CHAPTER 02

1657 Words
9 DAYS BEFORE CHRISTMAS... Silent night... Holy night... All is calm, all is bright... Round yon virgin, mother and child Holy infant tender and mild Sleep in heavenly peace... Sleep in heavenly peace. Tinakpan ni Hiromi ang bibig nang unintentionally ay napahikab siya nang malaki dahil sa kinakanta nila habang nagka-caroling sa harap ng isang maganda at malaking bahay. Hindi naman sa hindi niya gusto itong ginagawa nila pero nakakaantok lang talaga iyong kinakanta nilang magkakaibigan. After nilang kumanta ay pumalakpak ang matandang mag-asawa na nakikinig at nanonood sa kanila. Lumapit ang matandang babae upang ibigay sa ang pera or mas tamang sabihin na donation. Yes. Donation. They're doing this caroling-thing for a cause. Hindi nila paghahati-hatiang magkakaibigan ang maiipon nila dito. Balak kasi nilang maghanap ng isang maliit na lugar para magsagawa ng feeding program and gift giving. Pito silang magkakaibigan. Siya, si Hannah, Beatrice, Nysa, Andrei, Jepoy at Tor. Magkakaklase at friends sila noong high school and until now, kahit sa iba't ibang schools na sila nag-aaral dahil college na silang lahat ay magkakaibigan pa rin silang pito. Sa iisang subdivision lang din naman sila nakatira-- dito sa subdivision kung saan sila nangangaroling. Actually, sa Japan nag-aaral si Hiromi pero dahil na-miss niya ang family and friends niya ay umuwi muna siya. After ng New Year ay babalik din siya doon. Si Hiromi ang nakaisip na gawin ito. First time nilang gagawin ang pagcha-charity at gusto nila na gawin na ito nang yearly. "Thank you, thank you... ang babait ninyo. Thank you..." sabay-sabay na awit nila pero siya ay bumubuka lang ang bibig. Walang boses na lumalabas sa kanya dahil medyo nako-kornihan talaga sila sa kinakanta nila. "Thank you, madam! Makakatulong ang donation niyo sa mga nangangailangan!" ani Hannah na may hawak ng box ng mga pera. Nagflying kiss pa ito sa dalawang matanda bago sila naglakad papunta sa susunod na bahay na kakantahan nila. Si Hannah ay ang pinaka mayaman sa kanilang pito. The usual pretty-brat-girl na kinaiinisan ng lahat pero dahil nga friends nila ay pinagtitiisan na lang nila. "Guys, talaga bang iyon na ang playlist natin? Silent Night? For real?" Hindi na napigilan ni Hiromi ang sarili na i-voice out ang sintemyento niya. Hinawi niya ang mahaba at kulay brown niyang buhok nang tumakip iyon sa kanyang mukha dahil biglang humangin ng malakas. Malapit na talaga ang Pasko. Malakas at malamig na ang hangin. Napatingin ang lahat sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" ani Nysa. Ito naman iyong madalas na pagtawanan sa grupo dahil medyo slow and clumsy. "Uhm, you mean... dapat ba Kasama Kang Tumanda ang kinanta natin kanina do'n sa dalawang matanda?" They all know na seryoso si Nysa sa sinabi nito at hindi ito nagjo-joke. "No. Hindi ba pwedeng mga masasayang Christmas songs ang kantahin natin? Like All I Want For Christmas Is You ni Mariah Carey or 'yong sa mga Sexbomb! Sayang naman itong sexy-Santa na costume natin kung hindi din naman tayo sasayaw, 'no! Hindi bagay sa outfit ang song. Promise!" "Bakit, Hiromi? Pwede ka namang sumayaw sa Silent Night, a! Sexy dance!" sabi ni Jepoy na pinaka makulit sa grupo. Tie sila ni Andrei sa pagiging makulit. Nagkunwari pa siyang nasusuka nang sumaway na nga ito habang kumakanta