CHAPTER 22 Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta Nakita ko din ang pagyakap ni Tito Xian kay Jino ngunit sa akin nakatingin ang galit na galit na si Tito James. Nang bumitaw sa akin si Daddy ay hinarap ako ni Tito James. "Pareng Mak at Pareng Ced, pasensiya na uli ha, baka puwedeng kausapin ko ang anak ninyo sa harap ninyo?" "P're, kung may problema ka sa anak namin, kami ang dapat kakausap sa kaniya. Kami ang may karapatang dumisiplina sa kaniya at hindi namin magagawa iyon sa harap ng ibang tao. Pasensiya na P're pero hindi kasi magandang tignan na ikaw ang nagsasabi sa anak namin ng dapat kami ang nagsasabi sa kaniya." matapang na sagot ni Daddy Ced. Natigilan si Tito James. "Pa, tama na po. Sana once and for all, makinig naman din kayo sa sasabihin ko, sa kung ano ang sasab

