CHAPTER 2

687 Words
ATHENA POINT OF VIEW Malalim na ang gabi, at ang buong mansyon ay tahimik. Hawak ko ang pinakapinapangarap kong bagay sa loob ng limang taon—ang annulment papers na matagal ko nang itinago. Ito ang magiging susi ko sa kalayaan. Ang huling hakbang para tuluyang makawala sa impyerno ng buhay may-asawa ko kay Benedict Devereux. Gabi-gabi akong pinapatay ng takot, gabi-gabi akong nagigising sa bangungot ng mga kamay niyang dumudurog sa akin. Ayoko na. Sawa na ako. Gusto ko nang matapos ‘to. Alam kong wala si Benedict ngayong gabi. Narinig ko ang usapan ng mga kasambahay kanina, at ayon sa kanila, nasa club na naman siya, nagpapakalunod sa bisyo niya—alak, droga, at mga babaeng pumapalibot sa kanya. Isa itong bihirang pagkakataon, isang pambihirang sandali kung kailan wala siya para pigilan ako. Ito na ang tamang oras para tumakas. Maingat akong humakbang palabas ng kwarto, nag-iingat na huwag gumawa ng ingay. Kahit isang maling galaw lang, isang malakas na kaluskos, maaaring magising ang mga bantay. Hindi ako pwedeng mahuli. Bitbit ko lang ang isang maliit na bag na may laman lang ang ilang damit at perang naipon ko nang palihim. Hindi ko na kailangan ng ibang bagay—ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makatakas sa kulungang ‘to. Pilit kong pinanatag ang sarili habang bumababa sa hagdan. Ang bawat yapak ko ay tila mas lumalakas sa katahimikan ng gabi. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba, ngunit hindi ako pwedeng huminto. Pagdating ko sa ground floor, saglit akong napatigil. Dapat diretso akong lalabas sa likod ng bahay kung saan hindi gaanong mahigpit ang seguridad. Pero isang boses sa loob ko ang humimok sa akin na gawin muna ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin. Dahan-dahan akong lumapit sa sala, kung saan nakadisplay ang wedding portrait namin ni Benedict. Sa loob ng limang taon, tuwing titingnan ko ang litratong iyon, lagi kong naiisip kung paano nasayang ang buhay ko. Tinitigan ko ang imahe ni Benedict—guwapo, matikas, makapangyarihan. Pero sa likod ng mukhang iyon, naroon ang isang halimaw na sumira sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong abutin ang frame at ibagsak ito sa sahig. Sa isang iglap, nabasag ito, kumalat ang mga piraso ng salamin sa marmol na sahig. Tumigil ang paghinga ko saglit, natakot na baka may nakarinig, pero nang manatiling tahimik ang paligid, alam kong wala pa ring nakaalam sa ginagawa ko. Mabilis akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso ako sa back door. Nakita kong naka-lock ito, pero matagal ko nang pinag-aralan ang bahay na ito. Alam kong may ekstrang susi ang isa sa mga paso malapit sa pinto. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahalukay ito, at nang makapa ko ang susi, halos gusto kong maiyak sa tuwa. Sinaksak ko ang susi sa butas, dahan-dahang pinihit, at narinig ko ang tunog ng lock na bumukas. Ang huling harang sa pagitan ko at ng kalayaan ko ay natanggal na. Unti-unti kong binuksan ang pinto, hinayaang lumanghap ang balat ko ng sariwang hangin sa labas. Ang langit ay madilim, at ang liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Isang hakbang na lang palabas. Isang hakbang patungo sa bago kong buhay. Pero bago ko pa tuluyang maisara ang pinto sa likod ko, napansin ko ang liwanag ng mga headlights mula sa gate. At sa isang iglap, bumagsak ang mundo ko. Isang itim na kotse ang mabilis na pumasok sa driveway, ang gulong nito’y dumudulas pa sa bilis ng preno. Halos mapasigaw ako sa kaba nang makita ko kung sino ang bumaba mula rito. Si Benedict. At galit na galit siya. Ang pinto ng sasakyan ay halos pumutok sa lakas ng pagkakasara niya, at sa ilalim ng malamlam na ilaw ng poste sa labas, kitang-kita ko ang nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha. Mapula ang mga mata niya, namumula ang mga labi sa alak, at kahit madilim, kita ko ang matalim na titig niya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit, ang bawat hakbang niya’y parang dagok sa puso ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. At sa isip ko, isang bagay lang ang umalingawngaw. "I'm dead."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD