ALEXANDRO'S POINT OF VIEW Pagkatapos kong siguruhing malinaw na sa mga tauhan ko ang dapat nilang gawin, agad akong umalis sa mansyon at dumiretso sa underground base. Wala pa akong isang linggong hindi nakakatapak dito, pero sigurado akong marami nang kailangang asikasuhin. Hindi puwedeng mapabayaan ang negosyo—lalo na’t hawak ko ang ilan sa pinakamalalaking transaksyon sa mundo. Pagpasok ko sa isang lumang gusali sa isang eskinita sa Maynila, isang lihim na pintuan ang bumukas nang ipasok ko ang fingerprint ko sa scanner. Sa loob, may isang mahabang pasilyo na pinapalibutan ng CCTV cameras at security systems na ako mismo ang nagpatayo. Habang naglalakad ako, sinalubong ako ng isa sa aking mga tauhan—si Damian, ang kaliwang kamay ko na kasalukuyang nangangasiwa sa mga operasyon ko sa

