FINALE PART 1 Hanggang sa natigilan kami sa aming paglalambingan nang biglang may dalawang nakamotorsiklong may mga angkas ang tumigil sa hindi kalayuan sa amin. Nakahelmet silang apat. Nakita ko ang pagbunot nila ng b***l. Kami ang kanilang puntirya. Hinila ko si Jino na noon ay gulat na gulat at hindi malaman ang gagawin. Niyakap niya ako. Nakatutok na ang b***l nila sa amin. Kailangan kong iharang ang aking katawan sa balang maaring tatama sa kaniya. Bang! Bang! Bang! Umalingawngaw ang sunud-sunod na malalakas na putok ng b***l. Napaliyad ako nang naramdaman ko ang tama ng bala sa aking tagiliran at isa pa sa likod ko. Minabuti kong saluhin lahat ang balang maaring tatama kay Jino. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa siya ang mawala sa akin. Nagawa ko pa din siyang yakapin para

