak ang kamay nito. "Yes I am! Ikaw okay ka lang ba? You look nervous. " wika ni Jewel. Nagpipigil naman ng tawa si Drey kaya tumalikod na ito at lumabas. Si manang Fe naman ay maaga ng pumasok sa kwarto dahil narin sa nerbyos at hindi na niyang magawang kumain pa. "Tim di mo kailangan mag alala.... May mga tauhan ang lolo at daddy na sumusunod sakin at maging sayo. Di mo nga lang napapansin. You don't need to worry. Will be fine. You want water? " " My God Jewel Lyca Green this is not a joke! Hindi ka lalabas bukas. We are going to stay here. Magpahatid ka nalang ng susuutin sa party kay Mr. Arim. No more buts sweetie. " malaatoridad nitong sabi. Walang nagawa ni Jewel dahil naramdaman niyang tunay na nag aalala ito sa kanya. Although sanay na siya sa mga ganitong scene lalo pa ngayong alam na ng buong mundo na may apo ang bilyunaryong si Cannor . Malamang sa malamang mas marami pa ang hahabol sa kanya at magkakaroon ng interest. Naghanda naman ng pagkain si Jewel mula sa supot para sila ay makakain. Kinabukasan ay maagang dumating ang mag asawang Cannor at ang lolo nito sa bahay nila. Niyakap agad nila ang kanilang anak. Si Jewel naman ay nangulit sa kanyang lolo at naglambing na parang walang nangyari. Naikwento nya rin sa matanda na namimiss nya na ang kanyang kuya Rex na ikinatawa lang matanda. Ang kanyang mommy naman ay nagluluto kasama ni Manang Fe sa kusina. Samantalang si Timothy ay nakipag inuman sa ama nito sa may pool area. Mababanaag ang kalungkutan na namamagitan sa usapan ng dalawang lalaki. Nakikita man ni Mr. Rowell ang pagmamahal nito sa anak ay wala parin siyang magawa dahil nakasuporta parin siya sa mga ginagawa ng matanda na kanyang ama. Nag iisa lamang ang kanyang anak at si Jewel lamang ang tanging buhay ng kanyang Ama. Ang lahat ng paghihirap ng matanda at iniaalay niya sa kanyang apo. Mas malapit ang loob ng kanyang anak sa lolo nito. Nakuha narin nila ang detalye sa mga nagpaputok in public sa mall matapos maisalaysay sa kararating lamang na si Kim. Ayon dito ay hindi mapagsalita ang taong nahuli niya regarding sa mastermind. Ngunit sangkot ito sa malaking grupo na nangingidnap ng mayayamang tao at ipinapatubos. Nagpaalam narin ang magulang ni Jewel at ang lolo nito matapos mananghalian. Tuwang tuwa naman si Kim na ipinainit ang kanyang left over na kinakain sa resto at hindi man lang naenjoy nung mga oras na yun. Tuwang tuwa naman si Jewel SA kwenikwento ni Kim habang kumakain. Talagang napakadaldal nito. Ibang iba sa ugali ng kanyang kuya Rex na tahimik at minsan ay may sense kausap. Namimiiss na talaga niya ang binata lalo na ang duet nila habang tumutugtog ito ng gitara. Pinagtuunan naman ng pansin ni Jewel ang natitirang araw sa pagbabalot ng mga regalo. Bago ipinadala sa venue. Ipinadala narin ni Mr. Arim ang kanilang susuutin. Naka Semi formal ang outfit nila. Maging ang mga guard nito ay pinadalhan narin ng susuutin at makikihalubilo rin ito sa party. Humigpit ang seguridad ni Jewel. Lima na silang mismo nakadikit sa mag asawa. At kumalat rin ang mga civilian na guard nito sa paligid. Sumapit ang araw ng chirtmas party at foundation ng EMJH. Dumagsa ang media sa labas ng main entrance ng hotel dahil maging ang pamilya ni Jewel ay makikihalubilo ngayon sa gaganaping party. Welcome party narin ito dahil ipapakilala na si Jewel na siya ang owner ng Hotel and