CHAPTER 13
Timothy's POV
"Sir Timothy kumain po muna kayo bago kayo umalis ." pag aaya sakin ni Manang Fe.
Halos kakaunting oras lamang ang naitulog ko. Nagising ako ng alas singko at kailangan kong umalis ng maaga para asikasuhin ang lahat ng nabuong plano sa isip ko.
Hindi sa opisina ang deritso ko kundi sa aking ama.
"Hindi na po manang Fe, kailangan ko na pong umalis. " pagtanggi ko.
"Naku po sir malulungkot po ang asawa ninyo at siya po ang nagluto nito para sa inyo mismo.....hinintay po niya kayo kagabi. Sabi nya favorite nyo daw areh..... Kumain na po kayo at naiinit ko na rin po ito. Hindi magandang kape lamang ang laman ng inyong tiyan... "
Napalitan ng ngiti ang mukha kong problemado. Agad akong umupo sa dining table at sinimulan ko ng kumain. Marunong palang maluto ang asawa ko... Hindi ko namalayang napaparami na pala ako ng kain. Naalala kong hindi pala ako kumain ng tanghalian at hapunan kahapon.
"Sir Timothy... alam nyo po ba kahapon di mapakali ang asawa ninyo.... Ngayon ko lang nakita ang alagang kong yuon, na ganun kumilos at mag alala.... mawalang galang na saiyo anak ha, wag mo sanang mamasamain.... wag mo sanang sanayin ang pagsasama nyo sa ganun....hindi na kayo dalaga at binata. Kailangan alam ng bawat isa sa inyo ang bawat ikinikilos nyo.....ganun ang mag asawa. Ay oo nga pala umiiyak po sya kahapon ng inililibot nya ang tahanan nyo.....sa sobrang kagalakan. Salamat at dumating ka sa buhay nya.....pasensya na ha kung ako ay madaldal... " malumanay na pahayag ni Manang Fe.
"Punuin nyo ng pagmamahalan ang bahay na ito .... ng mga munting angel.... Ay sana lang buhay pa ako sa panahon na yun at matanda narin ako. Halahhh anak, ikaw rin ay magpasabi sa asawa mo kung makakauwe ka ng maaga at maiwasan ang pag aalala nya sa iyo at hindi rin siya napupuyat sa kakahintay sa iyo.... para makabuo agad kayo ng bata.... mahalaga iyon. " dito na ko napangiti ng sobrang lapad. Madaldal pala ang yaya ng asawa ko.
Ang alam ko matagal ng naninilbihan ang matandang ito sa pamilya ng Cannor kaya naman agad ko siyang ipinaalam na dito na sya dalhin after the wedding.
"Salamat po manang....pasabi nalang po sa asawa ko na susubukan ko pong umuwi ng maaga. Nag iwan naman ako ng note sa asawa ko. Hayaan nyo po at tatawag din ako. Late na po siguro sya magigising mamaya kaya kayo na po ang bahala. "
Agad ko ng tinapos ang kinakain ko. Napansin kong nasa labas si Rex. Hindi ko alam ang nararamdaman kong takot ngayon. Bakit parang nakakaramdam ako na ang lalaking ito ang magiging hadlang sa amin ng asawa ko.
Agad kong winaksi ang negatibong iyon sa isip ko dahil ako at ang nakaraan ko ang problema ngayon.
Agad akong sumakay sa aking kotse. Tinahak ko ngayon ang papuntang Manila.
***
"Sigurado ka ba hijo sa pinaplano mo? " si daddy na parang nagdadalawang isip sa gusto ko.
"Dad wala pong haharap sa kanya kundi ang tao nyo po lamang. Kailangan ko ang tulong ninyo. At kahit ako ay hindi rin maaring lumapit sa kanya. Maging sa anak ko. Dahil alam ko pong may sumusunod na sa akin kahapon pa."
"Totoo ba yan?" si daddy na dumuble ang pag aalala.
Hindi ako maaaring magkamali. Kahapon pa may sumusubaybay sa bawat kilos ko. Isang pagkakamali ko lamang ay mawawala na sakin ang pinakamamahal kong babae.
At ang anak ko.... hindi pa ito ang tamang panahon para kami ay magkita pero sinisiguro kong mabibigyan ko ito ng magandang kinabukasan.
Si Jewel at ang bata ang kailangan kong protektahan ngayon. Tuso ang matandang yun.
Magpapabukas ako ng dalawang account sa bangko. Sa pangalan ni Jenly at ito ay para sa pangangailangan ng anak ko mula sa pagpapagamot ng bata, at ang pangalawa ay sa pangalan ng bata para naman sa kanyang kinabukasan. Ang pera ay manggagaling mismo sa aking ama dahil kailangang kong mag ingat sa bawat kilos na gagawin ko. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano ko mailalayo ang mag ina sa sa pamilya ng asawa ko. Hindi pa oras para malaman ng asawa ko ito dahil tiyak na masasaktan ko siya.
"Dad pakiusap... kayo na po ang bahala. Nag aalala ako sa kalusugan ng bata at ito ngayon ang aasikasuhin ko. Pupunta ako ngayon sa isang kaibigan upang magpatulong maghanap ng mahusay specialist para sa anak ko. Umaasa po ako sa inyo tungkol dito.... Salamat po. "
"Sige na anak, hanggat kaya ko, tutulungan kita. Ngayon ko din mismo uutusan ang tao ko "
Agad narin akong umalis ng mansion. Tumagal ako sa Asian Hospital ng Alabang. Nakasalang sa isang operasyon ang Doctor na inireffer sakin ng kaibigan ko. Hindi ako pwedeng umalis ng hindi ko nakakausap ito. Kailangan kong makuha ang oo nito anu man ang mangyari.
****
Jewel's POV
Its ten o'clock in the morning. Wala na sa tabi ko si Timothy. But I saw a piece of paper on our table.
- to the one I love, sweetie I will be bit busy for this week, hope you understand.... Just always remember that I love you so much. - love Tim
I also received a text messages from him.
7:16am
-dont skip your meal sweetheart I love you-
8:48am
-i miss you-
Napangiti ako. Bumangon ako takip ang kumot sa aking katawan at pumunta sa banyo upang maligo. Masarap ang mga nag-uunahang malamig na tubig na nagmumula sa maliliit na butas ng shower faucet na bumabasa sa buo kong katawan. Namimiss ko na agad ang asawa ko. Tinapos ko na ang paliligo at nagbihis ako ng dilaw na bestida.
I saw kuya seating in wooden stool chair sa mini bar. His eating apple.
"Hi kuya goodmorning! "
"Hi. " tipid niyang sagot at tumayo upang kumuha ng tasa at ipinagtimpla niya ako ng chocolate with milk. He also prepare a scramble egg with bacon at slices of bread.
"Here. You can eat now. Hmm princess by the way Mr. Ralp Thompson called. He wanted to know at nagbabasakaling if you are willing to join on the 23rd founding of your EMJH with Christmas party as well."
"What do you think kuya? This is the first time na im going to attend that event. Sa tingin mo ? "
Ang EMJH ay nagsimula 5 months after ako isinilang. My birtdate is July 23, 2021, at ang company naman na pinatayo for me ng family ko na nag launch noong Dec. 23. 2021.
"Why not Princess.... are you going to manage that company too? "
"I like that...... I want to work narin kuya.... isa pa Timothy is busy with grandpa's company too. Wala naman akong gagawin dito sa bahay. But I would like to discuss this first to my Husband. After a month siguro. Next year.... But I want to attend narin. So kapag Im working na, you will be my assistant para naman kahit nakadikit ka sakin, di ka maboboring....." nakangiti kong pahayag kay kuya habang tinitingnan ko sya.
"At isa pa nasan na yung lucky girl na ipapakilala mo sakin? Until now wala ka parin pinakakilala,,,,, magtatampo na ko...." may hinanakit kong sabi ngunit nakita ko na mas lumungkot ang mata ng kuya ko
"Why? Something wrong? What happened? May mali ba akong nasabi? " pag aalala ko...
"I'm fine Princess..... There will be no more for us. She is fallen with someone..... I am happy for her. That's the meaning of love right? " ang tugon nya sa sinabi ko na hindi man lang tumitingin sakin...
"ohhhhh I am sorry to heard that.... But you don't have to worry.... Hindi ikaw ang nawalan kuya..... That girl.... kasi pinalampas nya ang isang tulad mo. Isa pa, you deserve someone i know that. May darating para sayo.... " at hinawakan ko ang kanyang kamay.
Ngumiti lamang ang kuya ko kahit nababakas dito ang lungkot ng kanyang mga mata.
"Nakahanap na nga pala si Mr. Arim ng assistant nya five days ago. Kaya wala ka na talagang pagkakaabalahan princess. " pag iiba nito ng topic.
"ohhhh I see..... Sayang naman, that fields is so interesting and I enjoyed my weeks working with them. I miss them already. Nga pala kuya, I want to go with my mom today? Gagabihin naman ng uwe si Tim so tara? Change lang ako ng damit. "
Agad akong umakyat at pumasok sa kwarto upang magchange outfit. I wear my sweet off shoulder fitted orange dress at sandals na orange too. This is one of my husband brought when where in Paris. Nakalugay lang rin ang bouncy curly hair ko. I put some powder in my face and liptint lamang sa aking labi. Inayos ko narin ang talukap ng aking mga mata and its perfect na so ready to go.
Nabanggit sakin ni Manang Fe na ang daming nakain ng asawa ko kanina bago umalis. Tuwang tuwa talaga ako na malaman yun kaya naman feel ko ang mag suot ng orange today dahil it means overwhelmed ako.
I saw kuya Rex waiting outside infront of the car door katabi ng driver seat. Napanganga siya nung makita nya ako at ngumiti ng malapad.
" Nakakatunaw naman ng ganda ng prinsesa ko...." si kuya Rex na tuwang tuwa na.
" I know..... Kaya nga love mo ako eh.... " panunukso ko na ikinatamik niya.
" yeahhhh " tanging sagot nya lamang
" I love you kuya. Ako nalang muna magmamahal sayo hanggang wala ka pang nakikita ha. Isa pa i love you naman talaga kasi your my best kuya ever!!!! " Saka ako pumasok sa loob ng car.
Agad niyang isinara ang pintuan at sumakay na. Wala narin ang apat na guard at may kanya kanya ng sasakyan. Sila yung nawawala nalang bigla.
I texted Timothy that where in our way going to moms company. He replied naman that we need to takecare and reminds me to text him if we arrive in my moms office. He always saying that he loves me that makes my heart bits faster.
While we're our way, me and my kuya sang.... Wala narin naman kaming pag uusapan kaya kumanta nalamang kami para hindi boring ang byahe. At hindi rin boring ang mga naka spy earpiece nila at libre ang concert. I really love this bonding.
Nakarating na kami ng Pasay kung nasaan ang company ng mommy. She never knew that where here. I ask here secretary secretly. I brought bunch of red roses for my mom. Sabay namin tinahak ang lobby at sinalubong kami ng secretary ni mommy.
"Good afternoon po Ms. Jewel . We are glad na nabisita po ninyo ang firm ng mommy nyo, Namiss kita... Congrats nga po pala. " si Mrs. Eds Guevara na if I'm not mistaken ay 30's years old na.
" Salamat Ms. Eds. Kelan ang christmas party nyo? "
"Naku Miss ngayon 20 po. Aattend po ba kayo Ms. Jewel? Ma'am yung regalo ko po ha... At sinanay nyo na po ako taon taon ehhh... ay Mrs. na nga pala....ayeeehhh sorry po.... naku.... marami pong matutuwa na makikilala na nila ang anak nila Maam Jenny.... At nga po pala malapit narin po matapos ang meeting ni Maam kaya you can wait on her office po.
Ma'am mag papadeliver na po ba ako ng kakainin nyo or sa labas po kayo kakain? "
Very accommodating ang secretary ng mommy. Iilan lang silang nakakaalam na anak ako ng mommy when Im working on her company. And true kasi lahat ng secretary nila mommy at daddy kasama sa binibilhan ko ng gift. Ganun din ang mga tauhan sa mansion. Kakatuwa kayang napapangiti sila sa gift ko.
