CHAPTER 13 Inilagay ko sa balikat ko ang gitara at dahil wala naman akong ibang madaanan kundi sa kung saan sila nag-aabang ay payuko na lang akong dumaan sa harap nila. Ayaw ko na silang tignan lalong-lalo na ang kausapin pa sila. Nang nasa tapat na nila ako ay maagap si Lexi na pinigilan ako sa paghawak niya sa aking braso ko. "Wait! Boy, please let us talk?" Hindi ko siya tinignan. Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad ngunit wala siyang balak pakawalan ako hanggang halos yakapin na niya ako. Hinawakan din ni Jino ang isa pang braso ko kaya wala na akong magawa kundi ang harapin sila. "Bakit ba?" singhal ko. "Boy, bumabalik ka na naman sa dating ikaw. Kami dapat ang nagtatanong sa'yo ng bakit? Tatlo ang nasaktan mo sa araw na'to." si Lexi. Naka

