CHAPTER 14 Nang dumaan ako sa harap ng mga Tau Gamma ay malakas ang kaba sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Sa akin kasi nakatingin ang tropa ko. Naniniwala akong di nila ako pababayaan. "Opppss putaaaa!" gulat na singhal ko. Tinisod ako ng isa sa mga nakaupo. Nawalan ako ng balanse at sumubsob sa katabing mesa. Ang nakakainis ay nagtawanan pa sila. Tumayo ang tumisod sa akin at mabilis niya akong kinuwelyuhan. "Ano ha! May angal! Lalaban ka?" Dahil sa naipong galit sa dibdib ko sa pagpapahiya nila sa akin ay mabilis ko siyang binigwasan ng suntok sa panga. Pumasok iyon. Nabitiwan niya ako. Nagsitayuan na sila at iyon na din ang hudyat sa tropa kong lumaban nang napansin nilang sinimulan na nga nila ang riot. Nakita kong mabilis na lumabas sa CR ang lalaking may hawak na b

