“BEATRICEEE!!!” Napasigaw si Hiromi nang makita niya kung paano bumaon ang matutulis na kuko ng Wakwak sa dibdib ni Beatrice. Nagpagulong-gulong ang dalawa sa sahig hanggang sa huminto lamang ang mga ito nang tumama ang likod ng Wakwak sa dingding. Gimbal na gimbal silang lahat at walang nakagalaw nang makita nila nang malapitan ang halimaw. Parang wala lang na tumayo ang Wakwak. Mataas ito at tunay na nakakatakot ang hitsura. Humakbang ito nang isa ngunit napahinto nang makitang nakatusok sa isa nitong kamay si Beatrice. Sisigok sigok ang kanilang kaibigan na akala mo ay isang sisiw na malapit nang mamatay. Malapit sa puso nito nakatusok ang kamay ng halimaw. Nakahawak ito sa magaspang na braso ng Wakwak. Umangat ang kamay ni Beatrice habang nakatingin kay Hiromi. “T-tu… t-tulungan n-n