Restaurant. Nagsisimula na ang party nung sila ay dumating. Agaw pansin ang kanilang pagpasok sa loob ng Hotel. Bagamat iisa ang kulay nila ay nabubukod tangi parin ang kanilang kasuotan na yari sa mamahaling tela ng England. Lahat ng nakahalubilo ay kulay pula ang kasuotan. Si Jewel ay naka fitted ang kalahating bahagi na heart shape tube sa dibdib at pa balloon naman ang laylayan na hanggang binti at nagkikislapan na animoy mga diyamante na hugis snow. Dagdag pa rito ang kanyang agaw pansin na hairdress na pang Santa Clause which is pang lady ang dating. Ang kasuotan naman ni Timothy ay parang prinsipe sa pinaghalong blue and red upang matirnuhan ang kasuotan ng asawa. At ang lolo at daddy ni Jewel ay nakasuot Santa Clause naman sa napakagandang tela. At ang kanyang mommy at hindi nagpapatalo sa sexy nitong damit Mapapansin din ang mga kalalakihan ay naka long-sleeved na red na animoy pare pareho ang mga suot at nagkakaiba lamang sa style ng fitted pants kung saan para silang modelo sa isang sikat na magazine. Pinasadya ito para sa kanila. Nauna ng pumasok ang mag asawang Cannor at ang lolo nito na sinalubong naman ng mag amang Ralp. Si Jewel naman ay nagpaalam na pupunta ng comfort room at kanina pa ito naiihe. Nagpaiwan naman sa lagusan si Timothy kung saan dito rin lalabas ang asawa. Kasama niya ang limang kalalakihan na may agwat naman sa distansiya at hiwalay din naman sa kanila. Si Jewel ngayon ay kasalukuyang nasa loob ng cubicle. At sa kanyang paglabas ay napansin niyang si Miss Rivera ay nagsasalamin at nag aayos ng sarili. Nakasuot ito ng long dress na pula na kitang kita ang ukab ng katawan. Nagulat ito ng makita siya Jewel. Siya na rin mismo ang bumati rito. "Hi, your Miss Rivera right? How are you? Do you still remember me? " malumanay niyang wika. "Go-good Evening po! Okay lang po ako Maam. Masaya po akong makita po ulit kayo. Kamusta po....? " "Ako rin. You look pale that time. Look at you now.... you look blooming. Hmmmm are you done? Halika sabay na tayo lumabas. " Binalot ng kaba ang puso ni Jenly. Hindi niya alam kung paano ito tatanggi. "Naku maam, mauna na po kayo.... " "No.... Sabay na tayo. Its okay, I can wait you. I'm with my Husband... " Mas lalong kumabog ang dibdib ni Jenly. Hindi niya inaasahan ang mga ito. Hindi siya handa lalo na may kasunduan sila ng abogado ni Timothy. Wala na siyang magawa. Sabay nga silang lumabas ng CR. Halos maistatwa si Timothy sa kanyang nakikita. Kasama ng kanyang asawa ang babaeng ina ng kanyang anak. Kitang kita ang kagandahan ng ngipin ng kanyang asawa habang nakangiti itong naglalakad patungo kung saan siya nakapuwesto. Makikita naman sa mukha ni Jenly ang pagkabahala at hindi mapalagay. Mabuti na lamang at makapal ang kanyang make up. At ng makalapit ito.... "Tim, this is Miss Rivera, one of the receptionist here. And Miss, this is my husband Mr. Timothy Green" pagpapakilala ni Jewel. "Hello po sa inyo. Maam sir una na po ako. Enjoy the night po. " nagmamadali niyang pagpapaalam. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ay ang ama ni Jewel na nakatayo sa di kalayuan sa kanila. "Hija, anak , lets go inside. " Si Mr Rowell na nakatitig kay Timothy na namumutla. Sabay na nilang tinahak ang venue ng party. Sinalubong naman sila ng masigabong palakpakan. Kasabay nito ang pagsalubong ni Mr Ralp Thompson at ng kanyang anak na may dalang bunches of flower. Kasabay nito ang pagpapakilala sa kanya na ikinagulat ng lahat. Inalalayan naman ni Timothy ang asawang umakyat ng entablado upang magbigay ng pambungad na pambati. Hindi makaporma si Roy kay Jewel ng mga oras nayun dahil laging nakadikit ang asawa na wala naman sa sarili ayon sa kanyang nakikita. Ang mga employees na akala nilang guest ng hotel lamang si Jewel ay siya palang may ari ng kanilang pinagtratrabahuhan. Kaya pala ganoon na lamang ang pag aasikaso ng mag amang Thompson sa babae. Si Jewel kung saan siya naroroon ay tago sa pamilya Cannor . Mas lalong tumindi ang kanyang naramdaman ng malaman niya na nasa lungga siya ng asawa ni Timothy. Nangangatog ang tuhod niya at maya maya ang kanyang pag CR. Masaya na siya kailan lang dahil lubos ng naoperahan ang kanyang anak at nagpapagaling na. Ngunit parang papasok nanaman siya sa sitwasyong mahirap labasan. Gusto na niyang umuwi ngunit wala pa sa oras. Kakasimula palamang ng party at ito rin ang unang pagkakataon niyang makasama ang lahat ng empleyado. Nagsimula ng magkainan ng sumapit ang alas otso. at kasabay nito ay nagkaroon ng raffle draw sa pangunguna ni Don Franco na siya ngayong nagbubunot ng pangalan. Tuwang tuwa naman ang mga nabubunot na ang employer. May mga nagtatalon, may mga napapaiyak at may napapasigaw. May mga palarong nakakapagpatawa sa pamilya at nagbibigay rin ng tense. Ibang iba ang samahan ng mga empleyado dito. Napansin ni Jewel na wala sa mood ang kanyang asawa. Nagpaalam pa itong lalabas muna para magpahangin. "Gusto mo samahan kita Tim? " may pag alalang sabi niya rito. Hinalikan muna niya sa labi ang asawa bago sumagot at hinawakan nito ang kanyang kamay. "I love you, always remember that. Don't worry about me. I'm okay. I just need a fresh air. Okay.... " pagkawika nito na hinaplos pa ang baba ng asawa. Hinayaan na lamang ni Jewel ang kanyang asawa at ipinagpatuloy niya ang panunuod. Agad na lumabas si Timothy patungo sa gitnang bahagi ng hotel kung saan ay may garden. Sa kanyang paglabas ay hindi pa siya nakakasampung minuto ay nakita niya si Jenly na patungo kung saan naroon ang CR. Dalawang oras na ang nakakalipas mula ng ipakilala ito sa kanya ng asawa. At halos manigas nanaman siya sa kanyang kinaroroonan. At mula sa kanyang kinatatayuan ay kung anung meron sa kanyang mga paang sinundan niya ang Jenly. Hinintay niyang lumabas ito ng Cr. At ng makita niya ito ay luminga linga muna siya sa paligid saka niya hinatak ito patungo sa madilim na bahagi ng harden. Masayang nagdadaos ngparty sila Jewel sa loob. Nakisali narin ito dahil sa paanyaya ni Roy na ayaw naman niyang mapahiya. Katunggali nila ngayon ang kanyang daddy at mommy sa paper dance. Tuwang tuwa si Jewel dahil ngayon lamang niya naranasan ang mga ito. Ngayon nya rin lang nakita muli ang kanyang magulang na masaya sa kanilang ginagawa. Si Roy naman ay maingat niyang inaalalayan ang kanyang kapareha. Umaapaw sa kasiyahan ang kanyang nadarama. Buhat buhat niya ito na parang bagong kasal gayun din ang isang kapares. At ng maliit na ang papel ay natalo si Roy at Jewel dahil sa pumalya ang pagkakahawak ni Roy sa babae. Tuwang tuwa ang lupon ng mga head ng department sa kanilang nasasaksihan. Sa madilim na sulok naman ay ang mga matang nakamasid sa dalawang pilit kumukuble sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD