HINDI na makakapayag si Lusi na malaman ni Assandra na may bago na naman tao na narito sa isla. Kailangan na niyang patayin ang lalaking iyon at hindi na siya mapipigilan pa ng kanyang asawa. Sigurado siya na kapag nalaman nitong may papatayin na naman siya ay pipigilan siya ulit nito. Madadagdagan na naman ang bihag nila. Lalong hindi naman siya makakapayag na paalisin na lang ang lalaki. Paano kung magdala pa ito ng ibang tao? Magugulo ang tahimik na buhay nila ni Assandra! Kaya nga pinili niyang manirahan sa islang ito ay dahil doon. Nais niya ng katahimikan at malayo sa mapanghusgang mata ng mga tao. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa kanila ni Issa na hinadlangan ang kanilang pag-iibigan dahil sa magkadugo silang dalawa. Nakatalikod sa gawi niya si Jayvel nang balikan niya it

