MALALAKI ang hakbang ni Assandra. Nasa kasukalan siya at hinahanap niya si Luis. Dito siya nagtungo dahil ang sabi ng asawa niya ay may papatayin itong ahas. Sa lugar lang naman na ito may ahas. Nais na niyang iparating dito ang magandang balita na buntis na siya--sa wakas! Kaytagal nilang hinintay ang oras na ito kaya sigurado siyang katulad niya ay magiging masaya din ito. “Luis! 'Asan ka? Naririnig mo ba ako?” tawag pa niya ngunit wala siyang nakukuhang tugon. Saglit siyang tumigil. Kanina pa siya sa kasukalan ngunit hindi niya ito makita. Hindi kaya nagkasalisi sila at nasa kubo na ito? Marahil ay mas makakabuti kung bumalik na lang siya doon. Pagpihit niya paharap sa daan pabalik ng kubo ay medyo nagulat siya nang may makita siyang isang matandang babae na nakatayo sa daraanan niya

