CHATMATE

3020 Words
CHAPTER 15 Jenly's POV Hindi ako makatulog. Maraming gumugulo sa isip ko.... Pinipiga nanaman sa sakit ang aking puso... Ang anak kong natutulog na nakaoxygen mask.... Ang ilong nya... female version ni Timothy.... Nakikita ko sa kanya si Timothy.... Si Timothy...... Ang lalaking hanggang ngayon ay sya paring pinipintig ng puso ko.... Patawad anak kong nararanasan mo ngayon ang hirap lalo na at wala sa tabi mo daddy mo.... Kasalan ko ito... Pinapangako ko sayo gagawa ako ng paraan para makausap ko ang ama mo.... Kailangan mong mabuhay anak.... At kakailanganin natin ang tulong ng daddy mo....Pumikit ako at di ko nanaman mapigilang lumuha.... Ohhh Panginoon ko.... Bigyan nyo po ako ng lakas ng loob Ama. Alam kong ginagawa mo ito dahil alam mong kakayanin ko .... Napabuntong hininga ako.... Heto nanaman... paulit ulit nanaman sa aking isipan ang ginawa nyang paghalik sa kanyang asawa..... Ang kanyang mga matang napupuno ng pagmamahal sa babaeng yun.... Nagseselos ako..... Sana ako nalang..... Sana ako nalang yun.... "Anak....Nandyan ka na pala.... Kumain kana ba? Ohh umiiyak ka nnaman ba?" si Aling Elyn na aking ina na naalimpungatan. "Nakita ko si Timothy ma. Bukas na bukas po day off ko naman ay susubukan ko po siyang kausapin.... " wika ko na pinapahid ko na ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. "Mabuti naman kung ganun.... Sana lang makausap mo na siya... Nga pala hinahanap ka ng bata kanina.... Pero agad ding natulog at mabilis napagod. Matulog ka na muna. Pero kung nagugutom ka may pagkain diyan.... " "Sige po ma.... " "Ay anak bukas nga pala may pupunta dine... ng alas otso. Attorney daw yun. Aba takot na takot ako nung una pero ang sabi nama'y wag mag aalala at hala bukas malalaman kong bakit. May pipirmahan ka daw eh. Wala ka naman sigurong ginawang kalukuhan ha? " at muli ay pumuwesto ang aking inang humiga sa bangkong pinagdikit. "Magpapahinga na ako, kung kakain ka ay kumain ka nalang." saka ipinikit ni mama ang kanyang mga mata. "Attorney? Bakit kaya? Ano kaya yun? Hayyyyyy! " nausal ko. Kinuha ko ang damit pambahay sa loob ng supot na dinala ni mama. Umuuwe si mama tuwing tanghali kapag ang kapatid ko ang pumapalit ng ilang oras bago magtrabaho dito sa public hospital. Ako naman ay dalawang trabaho ang kinuha ko sa pinapasukan ko. Napakaswerte ko kasi ang bait ni Sir Ralp sakin. Sa umaga ay housekeeping ako at sa pahapon naman ay nasa reception area ako. Malaki ang naitutulong nito sakin lalo't alam nila na kailangan ko ng pera. Hindi na ako kumain dahil may isang free meal naman na ginamit ko nung hapunan at may baon naman ako nung tanghalian. Nahiga ako sa paanang bahagi ng aking anak, pinipilit kong ibaluktot at ipagkasya sa espasyong natitira. Hindi ko na namalayang nakatulog na ko at malalim narin ang gabi. **** Kasalukuyan akong nakatingin sa aking cellphone. Hinihintay kong mag alas otso para sa office hour at upang matawagan ko ang direct land-line ng office ni Timothy. Katatapos lang mag ikot ng doctor at isa parin ito sa gumugulo ng isip ko. Nabanggit nitong ililipat kami sa ibang hospital at kailangan naming maghanda. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang ang isang lalaki na maayos ang kasuotan at may katandaan. "Magandang umaga po. Attorney George Reyes po. Kayo po si Miss Henry Rivera? " tanung matanda. "Opo. Ako nga po. Ano pong kailangan nila? " may pagtatakang tanung ko. Ito na yata ang sinasabi ng nama kagabi. "Mabuti naman po at naabutan ko po kayo. Can we talk some other place privately? I would like to discuss you something that makes you and your child live easier. " panimula nito. Kinakabahan ako pero agad akong pumayag. Nasa isang cafeteria kami ngayon malapit sa hospital. Nakapuwesto kami sa dulong bahagi kung saan malayo sa ibang customer. "I need your sign in this documents here Miss Revira. This is the account that can help you and your child financially. Confidential po ang usapan natin Miss. Walang dapat makaalam regarding sa pag uusapan natin. Ikaw lang at ako. " seryuso nitong pahayag at ako naman ay matiim na nakikinig. "Tanging pakiusap lang po ng taong tumutulong sa inyo ay......" bahagya nya pang pinutol "What? " tanung ko naghihintay parin sa susunod niyang sasabihin. "Miss Rivera, ang lolo ng bata ang tumutulong sa inyo ngayon. Dahil ito sa pakiusap ng kanyang anak. Mananatiling lihim ang pagtulong sa inyo ng ama ng bata sa pangalan ng kanyang ama. " Hindi ko alam kung aming nararamdaman ko ngayon. Masaya ba ako o bakit parang hindi ganun kabuo. "Pa-paano po? Paano po nila nalaman? " salitang agad na lumabas sa aking bibig matapos kong matigilan sa pagkarinig ng huli niyang sinabi. "What you think is true Miss Revira. Ililipat ang anak mo sa isang hospital na maaasikaso sya. Anonymous ang magiging sponsor nyo at walang pwedeng makaalam na may anak sayo si Mr. Timothy. Yan ang mahigpit na ipinabibilin sayo. This is for your safety at para sa bata. At kapag gumaling ang bata.... Aalis kayo ng bansa kasama ang pamilya mo. Maglalaan sayo ng malaking halaga ang ama niya para sa panibagong buhay nyo. Miss Rivera naiintindihan nyo po ba ako? " Napatango na lamang ako.... "Ngayon ililipat ang anak nyo sa Heart Center. Maooperahan narin ito. Bukas pupunta ako roon upang iabot sayo ang dalawang account na iingatan mo. Miss Revira inaasahan ko na susunod ka sa kasunduan. " Tuluyan ng umalis si Attorney matapos nitong magpaalam. Samantalang ako ay naiwan sa aking kinauupuan. Alam ni Timothy na may anak kami..... Alam nya ang kalagayan ngayon ng anak namin..... Tumutulong sya samin.....ohhhh Ama salamat po...... Pero bakit hindi puwedeng malaman ng kahit na sino na sya ay tumutulong? Kailan pa niya nalaman? At bakit hindi man lang sya sumisilip sa anak namin? Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at bumalik sa hospital. Agad akong tumulong sa nama ko pagliligpit dahil kasalukuyan na palang inaasikaso ang aparato upang makalipat kami ng ibang hospital. Bagamat ako ay nalilito at gulat parin ay masaya akong madudugtungan na ang buhay ng aking anak. *** Nasa private room na kami ng heart center. Naka Vip room kami at may aircon pa. May sariling refrigerator at TV at higit sa lahat may coach din ito at may isang bed at may private CR. "Anak!? Wala tayong pambayad dito..... Bakit ka pumayag!?" si mama na nag aalala. Kailangan kong magsinungaling ngayon kay mama..... Dito naman kasi ako expert. "May sponsor tayo mama sa pagpapagamot kay Anja. Ang mahalaga po ngayon ay matututukan na po ang anak ko na at gagaling na po sya." "Wowww anak , dininig ng Diyos ang panalangin natin. Salamat naman. Makakahinga na ko ng maayos ngayon. " **** Timothy's POV I feel good today. Kailangan ko ulit pumunta kay daddy ngayon. And after kay Don Franko. I saw my sweetheart sleeping like an angel.... Ang ganda niyang di nakakasawa.... Everytime I look at here nakikita kong hindi niya deserve masaktan... She is my lucky charm..... She is my everything..... And she is my life at mawawalan ako ng buhay kapag mawawala siya sa akin. I kiss here in her forehead down to her cute nose. Sa pisngi niyang napakalambot at amoy marshmallow.... Dinampian ko siya ng halik sa kanyang mapupulang labi... Dito na siya napamulat. "Good morning swetie..... Ako ang maghahatid sayo sa hotel. And im going to fetch you too after work. " nakangiti kong bati sa kanya at kinuha ang munting morning star sa kanyang mata. "Ayeeeehhhhh ang sweettt naman ng Tim ko....." ang bati niya sakin at hinalikan ako sa aking labi. "Good morning Tim..... Thank you for waking me up. Maligo ka na at sasaglit ako sa kusina, magluluto ako ng breakfast natin. " lambing niya... Hindi pa sana ako susunod pero alas siete narin ng umaga at baka abutan kami ng traffic sa daan. Agad niyang isinuot ang roba at tinungo ang pintuan at isinara. Ako naman ay nasa CR na at naliligo. Jewel's POV "Good morning kuya , goodmorning Manang Fe....." Sabay silang bumati din sakin. Si kuya at agad akong pinagtimpla ng hot chocolate ko with milk. "I cooked already hija. Kumain narin si Rex. Tawagin mo na lamang ang asawa mo at kumain na kayo. " "OK po manang. Ayyyy kuya, sino yang katext mo? " "Hmmmm nothing. " " Hmmmm nothing daw.... Siguro yan yung lumapit sayo kagabi noh, yung maingay. Akina na nga yang phone" Agad kong kinuha ang phone ni kuya Rex na hindi naman kumibo. Nakita ko nga yung bruhang babae na nagsend ng selfie nila ng kuya ko. Nakaramdam ako ng inis. Ang Landi..... Kababaeng tao eh ganun umasta. I sip my chocolate and boom paso ang dila at labi ko.... " Ouch! Kuya ang init! " sigaw ko " Mainit naman talaga yang iniinom mo. Magdahan dahan ka kasi! " si kuya na nag aalala pero ang taas ng boses. "Hindi naman yung kape ko ang mainit, yang babae mo nagsend ng naked body bosetttt!!!!! " sabay tayo ko at pumasok sa kwarto. Mainit talaga ang kape pero mas mainit yung impakta. Kakahiya . Kababaeng tao. Baliw..... Agad kong hinubad ang roba ko at lingerie at pinasok ko ang aking asawa sa banyo. Kasalukuyan na itong nagbabanlaw ng katawan. "sweetie.... Tapos ka ng magluto? " ang asawa kong nakatalikod sakin. "Nakapagluto na si manang Fe, sabayan nalang kita ng ligo... " malambing kong sagot sabay harap naman nito sakin. Sanay na akong hubad lage sa harapan ng asawa ko. Ganun din sya sa akin. "Oh napanu nguso mo at namumula? " na agad niyang dinampian ng halik "Napaso...... Ang init ng kapeng tinimpla ni kuya EH.... Tim..... Yung inakay mo buhay nanaman..... Nanunundot ng puson ko ay..... Tapos ka na atang maligo, lakad na..." nakanguso Kong sabot.... "ang hot kasi ng asawa ko..... Ayyyy tskkk! Sa susunod mag ingat ka ha. " at hinahalikhalikan na naman niya ako. "Pwede ba ulit sweetie.... Hmmmm.? " na humahalik nanaman ngayon sa leeg ko. "Labas...... May trabaho pa tayo.... " I push him away from me. "ohh tuwalya mo go, ready mo nalang susuutin ko..." at agad kong nilock ang pinto. Agad akong naligo at tinapos ito. Naaalala ko nanaman ang kuya ko na nakitaan ko ng ngiti sa labi kanina nung kachat nya yung girl. Nakakainis. Ayaw ko sa girl na yun. Kailangan may mahanap akong ipapalit dun. Lumabas na ko ng banyo at nakita kong nakasuot na ng long sleeve ang asawa ko at ikinakabit ang kanyang necktie. Agad ko siyang tinulungan. "I'll be in your grandfather's office today sweetie... So while your in office, behave ka ha and I don't want you to talk long in that man. " kunot noo niyang sabi. "Si Roy..... Don't worry, his nothing. Kahit anung gawin nya asawa mo na ako. " natatawa kong tugon. "I'm serious. Walang nakakatawa sweetie. I really hate that guy, wala akong tiwala sa kung na yun. " "Yeaaaahhhh!!!! Where is my dress? Oh their... " na pagkalingon ko sa kama at nakaready na mula sa underwear ko to the top. "Thank you. " Simpleng high quality ng vintage women dress na skin tone hanggang sakong ang haba na may slit sa kaliwang hita. At ang tabas nito sa kanyang balikat ay nakakaingganyong tingnan dahil sa malakorean fashion ang dating. Kurbang kurba ang dating na hapit sa katawan ang mula dibdib hanggang balakang. "Let's date after. I fetch you at 4:30 sweetie....." "Sure..... " at agad akong nagbihis. Maladyosa nanaman ang aking kagandahan ngayon. The best talaga pumili ng damit ang asawa ko. Tulad ng dati, kunting lapat lang ng make up ang inilagay ko sa aking mukha. At tulad parin ng dati, ang asawa ko ay walang sawang pinaghahalikan ako. Pagkatapos lumambing ay kumain muna kami ng agahan at agad din kaming umalis. Nakasunod lamang ang kotse ni kuya sa amin. Sinalubong kami ni Uncle Ralp at agad din namang nagpaalam si Timothy sakin.Hindi na niya ako inihatid sa loob. Si kuya Rex at Uncle Ralp ay kasabay ko ng naglalakad patungo sa VIP elevator. Binati naman kami ng mga tauhan ng hotel at kasalukuyang may media sa loob ng hotel sa may lobby dahil sa isang Ambassador ngayon ang paparating mula sa bansang China at dito sila mag che-check in. Si Roy naman ang kasalukuyang umiintindi nito. Hindi rin niya namalayan ang aming pag dating kaya maaliwalas naming narating ang aking opisina. Agad kong sinimulan ang pagreview sa lahat ng account na ibinigay sakin ni Uncle Ralp at saka niya ako iniwan upang asikasuhin ang iba pang gagawin. Nangangawit na ang aking leeg sa mga binabasa kong proposal at mga records of financing. I saw kuya Rex smiling again on his phone. Nakaramdam nanaman ako ng inis. Then he saw me looking at him. Kakainis. "Why? " ako pa talaga ang kanyang tinatanong kung bakit. Nakakaluko! Siguro yung babae nanaman na yun! "Tsk! Baliw ka kuya.... Tsk tsk! I told you stop chatting with that chip! " inis kong sagot. "Why? " muli niyang tanung na nakangiti. "Dahil Hindi nakakatuwa! " muli kong sagot. "Why? " muli nanaman niyang tunung. "Stop chatting with that girl! " sigaw ko. Nakakaaduwa na ang paulit ulit niyang why. Tinaasan ko na siya ng kilay at sumandal naman ako sa swivel chair na inuupuan ko. Nilakihan ko narin siya ng mata upang malaman niyang naiinis ako. Rex's POV Nanunuod ako ng funniest vedio sa aking phone ng naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Nakaupo ako sa coach paharap sa kanya. Honestly kanina pa ako nababagot dito. Gusto kong kulitin ang babaeng nasa harapan ko kaya lang ay busy ito sa mga documents. Kaya naisipan kong manood nalang sa YouTube. Sabay message sakin ng secretary ni Don Franco. Kitang kita ko ang kanyang inis kapag sinasagot ko ang kanyang sinasabi ng tanong. Agad kong inilapag ang aking phone sa table pagkatapos kong sagutin sang message ni Don Franco at tumayo papunta sa kanya . Nang nasa kanyang tabi na ako ay ipinihit ko ang swivel chair niya paharap sa akin. Itinungkod ko ang aking mga kamay sa dalawang hand chair. Naaamoy ko ang bango ng kanyang pabango.....naririnig ko ang pintig ng kanyang puso..... ang ganda ng kanyang mga mata..... ang kutis niyang napakakinis bagamat may maliliit na balahibong nagpapaganda nito.... at ang mamula mula niyang pisngi na di man lang nilalapatan ng blush on. Higit sa lahat ay ang kanyang labi na hugis puso at natural ang pagkapouty nito. Natatakam akong hagkan ito..... ngunit hindi pa ngayon mahal ko.... "Para yun lang nagagalit ka na Princess...." malambing kong tugon "Hindi ako galit. Naiinis ako sa kachat mo kasi she is not deserving