ng Silent Night. Sexy dance. "Eww! Stop that, Jepoy!" saway niya. "Basta, sa susunod ibahin na natin mga songs natin. Tutal first night pa naman natin ito." Umayos na silang lahat nang nasa harapan na sila ng kasunod na bahay. Nagsimula na ulit silang kumanta ng Silent Night. -----***----- 8 DAYS BEFORE CHRISTMAS... "One thousand seven hundred fifty and... twenty-five cantavos!" Napailing si Hiromi matapos bilangin ni Beatrice ang naipon nilang pera sa pangangaroling sa loob ng dalawang araw. Kumpleto silang pito at nasa isang convenient store. Doon muna sila tumambay after mag-caroling. "Pwede ba tayong bumawas ng kaunti para kumain? Nagugutom na kasi ako..." Napatingin silang lahat kay Beatrice. Ito naman iyong cute chubby girl ng grupo. "Kaunti na nga lang 'yan, babawasan mo pa, Beatrice!" "Okay. High blood ka naman agad, Hiromi." Problemado siyang napatingin sa perang nasa gitna ng table. "That's not enough. Kulang na kulang. Tandaan niyo, isang bayan or baranggay pupuntahan natin," sabi niya. "What if, tayo mismo ang magdonate? From our savings?" suggest ni Hannah. "Good idea!" sang-ayon ni Hiromi. "Mag-pledge tayo tapos bukas dapat ay maibigay na natin 'yong amount ng pera na ipe-pledege natin." Napatayo bigla si Nysa na para bang may hindi ito maintindihan. "Guys, kayo na lang. Isa lang ang pledge namin sa bahay, e. Mapapagalitan ako kapag dino-nate ko 'yon. And besides, wala na kaming paglalagyan ng mga frozen goods. Kayo na lang talaga. Out muna ako diyan," anito sabay upo ulit. "Anong pinagsasabi mo, Nysa? Pledge hindi fridge, okay? Magkaiba iyon!" sabi niya. "Wooh! Lakas din nitong si Nysa. Parang nakasinghot ng katol!" Tawa nang tawa si Andrei nang makipag-apir ito kay Jepoy. "Guys, stop! Okay, 'wag na lang tayong mag-pledge. Basta kung magkano ang kaya niyong i-contribute, go lang. May mga old clothes naman akong dinala from Japan. I brought them for this project talaga. Umuwi na tayo. Medyo late na rin naman, e..." turan pa niya. -----***----- NATAGPUAN ni Hiromi ang sarili na tumatakbo sa gitna ng kagubatan. Alam niyang may humahabol sa kanya pero hindi niya alam kung sino o ano. Takot siya. Takot na takot... Hanggang sa may makita siyang kabahayan. May mga tao. She screamed for help pero parang walang naririnig ang mga ito. Patuloy lang ang mga ito sa kanilang ginawa. May nagkukwentuhan, nagsasampay ng damit sa ilalim ng init ng araw at may mga batang naglalaro. Napahinto siya sa pagtakbo nang nasa gitna na siya ng malawak na kapatagan. Sa paligid niyon ay mga kabahayan at mga tao. Pagtingin niya sa ibaba ay may nakita siyang isang anino. Nakakatakot ang hitsura ng aninong iyon. Hugis babae na may malaking pakpak with sharp edges! Marahan siyang tumingala at isang malakas na sigaw ang kumawala sa kanya nang makita niya ang hitsura ng may-ari ng naturang anino! -----***----- "s**t!" Mura ni Hiromi nang magising siya mula sa panaginip niyang iyon. Napaupo siya habang nakayuko at humihingal. It seems so real. Iyong takot niya sa panaginip, dama pa rin niya hanggang ngayon. Lumabas siya ng kanyang room at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Pabalik na siya sa kanyang kwarto nang mapansin niya na nasa salas pala ang mommy niya. Umiinom na naman ito kahit gabi na. Nilapitan niya ito at sinubukang kunin ang bote ng alak na hawak nito pero hindi ito pumayag. "Bakit umuwi ka pa dito, Hiromi? Sanay na akong mag-isa! Doon ka na lang sa tatay mong Hapon tutal mas masaya ka naman doon!" Puno ng hinanakit na sabi nito sabay lagok ng alak. Alam ni Hiromi ang pinaghuhugutan ng sinabi ng mommy niya. Simula bata ay magkasama na sila ng mommy niya. Naging maayos naman ang kanilang buhay kahit na mag-isa lang ito sa pagpapalaki sa kanya. Naranasan niya noon na ipaalaga sa kapitbahay noong bata pa siya dahil kailangang magtrabaho ng mommy niya kahit sa gabi. Nahinto lang iyon nang tumuntong na siya ng high school. Doon na siya natutong asikasuhin ang sarili, matulog mag-isa kapag gabi at magluto ng pagkain. Lahat ng iyon ay dapat niyang matutunan dahil madalas wala ang mommy niya dahil nga sa nagtatrabaho ito. Kahit kailan ay hindi siya nagtanim ng hinanakit dito kahit kulang siya sa atensyon nito. She understand kung bakit mas madalas na hindi sila magkasama... Naiintindihan niya ito dahil mahal niya ito. She was second year high school nang makaramdam siya ng inggit sa mga classmate niya na kumpleto ang pamilya. Doon na rin siya nagtanong sa mommy niya kung sino at nasaan ba ang kanyang daddy. At first, ayaw nitong sabihin sa kanya pero nang dahil na rin siguro sa pangungulit niya ay napilitan itong sabihin sa kanya ang totoo. Isang pure Japanese daw ang daddy niya at nasa Japan ito. Nabuntis daw noon nito ang mommy niya nang nasa Japan ito at nagtatrabaho bilang singer. Hindi daw nito pinanagutan ang mommy niya. Hideo Tsunoda daw ang pangalan ng daddy niya. Sa pagkakaalam daw nito ay may sarili na itong pamilya kaya hindi na ito ginulo pa ng kanyang mommy. Ang akala noon ng mommy niya ay wala siyang ginagawa para hanapin ang daddy niya. Kahit pangalan lang ang alam niya sa ama ay ginamit niya pa rin ang power ng internet para hanapin ito. And finally, after ng isang taon na paghahanap dito through internet ay nahanap na rin niya ito. Nagkaroon na sila ng communication ng daddy niya lingid sa kaalaman ng mommy niya. Hanggang sa fourth year high school siya nang biglang bumisita sa bahay ang daddy niya. Wala nang nagawa ang kanyang mommy. Tumahimik na lang ito. Ang gusto noon ng daddy ni Hiromi ay sumama na siya dito after ng high school. Pag-aaralin daw siya nito ng college hanggang sa makatapos. Isang magandang opportunity iyon na makasama ang daddy niya na matagal niyan hindi nakasama kaya naman pumayag siya. Wala siyang narinig na kahit na ano sa mommy niya nang umalis siya at nagpunta sa Japan. She left her alone... At napakasakit niyon para sa kanya. Pero gusto niya rin naman makasama ang kanyang ama. At kinailangan niyang mamili... Pinili niya ang daddy niya at ang kanyang pag-aaral. Kaya naiintindihan niya ang mommy niya kung pagsalitaan man siya nito nang hindi maganda. Iniwan niya itong mag-isa. Wala siyang idea kung ano ba ang lagay nito dito habang siya ay nasa Japan. Hindi kasi ito nakipag-communicate nang umalis siya. Gustong-gusto na niya noong umuwi pero hindi niya magawa. Every night ay umiiyak siya. Feeling niya ay napakasama niyang anak dahil iniwan niya ang mommy niya na walang ginawa kundi ang magsakripisyo para lang magkaroon siya ng magandang buhay. Hindi niya napigilan ang mapaiyak. Umupo siya sa tabi ng mommy niya at niyakap ito. "I'm so sorry, mommy..." sabi niya habang lumuluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD