CHAPTER 16
Mababakas na sa mukha ni Timothy ang kasiyahan. Ito ay kasalukuyang nakaupo ngayon sa wooden chair sa harapan ng table ng kanyang ama.
"Thank you dad sa tulong mo. " wika ni Timothy matapos malamang ililipat na ang kanyang anak sa Hospital kung saan mapaglalaanan ng pansin ang karamdaman nito.
"You don't need to say thank you. Apo ko ang batang yun Timothy. Aasahan mong mamahalin ko ang apo kong iyon. Hindi ko pa man ito nakikita ay nasasabik na akong makipagkulitan at gusto narin makita ng mommy mo ang bata..... hay hijo sana dumating ang araw na di mo ito kailangan itago. " wika ni Mr. Timmy na nakakangiti narin.
"May tamang panahon para dyan dad.... Kahit naman po ako ay gusto kong makita ang bata, hindi pa nga lang po sa ngayon.... Ang babaeng yun muna ang dapat kong harapin dad. Kukunin ko sa kanya ang anak ko.... Di na po ako magtatagal dad. Kailangan ko po ngayon puntahan si Don Franco. Nais ko narin puntahan ang doctor ng anak ko upang malaman ko ang kalagayan ng bata. " si Timothy na tumayo na.
" Mag ingat ka hijo."
Tuluyan nang umalis si Timothy lulan ng kanyang sasakyan.
****
"What are you doing here Timothy? I told you we're going to meet after one week. " boses ni Don Franco na napakalamig. Kalmado itong tao na di mo malaman kung ano ang nasa isip.
Hindi malaman ni Timothy kung papaano niya sisimulan ang usapin tungkol sa kanyang anak kay Jenlyn.
"Bakit hindi ka nalang sumuko Timothy. Pasasaan rin at malalaman ng apo ko na niluluko mo sya ngayon palang. " dagdag pa nito na di sinang-ayunan ni Timothy.
"Sir hindi ko po siya niluluko-" tugon ni Timothy na ikinatigil nito dahil agad na nagsalita ang matanda at tumaas na ang boses ng nito.
"What do you think your doing right now!? Damn you man! Ngayon palang ay naglilihim ka na sa kanya sa mga kinikilos mong patago!!! Do you think I'm stupid knowing na wala akong alam!? "
"I don't mean that Sir I-" muling naputol niyang sagot dahil sa wala nanaman siyang mahagilap na sasabihin.
"Hindi ka ba naaawa sa anak mo Timothy? Anu kaya ang sasabihin ng anak mo kapag nalaman niyang.... ikaw mismo ang lumalayo sa kanya?" mga salitang nagpapatigil sa binatang makapag isip ng maayos.
"Lihim mo silang sinuportahan? Nang walang kaalam alam ang apo kong napakainosente. Bakit hindi mo nalang harapin ang katutuhanan na kailangan ka ng mag-ina mo!? Sa ginagawa mo ay lumalabas na may kabit ka! "
Hindi parin makasagot si Timothy.
"Pumasok na siguro sa utak mo na kukunin mo nalamang ang bata sa kanyang ina, tama ba ako Timothy? Sa tingin mo ba kakayanan ng bata na mawalay sa kanyang ina? Sa tingin mo ba mapapapayag mo ang ina niyang kukunin mo ng buhay niya? Balak mo bang ipamukha sa apo ko na makikihati na lamang siya sayo!? Hell you man! Hindi mo ba naisip na tatlong puso na ang masasaktan mo!? Ikaw ang binibigyan ko ng pabor ngayon!" lumilisik na ang kanyang mga mata sa galit.
Para kay Timothy ay totoo ang mga sinasabi ng matanda ngayon.
"Hindi na natin kailangan pang umabot ng isang Lingo ang usapang ito Timothy. Alam mo na ang isasagot ko ngayon palang sa iyo. Umalis ka na. "
Tahimik na tinahak ni Timothy ang pintuan at laglag ang mga balikat niyang naglakad sa hallway na hindi niya namamalayan ang mga dumadaan sa kanyang harapan. Naglalakad siyang parang wala sa sarili at walang naririnig.
***
Nagtataka man ay agad na tumungo si Rex kung saan ang office ni Don Franco. Kasalukuyan siya ngayong nasa CNC. Agad naman siyang pinapasok sa loob ng opisina ng matanda pagkatapos lumabas ni Timothy.
Nakita niyang malayo ang tingin ng matanda na nakatanaw sa glass wall.
"Maupo ka Rex. Dederetsuhin na kita. Bukas na bukas din ay lalabas ka ng bansa. Isang buwan lang ang ibibigay ko sayo upang alamin ang pasikot sikot na kompanya sa England. May nagtuturo sa roon. At kapag handa ka na ay papalitan mo ang naiwang puwesto ni Timothy dito. "
Mga katagan narinig niya sa matanda na nakapagbigay sa kanya ng pagkagulat at pagkalito.
"Ihahanda na kita Rex dahil pagkatapos ng dalawang taon ay muling ikakasal sayo si Jewel. Sana huwag mo itong tanggihan dahil wala akong mahahanap pa na isang tulad mo....na malinis ang hangarin.... Ikaw ang sasalo sa kanyang mundong guguho."
Dito na humarap ang matanda kay Rex.
"Lilipat kana sa lugar na ito pagkatapos ng isang buwan. Na sa iyo ng pangalan ang condo unit na yan sa Ayala. Kasalukuyan narin nariyan ang mga gamit mo at naipahatid ko narin ang mga bago mong kasuutan. Kung inaalala mo si Jewel ay wag kang mag-alala, ang pumalit sa iyo ay ang taong pinagkakatiwalaan mo rin. Nagsisisi akong ngayon ko lamang nakita ang tunay mong nararamdaman sa apo ko. Sa ngayon ay walang nalalaman ang apo ko Rex sa mga nangyayari ngayon. Bagamat hindi ko rin maaaring sabihin sayo ang dahilan. Hindi mo rin puwedeng ipaalam kay Jewel ang pinag usapan natin ngayon. Sa ngayon ay maglalaho ka muna na parang bula." matatag na wika ng matandang mababakas na ngayon ang kalungkutan.
Nagkuyom ang mga kamao ni Rex sa kanyang narinig. At hindi narin niyang mapigilan magsalita.
"Bakit nyo ito ginagawa sir? Hindi laruan ang puso ni Jewel... Bakit hindi nyo siya palayain at hayaang maging masaya? Bakit kailangan danasin ni Jewel ang mga ito? "
"Hindi mo na kailangan pang magtanung Rex. Pumunta ka na sa unit mo at magpahinga. Ito ang mga papeles mo. Ala una ng umaga ang flight mo. "
Tulad ni Timothy kung paano siya lumabas ng opisinang yun ay ganun din si Rex. Tinanggap niya ang utos ni Don Franco.
Nakarating siya sa unit na sinasabi ng matanda at nakita niyang nailipat na dito ang kanyang mga gamit mula sa tahanan ng babae. Hindi niya kayang malayo sa tabi ng kanyang iniibig. Ito pa lamang ang unang pagkakataon na siya malayo dito.
Kung tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya ay madali nya ito matututunan dahil kahit hindi siya ng take ng kursong ito ay kasama naman siya sa bawat aralin ng kanyang alaga. Nararanasan niyang nakaseat in lage ito sa bawat klase. Minsan pa nga at siya ang tumutulong sa bawat aralin ni Jewel. At kapag nag aaral sila ng professor niya one on one sa condo ay nakikinig din ito.
Rex's POV
Bakit kailangan mong danasin ang mga ito Jewel.... Anung pasakit ang mararanasan mo sa mga susunod na araw.....? Bakit parang pakiramdam ko ay isa ako sa mga dahilan kung bakit ka masasaktan ngayon? Kailangan kong tawagan si Kim.....
Fuck it!!!! Halos mababaliw na ko sa kakaisip kung anung nangyayari!!! Bakit di nila sabihin sakin kung anung mayroon! s**t!!!
Mabilis kong inayos ang mga gamit na kakailanganin ko sa aking pag alis. Sana lang sa aking pag balik ay maging maayos ang lahat.
****
Nakatanggap ng tawag si Agent Kim kay Rex. Wala siyang sinabi rito kundi ang ingatan ang kanyang alagang si Jewel at matatagalan ang kanyang pagbabalik.
"Makakaasa ka part! Bakit ba hindi mo masabi kung nasaan ka ngayon at wala ka man lang pasabi kung saan ka pumunta kanina. Si Mr. Green din eh kanina pa hinihintay ni Miss. Jewel at higit sa lahat part hinahanap ka ng alaga mo! ......oh sige sige makakaasa ka! Ingat! " wika ni Kim sa kabilang linya.
"Si Kuya Rex ba yan? Pausap ako.... " si Jewel na agad kinuha ang phone.
"Opss! " sabay taas ng dalawang kamay.
Ng mailagay niya ito sa kanyang teynga ay wala na ito.
"Tawagan mo... " utos niya kay Kim sabay abot ng phone.
Agad namang idenial ni Kim ang number na ginamit ni Rex ngunit out of coverage na ito. Muli niyang idenial at niloud speaker upang marinig ni Jewel. Makikita sa mukha ni Jewel ang pagkainis.
Kasalukuyan sila ngayon sa isang table set malapit sa pool area. Umupo si Jewel sa harapan ni Kim na kasalukuyan ring nakaupo ng siya ay muling magtanung.
"Anong oras sya babalik bukas kuya Kim? "
"Mas lalo akong tumatanda pag kinukuya mo ko Miss. Jewel, puwede bang Kim nalang, yung parang close na tayo...." wika ni Kim na nakangiti.
"Yeheeeeee!!!! simula ngayong gabi ay na promote na ko. " dagdag pa nitong todo ang ngiti.
"What do you mean na promote?" kunot nuo nitong sagot.
"Ako na ngayon ang personal guard mo yeyyyyy! Dagdag sahod toh Miss Jewel, hayaan mo pagbubutihan ko. " tuwang tuwa nitong sagot.
"Ano? Why? Babalik si kuya bukas diba? "
"Naku po..... Paano ko ba sasabihin toh..... Parang ayaw mo sakin Miss Jewel eh.... Ba yan.... Wala ho talaga akong alam kung bakit bigla nalang siya mawawala. Ang alam ko lang yung babae na yun,,,, yun siguro ang dahilan!? Yeheyyyy kinikilig ako! Okay lang yun ay binata naman siya." jologs nitong sagot na pumipisik pa ang katawan.
Si Agent Kim ay taong walang preno ang bibig at mabilis pakisamahan.
Mabilis namang nakaramdam ng lungkot si Jewel dahilan upang nag unahang tumulo ang kanyang mga luha.
Agad namang tumayo si Kim at akala mo ay kung napaano na sa kanyang kinauupuan at may hinahanap habang sumisigaw.
Nagtataka namang nagtanong si Jewel at naudlot na ang pag iyak.
"Anong nangyayari sayo??? "
"Abah naghahanap ako ng pwedeng ipangsalo sa mga luha mo !!! Sayang naman at hiyas yan!!!! baka dyan ako instant na yumaman!!!! Mamaya kana umiyak at kukuha ako ng tabo!" pagkasabi niya na akma ngang kinuha ang tabo sa my storage room na katapat nila.
"Baliw..... " si Jewel na natatawa.
"Bakit kasi hinahanap mo si part Rex ay nandito naman ako! Poge din ako ha, Chinito, macho, 6 footer din, at higit sa lahat ay di ka maboboring sakin! Pangako yan! "
"Wheeeeee??? Di nga?"
"Oo nga ang kulit..... Ako na ngayon ang proprotekta sayo pangako. Isa pa bakit ba si Rex ang hinahanap mo, abay ... alas dose na madam wala pa ang asawa mo! Yun dapat ang hinahanap mo..... Gala Ikaw ay matulog na. Ohhh ito beer makakatulong sayo yan. Paminsan minsan uminom ka pero wag mo ko erereport Miss kay bosing ha, pampatulog lang naman yan. " mahaba nitong wika.
Kanina parin nagtataka si Jewel kung bakit hindi nagpaparamdam sa kanya ang kanyang asawa. Ang sabi nito susunduin siya at makikipagdate. Isang text lamang ang kanyang narecieve dito na hindi sila matutuloy at may lakad siya na hindi na nasundan man lang ang mensahe na yun.
Pagkatapos niyang maubos ang can of beer ay pumasok na ito sa loob at natulog.
Kinabukasan ay maaga itong nagising. Hinanap niya sa kanyang tabi ang kanyang asawa ngunit wala parin ito. Lumabas siya ng kwarto. Napatingin siya sa little bar kung saan madalas niyang nakikita si Rex. Wala ng magtitimpla sa kanya ng hot chocolate with milk. Ang tanging laman ng kusina ngayon ay si Manang Fe na kasalukuyang nakatalikod sa kanya at nagluluto.
Makikitang gumuhit nanaman ang lungkot sa kaniyang mukha sabay bukas ng maindoor at pumasok doon si Kim.
"Good morning Miss Jewel!" Bati nito sa kanya.
Napalingon naman si Manang Fe sa kinaroroonan niya.
"Gising ka na pala..... Good morning hija.... Di maipinta yang mukha mo.... Key aga aga... Di ba siya umuwe? " si manang fe na pinagpatuloy ang pagluluto. Naghahalo ito ng sinangag na kanin sa kawali.
"Naku po!!! " Di napigilang pang aasar ni Kim sabay pitik ng kanyang daliri. "Alam na this! "
"Hoy ikaw Kim ay tumigil ka diyan!!!! Di sanay sa kalukuhan mo areng alaga ko. Ikaw naman hija masanay ka na diyan ha kay Kim, malakas ang loob niyan sa kalukuhan. Namimiss ko na tuloy si Rex. Hayyyy naku.... " wika ni manang fe na naiiling pa.
"Naku po..... Hayaan nyo na si Rex manang, ako na ngayon ang magpapasaya sa inyo ngayon!" umaariba pa nitong kilos habang nagsasalita.
Napangiti naman si Jewel sa kilos na ginawa ni Kim. Hindi niya lubos naisip na sa kakisigan nito ay may tinatago itong kalukuhan. Bumaba na ito sa ilang hakbang na palapag at umupo sa may dining table.
Pinagtimpla naman ni manang Fe si Jewel ng kanyang mainit na inumin . Pinaghain niya ito ng kaniyang almusal.
"Halika Kim, saluhan mo kami ni manang Fe kumain. " aya ni Jewel
"yoowwwww!!!! Pekkkkgenern!!!!!" Biglang sigaw ng binata na ikinagulat ng dalawa.
"Ay putakti! Dyos kong bata ka!!! Kung ako ay buntis naagasan na ako!" si mang fe na hawak hawak ang kanyang dibdib.
"Areeeee naman si manang..... Bawas bilbil mo lang yun..... Tsk tsk! Masaya lang ako at kasama na ako dito sa almusal hehe"
Natatawa naman si Jewel sa inaasal ni Kim.
"Alis tayo kuya K-" na naputol ang sasabihin ni jewel na ikinunot pa niya ng kilay ng muling magsalita si Kim.
"Opssss erase kuya..... Kim nalang Miss Jewel, Maawa ka naman sakin , gusto ko ring bumata ng kunti para naman magkachicks din ako tulad ni Part Rex beyennnn..... "
"Baliw ka talaga..... Sige na nga Kim nalang. Alis tayo ng 9. Dyan lang tayo sa Divisoria. Manang , sama po kayo. Mamimili tayo. "
"Hep! Hep! Naku malabo yun miss Jewel, maraming tao dun, nadukutan na kayo dun EH.... mainit at di kayo pwede dun! Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman ni bosing. "
"Kaya ka nga nandiyan ka ehhhh, isa pa magdidisguise ako. Expert ito diba.... "
"Wheeeee Di nga? Basta Miss Jewel ha ikaw bahala, paktay talaga ako sa daddy nyo! Kakapromote ko palang mafifired na agad ako! Beyennnn" si Kim
"Oo nga... Ang kulit..... Manang sumama po kayo. "
"Masaya yan... paano si sir Timothy pag umuwe Miss Jewel.... hija? Walang madadatnan ang asawa mo dito.,,, " nag aalalang sagot ni Manang Fe.
"Don't worry po, magleleave nalang po ako ng message. Hmmm Kim ang gagamitin natin ay yung malaking sasakyan. Pasabi rin sa kasamahan mo na dalhin rin ang isa pang Ranger." tugon ni Jewel.
"Mukhang maraming pamimilhin ahhhh..... Sige Miss aasikasuhin ko na. " tumayo na si Kim at lumabas pagkatapos kumain.
Si manang Fe naman ay iniligpit na ang pinagkainan at pagkatapos ay nagready na.
Bakit pakiramdam ni Jewel ngayon ay kulang na kulang siya na parang pinag iwanan siya ng mga taong mahal niya.....
Umakyat na si Jewel sa kanyang kuwarto at naghanda ng maisusuot sa kanilang pag-alis. Pagkatapos nito ay nagsulat sa isang papel upang ipaalam dito na siya'y namimili .
Sinubukan nya naring tawagan ang phone ng asawa at....
"Yes! Its ringing..... " naisambit ng kanyang bibig na nabigyan narin ng ngiti ang kanyang mga labi.
"Sweetie...... "
"Tim..... I miss you... Asan ka na? Hinihintay kita kagabi pa...."
"I love you..... I'm coming home."
"We're going outside .... Are you coming with us?"
"Where are you going?" takang pagtatanong ni Timothy dahil he knows ay walang schedule ang asawa nito ngayon at isang beses lang naman ito papasok sa opisina basi sa paalam nito.
"Divisoria."
"What! I'm coming. Wait for me. Malapit na ako. " agad nitong pinutol ang linya
Napatitig nalang si Jewel sa kanyang monitor..... It's already eight in the morning.
Habang naghihintay ay naligo na siya . At pagkatapos maligo ay nagsuot ito ng roba at ipinulupot sa kanyang basang buhok ang tuwalya. Humarap ito sa salamin at uupo na sana sa maliit na silya ng narinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto.
Agad makikita ang ngiti sa labi ni Jewel na sinalubong niya si Timothy upang hagkan. Kumunot ang noo nito dahilan sa hindi niya natuluyang halikan at yakapin ang asawa.
"Amoy alak ka Timothy. Where are you lastnight? Tell me, may problem ka ba, we can talk.... " si Jewel na nagsimula ng lumungkot ang boses.
" Nakakahiya naman sa misis ko..... I'll take a quick shower muna. Don't think to much huhh" pag iwas nito sa asawa na agad namang pumasok sa loob ng shower room.
Inihanda naman niya ang susuutin ng asawa. Dahil mainit sa divisoria ay walking short na cream at stripe na black T-shirt ang kanyang inihanda sa asawa habang iniisip nito kung saan galing ang kanyang mister.
Biglang pumasok naman sa kanyang isip si Rex. Si Rex ang lagi niyang nakakasama sa divisoria mall dati. Hindi na sila pumapasok pa sa kahabaan ng divisoria dahil alam nilang delikado na siya dito. Dahil naranasan na niyang malaslasan ng bag noon ay napakasikip sa dami ng tao. She miss Rex too.
Inayos na niya ang sarili. Nagblower ng buhok at nag aply ng sun block cream sa mukha. Isinuot narin niya ang kanyang plain black leggings at white T-shirt na maluwag sa kanya. Nagsuot narin siya ng rubber shoes .Naglagay narin siya ng dalawang mask sa kanyang sling bag, cash, cards at kinuha ang kanyang tinted eye glasses maging sa kanyang asawa, cap at nag spray ng pabango sa kanyang leeg.
Tapos ng maligo ang kanyang asawa. At nagtataka itong napatingin sa kanya.
"Your ready? Even your not yet telling me kung anung gagawin mo dun?" mababakas sa mukha ni Timothy ang hindi pag sang ayon sa asawa.
"Tim.... Even you too.... You still not telling me where you are last night. " bawe naman niya.
" I'm- I'm with my friends. Nagkayayaan, so I join with them. Minsan lang naman..... "
"You can tell me. Papayagan naman kita Tim but just don't forget na may asawa ka na at nag aalala ako kapag di ka nagsasabi. Akalain mo yun pinagpalit mo yung pangako mong idadate mo ko sa friends mo.... " may himig ng pagtatampo nito sa asawa
Gustong umiiyak ni Jewel ngayon. Ipinagpalit siya ng asawa niya sa kanyang friends daw. At si Rex naman na bigla nalang lumilitaw sa kanyang gunita ay ipinagpalit naman siya sa kinahihibangan nitong babae.
"Im sorry. Di na mauulit.... " si Timothy na yumakap na sa asawa at dinampian niya ito ng halik sa labi. "Puwede ko na bang malaman kung anong gagawin sa Divisoria? "
"Mamimili ako ng mga gift sa mga anak ng employees ko sa hotel personally. "
"Ohhhh ehhh bakit ikaw? Pwede naman yung staff mo nalang. " tinig ni Timothy na di parin sumasang ayon.
"Ayaw..... Gusto ko ako... kasi wala naman akong gagawin. "pagpupumilit ni Jewel.
"Kung gusto mong ikaw, mag online ka nalang...di pa hussell"
"Ayaw baka tapos na ang party ay wala parin ang item. "
"tsk tsk ! Kakayanin mo ba ang init doon? "
"Oo naman. Nung college pa ako... Me and kuya Rex are always there. Magbihis ka na. Sa baba na kita hihintayin. Nasa akin na eye glasses mo your mask and cap. " sabay bukas ng pinto at lumabas. At muling bumalik para sabihing....
"I brough towel also ang extra shirt for us."
Napatitig nalamang siya sa pinto. Kanina ng makita niya si Jewel ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Ayaw niyang umalis sa tabi nito. At hindi rin mapigilan na sumisingit ang takot sa kanya na mawala ang babaeng ito dahil sa banta ng kanyang lolo.
Nagbihis na siya ng inihanda ng asawa. Agad na rin siyang bumaba.
"Coffee first Tim bago tayo umalis. Nagbaon ako ng sandwich for you narin kasi alam kung di ka pa kumakain. Here oh.... gamot sa hang over. "
"Thank you sweetie..... " Agad lumapit si Timothy kay jewel ay yumakap dito ng napakahigpit.
"Ang bango ng asawa ko...... Ipupusod ko mamaya ang buhok mo ha....."
"Marunong ka Tim? " nakangiting tanung nito sabay kawit ng kanyang mga kamay sa leeg ni Timothy.
"Oo naman..... " at hinalikan ang tungki ng ilong
"How....? "
Dito napaisip si Timothy sa kanyang isasagot dahil si Jenly nga pala ang nagturo sa kanya nito. Naalala niyang nag babake ito ng cupcake at inutusan siyang ipitan siya . Makikitang naningkit ang kanyang mga mata ng maalalaang ang mga ito dahil isa yun sa paraan ng ex niya upang mahulog ang kanyang loob dito.
"I don't know.... Just let me try..... " ito na lamang ang kanyang isinagot.