Si Manager Herrone, isang photographer at stylist and kasama ko papunta sa show. Wala na kaming oras para magpabalik-balik sa hotel room para roon magbihis at mag-ayos bago kami pumunta sa sunod naming schedule kaya naman iyong van na ginagamit namin ngayon na rin ang magsisilbi kong dressing room. Kailangan lang itaas iyong divider. Spacious naman iyong van. HIndi rin ito ang unang beses na gagawin ko ang magbihis sa loob ng van kaya naman wala ng problema sa akin ito. Sampung minuto pagkatapos ng show ng Galia Lahav ay umalis na kami sa location. Medyo malayo kasi ang location ng show para sa Dolce and Gabbana sa location ng naunang show na aking dinaluhan. A sigh out of relief came out of my lips nang ma-unzipper na mula sa akin ang ang dress na suot-suot ko. "Goodness," I whisper

