Di naman agad ako nakasagot dahil sa matinding awa sa kalagayan ni David. Marami siyang pasa at latay sa katawan. “A…anong nangyari?” nag-aalalang tanong ko. “Ok lang ako, ikaw? May ginawa ba sayo si Mama? Magsabi ka ng totoo!” nagpapanic na tanong ni David habang sinisipat ako. “O..Okay lang ako! Pero…ikaw,” nanghihinang sabi ko habang hinahaplos ang mga sugat niya. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ganon na lang ang kagustuhan ni David magrebelde. Kumpara sa akin, mas matindi ang pasakit niya. “Sinubukan ko tumakas para puntahan ka pero masyadong marami ang nakabantay sakin,” “Kaya naman pala nagpalaki ng katawan eh...” sabi ko pa, saka lumunok ng laway sa takot na bumasag ang boses ko. Di naman na siya nagsalita bagkus ay ngumiti. “Anong tinatawa-tawa mo diyan? Parang pupunit

