Hindi lang ang kamay at mga daliri ni Haden ang gamit niyang panturo. Kasama na rin pati ang nguso nito. Kanina ko pa naman na nakikita ang itinuturo niya na tila ba isang food stall pero iyong food stall ay naka-attach sa isang parang tricycle. "Mami yata yan at pares. Kumakain ka ba niyan?" agad nitong tanong sa akin. Iyong tuwa nito ay talo niya pa ang naambunan ng isang himala o hindi naman kaya ay nakahanap ng oasis sa gitna ng desyerto kung saan puwede siyang makainom ng malamig at malinis na tubig pagkatapos ng ilang araw o linggo na panunuyo at pananabik ng kaniyang lalamunan sa tubig. When Haden decided to stop the car few steps from the pares and mami food stall. Wala na akong chance na mag-inarte pa. Kailangan ko ng kainin ang kung ano mang klase ng pagkain ang tinitinda ni