While where walking in the hall way lahat ng mata ay nasa akin at kay kuya Rex na wearing a dark denim shirt at tattered skinny jeans na akala mo ay modelo at nakabalat ang shoes nito. Sa ganda din kasi ng katawan ng kuya ko laglag panty mo kapag nakita mo ito lalo na ang kutis nito ay moreno na lalaking lalaki. Honestly kung ikukumpara sa husband ko halos equal sila ni kuya Rex or sabihin na nating lamang lang ang asawa ko kasi sa dimple nitong nakakaluko at buhok niyang mala Jerico Rosales.
"Hmmmm perfect , Mag order ka nalang at sabay na tayo mag lunch para masaya naman. " nagigiliw kong tugon
" Ayyyyy kaya love na love kita Ms. Jewel ehhh..... Noh Sir pogeh kaya love mo rin si Maam?" na si kuya Rex naman ngayon ang nakita....
Napangiti nalang rin si kuya Rex kay Mrs. Eds.
Nagulat si Mommy na makita kami ni kuya Rex na loob ng office nya. Ready narin ang lunch namin. Yung malapit na sinasabi ng secretary nya ay umabot ng 45minutes kaya naman ang food ay naihanda narin. Its already 1pm. Late lunch.
I hug my mom tightly at tuwang tuwa na makita ako.
"I have my pasalubong sayo mommy. Here I brought that in Paris mall mom. Limited Edition po ng Hermes ladies hand bag, Hindi gaanong kamahalan mommy pero i know na magugustuhan nyo dahil sa leather na pabalat nito. " sabay abot ko sa kanya ng paper bag na naeexcite ako
Agad naman kinuha ito sakin ng mom at hinalikan ako ng maraming marami sa pisngi ko. I really love this talaga kapag nakukuha ko ang kiliti ng mommy ko. Ito yung namimiss ko sa kanya kapag magkasama kami.
"Thank you my dear..... Kilalang kilala mo talaga ang mommy ha. Thank you for visiting me here ha, kahapon pa kita gustong makita kaya lang hectic ang schedule ng mommy. Lets eat na kasi gutom na rin ako.... " natatawang sabi ng mom ko.
"Ms. Jewel , ako po ? may pasalubong din ba? Si Eds na nagpapacute.
Sanay na sanay na si Mrs Eds sa amin. May pagkamakwela kasi ito. Pero pag dating sa trabaho ,garantisado naman na professional.
" Nakuuuuu nakalimutan ko" pagbibiro ko dito pero ang totoo at nasa table na niya ito at lihim na ipinalagay ko kay kuya Rex. It was a perfume na not too much expensive pero babagay naman na kanya ofcourse with chocolate.
Nakakatuwa sa kanya ay hindi marunong ito magtampo. May kalukuhan pa nga itong tugon pag ganito eh.
"Naku pohhhh napaswerte ko naman kasi alam ko much bongga ang christmas gift ko!!! " sabay tawa nito.
"Tama na yan, come Timothy lets eat. " si mommy naman ang nag agaw ng linya
Masaya kaming kumakain. Pero napapansin ko si mommy na laging nakatingin sakin na may lungkot na itinatago. I don't want to ask here kasi baka pagod lang.
Hindi na kami tumagal dahil by 2pm ay my outside meeting ang mommy. Narinig ko namang sumigaw si Eds sa may table niya at nagpahabol pa ng pasasalamat noong pasakay na kami ng elevator.
Kanina bago kami umalis, kinausap ni mommy si kuya Rex , di ko alam kung anu ang pinagusapan nila but may be sa seguridad ko naman yun.
I text my husband na dadaan kami ng EMJH to talk Uncle Ralp. Sumagot naman ito agad at sinabi pa nitong sabay na kaming uuwe at dadaanan niya ako roon na ikinasaya ko talaga.
Nang makarating kami sa main entrance...
I was surprise when I saw Mr. Roy standing in front of main lobby ng Hotel. Dito na pala ito nagwowork. May be trinatraning na siya ni Uncle. It a must kasi matanda na si Uncle. Di rin naman kasi ako full-time dito kung sakaling payagan ako ng asawa ko na mag opisina na.
He is busy with the guest if I'm not mistaken. Dumeretso ako sa reception area. They are very oriented sa pag aasikaso ng guest. They greeted me.
