ALEXANDRO’S POINT OF VIEW Tahimik kong pinagmamasdan si Athena habang abala siya sa pagliligpit ng mga pinggan sa kanyang karinderya. Pasado alas-siyete na ng gabi, at medyo kumonti na ang mga customer niya. Hindi ko pa man sinasabi sa kanya, pero balak ko na siyang isama sa isang malaking event bukas. Hindi lang basta event—isa itong pagtitipon ng pinakamakapangyarihang negosyante at impluwensiyal na tao sa bansa. Kailangan kong pumunta. At gusto kong sumama siya. Alam kong hindi siya papayag nang basta-basta, kaya inihanda ko na ang sagot sa lahat ng posibleng tanong niya. Dahil kung may isang bagay na sigurado ako, si Athena ay hindi madaling lokohin. "Anong problema mo at nakatayo ka lang diyan?" tanong niya nang mapansing hindi pa rin ako umaalis. Napangiti ako. "Wala nam

