ALEXANDRO'S POINT OF VIEW Eksaktong alas-onse ng gabi nang ihatid ko si Athena sa tinutuluyan niya mula sa karinderya. Tahimik lang siya sa loob ng sasakyan, nakatingin sa labas ng bintana habang nilalagpasan namin ang mga ilaw ng Maynila. Ako naman, panay ang tingin sa kanya mula sa gilid ng aking mata. Hindi ko alam kung pagod lang siya o iniisip pa rin niya ang nangyari kanina sa talyer, pero mas pinili kong manahimik. Nang makarating kami sa harap ng kanyang inuupahan, hindi ko pa rin maiwasang titigan siya habang inaayos niya ang bag sa kandungan niya. Pagkatapos niyang alisin ang seatbelt, tumingin siya sa akin at medyo nagtaas ng kilay. "Bakit ganyan ang tingin mo?" tanong niya, halatang may pag-aalinlangan. Napangisi ako. "Bakit, bawal bang tingnan ang girlfriend ko?" biro ko,

