Virgin's List (Part I)
Virgin's POV
“Ang…ang l-laki, David!” Balot sa takot na singhap ko.
Nanigas ako habang nakatayo si David na naka-brief lang sa harapan ko.
“Ano?” aligagang tanong ni David, halatang nagpapanic na.
“Wag na natin ituloy. Hindi ko kaya,” sabi ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko.
“Ok, ok!” mabilis na sabi ni David at nagtapis na ng tuwalya. “Ano ba ang problema?”
“D…diba, masakit raw pag first time? Pano pa kung ganiyan k…kalaki? Kumpara sa napanood natin...yong sayo ang…”
“Enough, Virgin. Nauunawaan ko,” buntong-hininga ni David tapos nagkatawanan kami. “Di ko rin talaga alam ang gagawin ko, ayokong masaktan ka. Sabi sa number 10 list mo, make love and enjoy it.”
“Next time?” nakangiti kong sabi.
“Next time,” sagot ni David.
Sobra ang saya ko, kahit suntok sa buwan pero sinong maniniwala na I got married in a man, I just met yesterday.
Paano nangyari? Exactly fifty hours earlier, naglalakad ako noon sa mall, sa Pilipinas, 24 hours before the flight…may romance drama na nagpi-play sa isang tv roon.
Napatigil ako at napa-isip.
Ano kaya ang pakiramdam ng halik?
Safe ba yon? Ang dami kasing bacteria ng bibig ng tao.
Well, dahil naman sa halik kaya nabuo ako.
“VIRGIN!”
Natigil ang pagmumuni-muni ko at napalaki ang mata saka napakamot sa ulo nang marinig ang boses ni Mama.
“Patay!” bulong ko.
Mabilis kong inalis ang tingin sa tv ng mall dahil sa pamilyar na dismaya sa tono ng boses ni Mama.
Kita ko ang tinginan at di makapaniwalang mga mukha ng karamihan sa mall. Yong iba nagbubulungan, pero mas marami ang nagtatawanan.
Pero agad naman natilig ‘yon nang sampalin ako ng malakas ni Mama.
“Sorry, Ma,”
“Dismayado ako, Virigin! Para ‘yon lang, sumuko ka na agad sa pangguguyo ng demonyo!”
Oh no! Andito na naman siya. Kakahiya!
“Ma, wag dito,” nahihiyang sabi ko, di alintana ang pagkakasampal sakin.
Kailangan ko siyang pigilan, kung hindi, sisikat siya ng wala sa oras sa mga social media.
“Pagkatapos nito, didiretso tayo sa simbahan. Mangungumpisal ka!” pabulong na duro ni Mama nang mapansin na rin ang atensiyon mula sa mga taong nagsisidatingan para maki-usyoso. “Mangungumpisal ka o hindi na kita patutuluyin sa Italy!” dagdag pa ni Mama saka tinalikuran ako.
Nanginginig kong dinampot ang mga bag na may laman ng mga pinamili namin para sa pag-alis ko.
Lilipad ako papuntang Italy para doon magtrabaho.
“Ow, I can’t!” bulalas ng isang babae mula sa likuran ko na di mapigil ang pagtawa. “Sisikat ka na talaga sa mga pagpapahiya sayo ni Tita.” Tawang-tawa niyang sabi habang nakahawak sa tiyan at naglalakad palapit sakin.
“Tumigil ka na, Megan. Kasalanan ko naman,” malungkot na sabi ko, saka naglakad na kasunod ni Mama.
“Ang alin? Ang manood ng nagki-kiss? Jusko, kaya nga yan fina-flash sa sandaang tv rito sa mall ay para panoorin ng tao,” habol ni Megan sakin. “Maliban na nga lang sa mga hindi tao.” Dagdag ni Megan at pabirong inilipat ang tingin kay Mama.
“Hoy, yang pananalita mo. Umayos ka! Mali naman talaga ako kasi bawal,”
“Wake up Gin! 23 ka na. Hindi ka na 13 para magtakip pa ng mga mata pag may nagki-kiss sa palabas. Sooner or later, we will be doing that. So, we should be learning!”
“Magtigil, Megan ha!”
“Come on, Gin! Dumaan rin sila sa ganiyan. Pustahan pa tayo! Anyways, dahil alam kong pangungumpisalin ka naman ni Tita after this, magsi-sleepover ako,”
“At bakit?”
Ngumisi si Megan at tumingin sakin ng nakakaloko, “Ilang gabi ko ng pinag-iisipan at pinagninilayan ito. At napag-desisyunan ko na gagawa tayo ng to-do list natin sa Italy. Tatawagin natin ang ating mga to-do list na, The Megan’s List and The Virgin’s List!”
“Ang dami mong naiisip,” irap ko kay Megan.
“Regalo natin yon sa ating mga sarili as graduation gift, for being good girls. At dahil kailangan na rin natin mag catch-up sa mundo, naiwan na tayo, Be!”
“Ayaw ko ng Virgin’s List. The Maddie’s List pa, baka pag-isipan ko,”
“Ayaw! Walang thrill!”
“Whatever, Megan! Buti na lang talaga summa c*m laude ka,”
“Mana sayo, magna c*m laude! Ewan ko ba, dapat ikaw naman ang suma pero nagpababa ka sa isang subject.”
Di nga naglaon at nagtungo na kami sa simbahan. Kita ko agad ang nakangiting mga mata ni Father. Sa loob ba naman ng ilang taon, siguro nauumay na rin siya.
“Virgin! Andito ka na naman?” nagpipigil na tawanin ni Father.
Nag-bless naman kaming tatlo nina Mama at Megan.
“Father, mangungumpisal po si Virgin,” mahinahon na sabi ni Mama.
“As expected, shall we begin, Virgin?” sabi ni Father saka inalalayan ako papasok ng confession room.
“Do I have a choice, Father?” ngisi ko.
Ako si Virgin Madeline De Belen. O diba, pag hindi ka naman nahiya gumawa ng kasalan sa ganitong pangalan ay ewan ko na lang.
Sabi nila blessing raw ang pangalan ko. Parang special gift, kaso para sakin para siyang sumpa. Ang expectation ng lahat, laging tama ang gagawin ko.
Gin ang preferred kong tawag sakin. Minsan Maddie o Madeline, basta wag Virgin! Iyamot na iyamot ako pag tinatawag akong Virgin.
Sa isang eskwelahan ng mga madre ako nag-aral mula elementary hanggang makatapos ng college. Kung wala siguro si Megan, nabaliw na ako roon sa sobrang higpit.
Kakaiba kasi ang trip ng pamilya ko. Nabubuhay pa rin sila sa lumang panahon. I’m not against it, masyado lang akong napapraningan sa kanila. Sobrang higpit nila kaya araw-araw kong inaasam na dumating ang panahon na mararanasan ko rin ang buhay sa mga napapanood naming mga pelikula. Mga pelikula na pinupuslit ni Megan tuwing lights-off naming, sa school o mapa-bahay man.