" Hi good afternoon! I would like to ask where is Mr. Ralp Thompson?" na nakaagaw yata ako ng pansin at agad na sumagot sakin ang anak nito
"Ms. Jewel, your here....." masarap nitong ngiti sakin sabay hila nito sa aking beywang at halik sa aking pinge. Para tuloy mapapayakap ako sa kanya na gulat.
Nagtiim bagang naman ang panga ni kuya sa ginawa ni Roy. Hindi pa nasayahan ay hinatak niya ang kamay ko at akmang igigiya kung nasaan ang daddy nito ngunit maagap ang kamay ni Rex.
Mahigpit nitong hinawakan ang wrist ni Roy.
"Hey!" paasik naman singhal sa kanya ni Roy
Agad akong umawat dahil nakitaan ko na si kuya ng galit sa mukha.
"Ahm Roy, he is Rex my kuya hehehe!!! his with me. Then lets go. " at agad hatak ko sa kanila.
Ang mga receptionist naman ay nagulat at natulala. Kanina nung lumapit kami sa reception area ay titig na titig ang mga ito sa diresiyon ni Roy, at nung lumapit naman kami kung nasaan sila ay kay Rex naman sila nakatitig.
Kumawit na ang dalawa kong kamay sa mga braso nila. Feeling ko kasi mag aaway tong mga ito eh.... may mga guest pa naman sa lobby ,...lalo na siguro kung ang asawa ko ang kasama ko sigurado ay nasuntok na niya si Roy sa ikinilos niya.
The VIP elevator is not available for a moment dahil pataas palang ito going to 50th floor, so no choice kami and we are going to use the employee elevator kung saan ay pababa na. May dalawang elevator din na for the guest only.
When the elevator doors opened, a girl na sakay nito ay nagulat dahilan upang mahulog ang mga wine glasses sa isang round tray na hawak niya.
Titig na titig ito sa akin. At agad bumati samin at humingi ng walang sawang paumanhin sabay upo upang pulutin ang mga basong nabasag na patuloy parin sa paghingi ng sorry.
Si Roy ay agad na nagradyo ng maintenance. Ako naman ay napasabay sa pag upo upang tulungan ang babae na ikinagulat muli niya.
Nagulat din ang dalawang lalaking kasama ko...
"Princess no. "saway sakin ni Rex
"Jewel no." saway sakin naman ni Roy
Magkasabay pa talaga silang nagsalita.
"Im okay guys.ahhhhmmmmm Miss how about you?" at ikinagitla nanaman niya dahilan upang mahiwa ang kanyang daliri ng basong basag.
Mabuti na lamang at hindi sumasara ang elevator dahil nakastuck na ito agad sa agarang responde na inutos na agad ito ni Roy.
Kinuha ko ang kamay nung babae at tumayo kami. Hinugot ko naman ang grey na panyong nasa bulsa ni kuya Rex at yun ang inilagay ko sa daliring nagdurugo.
"Be careful Miss.....by the way kuya papalitan ko nalang yung panyo mo ha.... tara la labas muna " aya ko na hawak ko parin ang kanyang kamay.
Wala pang dalawang minuto ay nailigpit na agad ang kalat. Ang babae naman ay nasa harapan ni Roy at kinakausap ng maayos sa di kalayuan samin kaya maririnig mo rin ang pinaguusapan nila.
"Miss Rivera mag iingat ka sa susunod. Theres a chance talaga na nagagamit ang elevator nyo if in case na kinakailangan namin. Nagkakape ka ba? Iwasan mo na ha at wari ko magugulatin kana. You make go now. " wika ni Roy.
Humihingi ito ng paumanhin muli. Humarap sa amin ni Rex ang babae at nagpasalamat.
"Uncle Ralp there you are." wika ko ng makita ko siyang lumabas sa VIP elevator.
"Hija your here..... Rex! " sabay tapik sa balikat ni Rex at pagbeso sa akin ng masaya niyang bati na napalitan din agad ng pagtataka. "What happened? How are you? " pag aalala nitong wika ng makita niyang may ilang taong kumikilos sa likuran namin. At ng lumingon ako sa babae at nakatalikod na ito at si Roy naman ay pupunta sa gawe namin.