sa tulad mo. Ang laswa nya...." sagot pa niyang nakasimangot. Naamoy ko muli ang kanyang mabangong hininga. "Trust me.... And I'm just a man. " sabay halik ko sa kanyang pisnge at ginulo ang kanyang buhok na nakalugay. Paraan ko upang maalis ang aking malaswang iniisip sa kanya. "How could I trust you eh ngingiti ngiti ka diyan! Nakakainis kaya! " dagdag pa nito. "Your my princess..... Your my only one. Don't be jealous." sabay halik ko muli sa kabila niyang pisnge.... sa ilong.... sa nuo. Tumalikod na ako pabalik sa table kung saan ko iniwan ang phone ko nang makita ko siyang nagblush. Nakakaramdam ang puso ko ngayon ng saya sa pinapakita nya. "By the way.... Alis muna ako princess. Kim will be here. Be nice to him. " See you tomorrow. " Bago pa siya nagsalita ay may kumatok na at iniluwa nito si Agent Kim. Ako naman ay agad lumabas at sinadya ko talagang di sabihin kung saan ako pupunta. *** " What the!? Hey kuya Kim, do you know where he go? " si Jewel na namumula parin. Agad na nakarinig si Kim sa kanyang spy airpiece . Boses ito ni Rex na inutusan siya kung ano ang isasagot. " Ahhh Ohhh, Di po ba nagpaalam sa inyo Miss.....? Naku pohhhh, hayaan nyo na po at binata naman si Rex.... Babalik din naman sya bukas. Panigurado pagod yun..... " pang aasar nito hindi lng para kay Miss Jewel kundi pari rin sa kabilang linya na napapamura na. Nakita ni Kim na sumalubong ang maamo nitong mga kilay. Gandang ganda parin ito sa amo niyang babae. Sa palagay niya ay nagseselos ang dalaga dahil ito rin ang unang pagkakataon na nagentertain si Rex ng babae. Makulit lang talaga kasi ang babaeng humingi ng number nito. It was 12 noon. The doors opened. Iniluwa nito si Roy na may dalang bouquet of tulips. "No ones told me that you already here Jewel my love...." si Roy na agad na lumapit kay Jewel at iniabot ang bulaklak at dumampi ng halik sa pisngi. "I ask dad many times kung nandito kana but instead of sagutin ako ang daming pinagawa. And thanks God he asked me to pick you here. Nagpaset up ng lunch si daddy sa dining. Can we go. " ang lapad ng kanyang ngiti ngayon. "Sure gutom narin ako..... . And thanks nga pala! you did a great job Roy. Salamat sa lahat." simple sagot sa kanya ni Jewel. Kumawit na ang braso ni Jewel sa kanyang makisig na bisig na ikinatuwa naman niya. Ang kanyang puso ay malakas na kumakabog. "Let's go kuya Kim." pag-aya niya sa kanyang sub personal guard. Sabay nilang tinahak ang dining table. Nagulat siyang naroon din ang Ambassador at ang iba pang opisyales. Magiliw na binati ni Jewel ang mga ito. Ang usapin sa dining na inaakala niyang boring ay napalitan ng tawanan. Humahanga siya sa personalidad ng Ambassador. Magaling itong magsalita ng english at marunong makisama. Nakakaya nitong iwan ang problema sa isang tabi at makipagbiruan. Pagkatapos kumain ay nagkaroon ng pictorial sa kahilingan rin ng Ambassador. Si Roy naman ay hindi nawala sa tabi ni Jewel sa bawat pictorial. Napagkamalan ngang siya boyfriend ni Jewel sa huli, ngunit si Mr. Ralp narin ang tumama nito na kinainis naman ni Roy. Ginamit ni Jewel ang pagkakataong upang umikot sa bawat departamento. Magiliw nilang inasikaso without knowing na siya ang owner ng hotel. Nakipag biruan rin siya sa mga staff na akala mo ay guest lamang siya. Well trained ang mga staff kaya nasisiguro niyang magiging masaya ang pagtatrabaho niya rito soon. Nakaisip din siya ng mga gagawin kinabukasan. Malapit na ang party at gusto niyang siya mismo ang mamimili at magbabalot ng mga relago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD