THE TENSE

3151 Words
CHAPTER 14 "Ohhh Dad, it's a small thing. Nagulat lang si Miss Revira dahil nakita nya ang gwapong si Roy. You know.... " wika ng binatang si Roy na kinindatan pa ang ama. Mababakas naman sa mukha ni Rex ang pagka asar dito. Napapailing naman ang ama nitong si Mr. Ralp. "Hey son. Mahiya ka nga kay Miss. Jewel at kay Rex, but by the way Miss Jewel lets go to your office, nakakahiya naman sayo na we're been stuck here...." si Mr. Ralp na easy lang. " Are you sure Uncle baka po may lakad kayo? " aniya ko na napatingin ako sa folder niyang hawak. "Dont worry about it, Roy can handle." na napatingin sa anak na mapapansin hindi nagustuhan ng binata ang ideya ng ama. Gusto niyang makasama ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit na ba kapapakasal pa lamang nito. EH anu naman para sa kanya gayung nalaman niyang kailan lang din pala nagkakilala ang mga ito at may panahon pa siya para paibigin ang babae. May annulment naman. May sariling negosyo si Rex at iniwan niya dahil sa kagustuhang makalapit sa babae. Nagpapatakbo ito ng isang Technoshop ng mga high class sports car. Kung tutuusin ay hindi na kailangang magtrabaho pa ng kanyang ama sa pamilya Cannor, pero di maiwan ng dad nito ang salitang utang na loob nila kung anu ang meron sa kanila ngayon, at hanggang sa kaapo apohan ay gusto nitong pagsilbihan ang pamilya. "Here are the folders hijo, discuss this to the staff in dining department including the FO staff. Saka mo kausapin ang head ng maintenance. Kailangan ay maisagawa ng maayos yan dahil nararamdaman kong makakasama natin that night ang owner ng company na ito.... Pakiexplain narin sa head nila na submit the final presentation to the HR. Okay..... We are going upstairs na. " Hindi naman kailangan ng mga ito na sila mismo ang humarap sa employees pero isa ito sa nagpapatibay ng magandang samahan nila sa loob ng departamento, ang pagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa directly. Hindi na nakaangal si Roy sa sinabi ng ama at napakamot nalamang ito ng kanyang ulo. Pero dahil sa this is the first time niya na makipagcelebrate sa mga ito, bigla rin siyang naexcite sa salitang makakasama niya that night si Jewel. Wala siyang pakialam sa asawa nito. Sumakay na sila sa VIP elevator at agad na tinahak ang opisina na talagang kay Jewel nakalaan. Kapag pumupunta siya ay dito na mismo sila nag uusap. Pasado alas kwatro na ng hapon. "I am going to drop by here tomorrow uncle to check the planning events for the foundation and some transaction of the company too. Regarding po dun sa sinabi nyo kay kuya Rex this morning, my Husband and I will discuss it tonight but I am willing or let say I love to be here for that date. " naeexcite kong balita sa Uncle ko. "Speaking of your husband, where is he? " "He will be here maya maya lang po. Dito nya po ako susunduin. He is little bit busy sa pinapagawa ng lolo. I don't know what it is." agarang sagot ko. " Sana makarating ka at ang asawa mo hija... At ng maipakilala kana namin sa mga tauhan....oras na siguro to honored you hija..... I am sure na ang lahat ay matutuwa. And you gonna enjoyed the presence of Xmas party here hija personally kasi kasama ang family nila kapag naattend. Alam mo bang tuwang tuwa ang mga bata sa mga regalong ipinamimigay mo.... Kaya kung ako sayo join us na. Kilala kita na mahilig ka magpasaya ng mga katulad nila secretly pero time na para makilala ka nila at mapasalamatan..... And one more , kailan mo hahawakan ang company mo hija? Roy is just a sub. Alam mo naman na nahihibang lang siya sa iyo ngayon kaya nandito sya. Pagpasensyahan mo na ha, I know naman na nandyan si Rex upang di tuluyang makadikit sayo ang anak kong may pagkaisip bata minsan. Di ko mapagsabihan. He also have a company too. Kaya nararamdaman kong di rin siya tatagal dito. " mahabang pahayag nito. "Honestly Uncle parang gusto ko pong paglaanan ng pansin ang magbubukas kong LifemedCorp this coming year... Kaya umaasa po akong maitrain nyo po muna si Roy to be your sub, but if in case na ganun po, you don't have to worry po. Dahil under construction palang naman po ang warehouse, kahit the documents are already done for the operation, mag oopisina po muna ako in a short time para maeriview ang mga transaction here..." "Naku matutuwa ako hija kung kahit short time yang sinasabi mo makastay ka naman dito. Baka sakaling maibigan mo ng magstay.....mas magugustuhan ko yun. " naliwanagan naman ang mukha ng matanda. **** Agad niyang nakausap ang Doctor. Naging maayos ang daloy ng pag uusap nila. Ililipat ang anak ni Timothy sa Heart Center ng Quezon Hospital. Aaralin muna ng doctor ang record ng bata at kalagayan nito bago nito isasalang sa operasyon. Nakapag usap narin sila na magiging anonymous ang katauhan ni Timothy sa lahat ng transaction. Alaskwatro emedya na ng matapos ang kanilang pag uusap. Naeexcite na siyang pumunta sa EMJH kung nasaan ang asawa. Agad siyang nagbyahe papunta rito. Alas singko na ng siya ay makarating dahil sa nagexpress way na ito. Pinili niyang hintayin ang kanyang asawa sa lobby at nakapagtext naman siyang nasa ibaba na ito. Gumagaan ang pakiramdam niya ng mga oras na yun dahil umaayon sa kanya ang mga plano niya. Habang siya ay naka upo sa isang couch may bigla na lamang nahagip ang kanyang mga mata. Hindi siya nagkakamali sa kanyang nakikita ngayon. Timothy's POV "F*ck, what the hell is his doing here? " naibulong ng utak ko. May hawak itong bouquet ng puting tulips na kakadeliver lamang. Hindi na sana niya ito papansinin ngunit may kung anung magnet na sinusundan ng kanyang mata ang lalaki kung saan pupunta. At nakita niyang sasalubungin ang kanyang asawa na kalalabas lamang ng elevator. Naging mabagal ang mga oras na yun sa kanya..... He saw her wife very attractive sa lahat ng anggulo wearing the dress he brought to her. Para tuloy siyang nagsisisi na nabilhan niya ng tulad ng damit na ito ang kanyang asawa. Nakakatigil ng oras ang bawat hakbang ng asawa niya lalo na at sumasabay sa indayog ng kanyang katawan ang damit. Nanggigigil ang kanyang mga ngipin na makitang sa asawa niya nga ito iniabot. Napansin din niyang nakuha ng lahat ng kanyang asawa ang pansin ng mga tao dito sa lobby. Hindi rin nakaligtas ang biglang paghila ni Rex sa beywang ng kanyang asawa padikit dito dahil sa tangkang paghalik ni Roy sa pisnge ng kanyang asawa. *** Pababa na ang elevator na sinasakyan nila Jewel. Ihahatid sila ni Mr. Ralp sa ibaba dahil sa nabanggit nitong nariyan na si Timothy. Pagbukas ng elevator ay nagulat si Jewel na sasalubungin sila ni Roy nang masarap ang pagkakangiti. Sabay abot dito ng bulaklak. "This is for you Ms. Jewel. It's a welcome greeting. " at akma na nanamang hahalikan sa pisnge. Agad na hinila ito ni Rex sa braso, at upang di matumba, ay maagap na naalalayan nito ang babae sa pagkahawak ng kaniyang beywang. Napapailing naman ang ama ni Roy sa may likuran ng babae. "Ohhhh thank you Roy. Your such a ----" na naputol dahil biglang lumitaw ang bulto ng may madilim na mukha ng kanyang asawa. Napansin niyang matalas ang kanyang paningin sa dalawang lalaking katabi at kaharap niya. Agad na kumawala sa pagkakahawak sa beywang si Rex at umaktong walang nangyari na umatras ng bahagya. Si Roy naman na sumama ang tingin kay Rex ay naputol at umiwas ng tingin ng dumating si Timothy saka inilagay ang kamay sa loob ng bulsa sabay salubong ng kanyang makakapal na kilay. Bumuwelo ito sa kanyang kinatatayuan at agad na siniil niya ng halik sa labi ang kanyang asawa ng matagal. Nagulat naman si Jewel sa ginawa ni Timothy. Ngunit nagustuhan niya ang mga labi nito dahil kung tutuusin ay kanina pa niya namimiss ang asawa. Ang mga kaganapan sa lobby ay nasasaksihan ng mga staff roon at kahit ng mga guest. Hindi man sa nakikiusyuso..... Talagang agaw pansin na ang kanilang kinaroroonan. Tatlong matatangkad na lalaki ba naman na ang gwa-gwapuhan ay nakapalibot sa napakagandang dilag. Waring na out of place na ang matanda. Third person....... "Ang haba ng hair sis.....shit! ang ganda kasi eh.... ang gwapo ni sir Roy at mas yummy yung si pogeh... kung ako sa katayuan nya mahihimatay ako.....!" pasimpleng bulong ng isang receptionist. "s**t! s**t! s**t! Yung gwapo kanina bebe sa coach tingnan mo papalapit doon!!!!" wika naman ng isang receptionist. "Ang lupit! " agad na tugon niya. "Shssssssh ang boses nyo marinig kayo! wag kayong pahalata.....Nandun si Sir!! " ang may kabaklaang kasama nila ngunit presentabli naman ang hitsura. "WOW ang sarap ng halik! Boom sinu ba yun!? ako naman!!!! " sabi ng unang nagsalita **** Agad na nakita ni Jenly si Timothy ng mga oras na pumasok ito sa Hotel nayun at pasimple itong nagtago gayung alam niyang hindi naman ito pupunta sa gawi nila. "Bakit nandito sila....? " si Jenly na mas lalo pa ngayon dumuble ang kabang nararamdaman. Kanina ng makita niya si Miss Jewel Cannor Green ay halos nawalan na siya ng hininga. Lalo pa ngayong dumating ang lalaking mahal niya.... Ang ama ng anak niya.... Nangangatog ang kanyang mga tuhod. Nakita niya si Timothy sa di kalayuan na madilim ang mukhang nakatitig sa gawi kung saan naman niya nakitang naroon ang asawa nito kasama ang dalawang guwapo na kanina pa pinagkakaguluhan ng kanyang mga kasama. Lima sila sa loob ng reception area. May kaniya kaniyang task sa bawat isa. Tatlong babae, isang lalaki at isang kalahating babae at lalaki ang puso. Napansin niyang ang lalaking kasama niya ay titig na titig sa asawa ni Timothy . Di niya masisisi ang lahat dahil napakaganda talaga ng babae na hindi niya mapapantayan. Ngunit naniniwala siyang kay Timothy ay may pag asa pa siya na agad naman niyang iniwaksi sa isipan. Mali.... Nakita niyang tumayo si Timothy at masamang tumingin sa dalawa. Kitang kita niyang hinalikan ni Timothy ang asawa nito at di niya namalayang lumuha ang kanyang mga mata at agad siyang tumalikod sabay inabala ang sarili sa mga dokumento na hindi naman malaman kung anung ginagawa ng kanyang mga kamay. Naririnig na lamang niya ang mga sinasabi ng kanyang kasamahan na sila sila lang din naman ang nakakarinig. "Tang s**t bebe! Nakakawet! Nawewendang pekpek ko. hehe " "Akala ko kanina magnobyo ang dalawa nung dumating sila.... Tapos umixtra si sir.... tapos may humalik naman.....? Kaluka!!!! Wowwww!!!! defeated ang dalawa.... Pwede bang akin nalang sila? " ang baklang pumapadyak ang isang paa. **** " I miss you.... " si Timothy ng makabawe sa pagkakahalik sa asawa at hinawakan sa beywang upang selyuhan. Pakiramdam niya ay nakabawe ito sa galit na naramdaman niya kanina. At sa palagay niya ay naipahayag niya ang mensahe sa dalawang lalaking ito na pag aari niya ang pinagpapantasyahan nila. "Nice meeting you again Mr. Ralp. " ng lumingon sa gawi ng matanda at nakipagkamay. "Hijo I am glad your here. Sa tingin ko'y pagod na si Miss Jewel at kailangan mo ng iuwe. Hala segi, di ko kayo tinataboy pero Hijo kailangan mo ng paspasan at gumawa na kayo ng mga angel. " si Mr. Ralp na nagugustuhan na niya Napangiti ng malapad si Timothy habang si Jewel naman ay namula. "Dad! " si Roy na sya mismo ang umangal sa sinabi ng ama ngunit hindi ito pinansin ng matanda at ikinasingkit naman ng mata ni Timothy. "Mauuna na po kami Uncle ." si Jewel na nagpaalam na sa matanda. Humalik ito sa pisnge ng matanda at nagpaalam narin ito kay Roy. Hahalik narin siya sa pisnge ng binata ngunit talagang maluko ang binata upang baguhin ang direksiyon ng kanyang mukha at muntik na niyang mahalikan ang binata sa labi. Nagtiim bagang naman ang dalawang lalaking nakasaksi at ang ama ni Roy ay agad na pinagtabuyan na ang mga ito palabas. *** Sumakay si Rex sa sasakyang dala nila kanina at si Jewel naman ngayon ay nasa piling ng kanyang asawa. Napasuntok si Rex sa manubela. At agad naisip ang sinabi ng kanyang ina. Flashback..... "Do you still love my daughter Rex? Si Mrs. Jenny na seryosong nagtatanong. Kinakausap niya ako ng nakatitig sa aking mata. "Answer me.... " dagdag pa nito ng hindi pa ako makasagot. "Yes. I really love here so much from the start. Pero alam ko pong hanggang dun nalang po yun Maam. " si Rex na tapat sa kanyang sinagot. "Then.... continue to love her Rex. Try to fall her to you..... Wag mong iiwan ang anak ko. Once of this day ipapatawag ka ni daddy to discuss you something. " Iniwan ako ni Maam Jenny na may malaking katanungan sa aking isipan. Bakit kung kelan sinusubukan ko ng tanggapin ang lahat..... ay...... binibigyan naman ako ng sakit sa ulo ngayon... Ano bang nangyayari ngayon.... Present....... "Damn!!!! " sigaw ko sa loob ng kotse. Ng biglang may sumingit na maliit na boses sa earpiece na suot niya. Si Agent Kim. "Kalma lang part!!!! Isa pa , congrats may pag-asa ka na! " narinig pa niya ang ang buntong hininga ng lalaki "Its make me confuse part. f**k! " may galit ang kanyang boses. Kailangan niyang humanap ng paraan upang malaman kung anu ang nangyayari at ang kasagutan. Hindi niya gusto ito. Oo at parang umaayon ito sa kagustuhan niyang mapasakanya ang pag ibig ni Jewel, ngunit mali ito lalo na at nakikita niyang mahal na nito si Timothy. Naiinis siya na bakit parang ginagawang laro ng pamilya ang damdamin ng babaeng minamahal niya. Tahimik ang kabilang linya. Naghihintay siyang umaandar ang kotse ng nasa unahan,... sila Timothy. *** Pinagbuksan ng pintuan ng kotse ni Timothy ang asawa at inalalayan itong makapasok sa loob. Napansin naman ni Jewel na tahimik ang kanyang Timothy at siya na mismo ang bumasag ng katahimikan dahil hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan at malayo ang tingin. "Inakay...... Are you mad? " si Jewel pinalambing pa ang boses. Sa sinabing iyon ng asawa ay nabuhay ang kanyang p*********i. Bakit ba sa tuwing binibigkas niya ang inakay ay maraming bultahe ng kuryente ang kanyang nararamdaman. Ikinalma niya ang sarili. "I hate seeing you kissing with that man.... no, not just him.... kahit na kanino." At humarap ito kay Jewel. Hinawakan niya ang mukha nito at ang hinlalaki niyang kamay ay ipinupunas sa labi ng asawa. "hmmmm nagseselos ang asawa ko? " nangingiti nitong sabi. "Yes I am. Akin lang ito sweetie...... " at hinalikan niya ito mariin. Napapaungol si Jewel sa ginagawa ng asawa. At ng matapos ay hinalikan niya ito sa noo. "Did I already say that, lalo kang gumaganda ng gumaganda sa paningin ko..... Gusto ko sweetie ako lang ang kasama mo kapag suot mo ang mga damit na binili natin.... Kakainis eh ang daming sumasamantala kapag wala ako sa tabi mo..... " Natawa si Jewel sa tinuran ng kanyang Timothy. "Let's go na Tim.... Gagabihin tayo, pero daan muna tayo sa Black Bird ng Makati. Date me..... "paglalambing ng asawa. Ikinabit na agad ni Timothy ang seatbelt ng asawa at pinaandar ang kotse. He drop by sa flower shop at bumili ng yellow roses para kay Jewel na naiwan sa kotse. Naiinis siya sa tulips na ibinigay ni Roy sa asawa kanina kaya naman ng may madaanan silang trash can ay itinapon niya ito at sinabing bibilhan nalang niya ito ng bago. Natuwa naman si Jewel sa ipinalit ng asawa bagamat nanghinayang sa itinapon nito. *** Pagkatapos ipark ang sasakyan ay agad silang pumasok sa Blackbird restaurant. One of the famous classy restaurant in Makati. Ihinatid silang mag asawa ng receptionist sa good for two na set up table. Habang binabagtas nila ang hallway ay nakaagaw ng pansin si Timothy sa kumpulan ng grupo ng kababaihang kumakain. Agad humigpit ang hawak ni Jewel sa braso ng asawa. At ng makarating... Hindi pa man nakakaupo ay may biglang tumawag kay Jewel na ikinagulat naman ni Timothy. Mababakas nanaman sa mukha ng lalaki ang pagkainis. Naisip niya ngayon ang get up ng asawa noon na manang style at waring mas gugustuhin niya ang asawa na lumabas sa ganung get up. "Miss Jewel..... Ohhhh come'on.... Long time no see..... How are you???? " si Benjie ang co-player ni Adam nung college na isa sa mga tumulong mag campainge. Agad itong nagbeso sa kanyang asawa. "I'm good..... How about you? It's been 5 or 6 years? Oh by the way, Tim, this is Mr. Benjie Smit my old friend in college..... And Benjie this is-" na naputol "your boyfriend? " si Benjie na nilahad ang kamay sa lalaki. "No. " agad na sagot ni Timothy at inabot ang kamay upang makipagkamay. "Wow, thank you I can breath now! Goddammit! So your a friend? " lakas loob nitong sabi dahil sa kapreskuhan ng ugali. Natatawang pilit si Jewel na sumagot. "He is my husband....One week ago lang kami ikinasal. " Agad na lumukob sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Napangiti naman si Timothy. Agad na nagpaalam si Benjie sa kanilang harapan. Pumasok naman ang limang grupo ng kalalakihan na ikinaingay ng grupong babae na kaninang kay Timothy humabol ng tingin at ngayon ay kina Rex na. Napabuntong hininga na lamang si Jewel. Nag order na sila ng makakain at masayang nagkwentuhan. Maayos silang nakatapos sa pagkain at nag aya ng umuwe si Jewel. Hindi siya natulog sa byahe at gusto niyang kausap ang asawa, kaya naiopen narin niya ang planong makijoin sa party na gaganapin sa kanyang negosyo. Aattend sila sa party. Ito ang napagkasunduan nila na ikinatuwa ni Jewel. Nagpaalam rin ito kinabukasan na babalik siya sa office upang asikasuhin ang iba pang mga bagay. Kaya naman kailangan niyang sabihan si Rex na huwag hayaang makalapit ang kumag na si Roy sa asawa .Mas may tiwala siya kay Rex kaysa sa lalaking yun. Pasado alas nuebe na sila ng gabi nakauwe. Pumasok na ng kwarto ang dalaga at naligo muna ito. Habang si Timothy ay nasa labas upang kausapin ang binata. Nasa may pool area silang nag uusap at nakatayo. Ang mga kamay ni Timothy ay nasa loob ng kanyang bulsa habang si Rex naman ay relax na nakatayo. "I hate to say this pero wag mo sanang hayaang makalapit ang anak ni Mr. Ralp sa asawa ko . Ikaw ang lagi nyang nakakasama kaya sayo ko ito ilalapit. Babayaran kita ng doble sa serbisyo mo." "Hindi mo na kailangang gawin yan Mr. Green. Kasama yan sa trabaho ko." maagap na sagot ni Rex. Nagpapalitan nanaman sila ng matatalas na tingin. "Mr. Cantos inaasahan ko ang sinasabi mo, pero sana alam mo rin ang limitasyon mo. " huling katagan na iniwan Timothy sa binata. Agad na pumasok si Timothy sa kwarto at naamoy niya ang halimuyak na bangong nagmumula sa banyo. Agad siyang naghubad ng damit at pumasok sa banyo... nakita niya ang asawang nagbababad sa jacuzi. Timothy really love spending time with her wife. And making love every night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD